𝐱𝐱𝐢𝐯.

310 9 3
                                    

[ Kabanata 24 - Paglilitis ]

A/N: the dialogues that will be told during the trial scene are all inspired from the movie. some of the quotes acted out in the movie are included while some are purely out of my imagination and from the data that i've gathered from different reliable sources

May mga bagay talaga sa mundo na hindi basta-basta lamang madadaan sa isang pangako. Hindi sasapat ang pagbibitaw lamang ng mga salita kundi ay pati na rin ang isabuhay at isagawa ang ipinangako mo sa isang tao. Ang pitong letra ng bumubuo sa salitang may kaakibat na mabigat na responsibilidad ay kailanman ay hindi naging kalakasan ni Miriam. Para sa kanya, ang pagbibigay ng pangako para sa isang tao ay para na ring pagsasangla ng lahat ng iyong dangal at dignidad matupad lamang ang lahat ng nilalaman ng pangakong iyon. Ang magbitiw ng pangako ay hindi niya inaasahan na kanyang magagawa habang narito siya sa panahong ito, ang panahong kung saan ang pagbibigay ng pangako ay walang kasiguraduhan. Sa puso at isipan ni Miriam nananalaytay ang prinsipyo na kapag ika'y nangako sa isang tao, gagawin mo ang lahat-lahat upang ito'y maging posible. Ngunit ano naman kaya ang magiging kapalit?

Habang kami'y patuloy na lumalayo sa celda municipal kung saan ngayon nakapiit ang tatlong pari ay mas tumitindi ang tibok ng aking puso at nagsisimula na rin akong mahirapang huminga. Pinilit ko na lang na maglakad hanggang makarating na kami sa kumbento. Bago pa man kami makapasok ay hinarang ako ni Dolce gamit ang kanyang kamay. "Marami kang ipaliliwanag sa akin ngayon, Miriam." Matalim na pagkakasabi niya.

Sinalubong namin ang mga madre ngunit ni isa sa kanila ay wala kaming pinagsabihan kung saan kami nagtungo at kung bakit pasado alas-diyes na nang kami ay makabalik sa kumbento. Nang dumako na kami sa aking kwarto ay kaagad na isinara ni Dolce ang pinto at tumingin sa aking mga mata. "Bakit parang masama ang titig mo sa akin, Dolce?" Katanungan ko.

Lumapit siya sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. "Miriam, nais kong magtapat ka sa akin. Kanina noong naroon tayo sa piitan, bakit tila punong-puno ka ng kasiguraduhan na ang mga pari ang magdadala ng kalayaan sa bayan? Napapansin ko rin na iba ang mga prinsipyo o pananaw mo sa mga bagay-bagay.... pati na rin sa iyong pananalita, mga gawi, at mga nalalaman. Pakiusap, Miriam. Ipaliwanag mo sa akin ang lahat." Kanyang pagsusumamo. Tiningnan ko siya nang malalim sa kanyang mata hanggang isang luha ang pumatak mula sa aking mata.

"Kapag ba sinabi ko lahat sa iyo ang lahat, maniniwala ka sa akin?" Aking tanong. "Oo naman. Miriam, dalawang buwan ang nakalipas mula nang dumating ka dito sa kumbento at sa aking buhay. At sa dalawang buwan na iyon ay mas nakilala kita at isa ka sa mga taong aking lubos na pinagkakatiwalaan sa anumang bagay. Kaya lahat ng iyong ilalahad sa akin, ay alam kong hindi nababahiran ng kasinungalingan." Sambit niya at kumawala ang hikbi mula sa akin.

"Dolce...." Hinawakan ko ang kanyang kamay. ".... Galing ako sa taong 2024." Nagdaan ang ilang mga segundo ng katahimikan habang ang mukha ni Dolce ay unti-unting nagbago mula sa pagiging kampante hanggang sa napupuno na ito ng pagtataka. "20-24? Anong taon iyon?" Pinunasan ko ang pisngi ko na sa ngayon ay may natuyo nang mga luha. "Dalawang libo at dalawampu't apat. Iyon ang taon kung saan ako nanggaling." Aking paglilinaw. Pumikit-pikit si Dolce habang ako naman ay kinakabahan na sa kanyang susunod na reaksyon. "Hindi iyon maaari, Miriam. Lipas na ako sa taon na iyong tinuran. Ano ba't ganyan ang iyong sinasabi sa akin ngayon?" Nanginginig ang tinig niya.

"Makinig ka sa akin ha.... Ako pa rin ang nakilala mong Miriam Asuncion De Leon ngunit magkaiba tayo ng panahong nakagisnan. Isa akong estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyan akong nasa pangalawang taon ng medisina. Kinailangan kong magsaliksik tungkol sa tatlong pari na sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora upang ako'y makapasa. Naidlip ako kakabasa sa kanila at pagkagising ko ay narito na ako sa panahon ninyo. Hindi ko alam kung ano pa talaga ang layunin ko dito ngunit nakilala ko kayo at nagkaroon ako ng pang-unawa sa lahat. Nakaramdam ako ng bagong pananaw, ng mga bagong panghahawakan sa buhay, mga prinsipyong hindi ko naramdaman sa aking panahon, at iyon ang hinihingan ko sa inyo ng pagpapasalamat." Pagtatapat ko.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now