Ipinarada niya yung kotse sa tapat ng isang malaking Amusement Park. Actually, first time ko lang na makapunta sa Amusement Park na kagaya nito. Noong bata kase ako ay binuburo ko lang ang sarili ko sa bahay, lalo na mula noong mawala ang mga magulang ko ay naging mas madalang akong lumabas ng bahay. Tanging isang tao lang ang nakalapit sa'kin ng mga panahong iyon bukod kay Tita, alam kong kilala nyo na kung sino siya.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya noong makababa kami ng kotse. Ang taray ng kuya niyo, hindi niya talaga ako agad pinababa. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Medyo nawiwirduhan tuloy ako lalo sa ginagawa niya.
"Ano bang ginagawa sa mga Amusement Park ha, Hazel?" May pagkasarkastiko niyang tanong. Umirap naman ako saka naglakad. "Tss. Eto naman pikon agad. Sorry na." Panlalambing pa niya sabay hawak sa kamay ko. Pinag-intertwined niya pa yung mga daliri namin. Nagulat tuloy ako.
"What are you doing?!" Sigaw ko saka hila pabalik ng kamay ko.
"Hinahawakan yung kamay mo. Hindi ba halata?" Nakangiti pa nyang sagot. Napaface-palm naman ako.
"Hoy Gregory Lopez, sabihin mo nga sakin kung anong karapatan mo para hawakan ang kamay ko? Tayo na ba ha? Eh ni hindi pa nga ako pumapayag na manligaw ka eh." Pagtataray ko naman.
Muli niyang inabot yung kamay ko. Itinapat niya iyon sa mukha niya saka hinalikan. Nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo ko sa batok.
"I am holding your hand because I am afraid I might lose you. This is my first and last chance to prove that I am doing this for you, only you." Malambing niyang sabi. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y namumula na naman ang mga pisngi ko. Shocks?! Kelan pa ako naging gan'to ka-affected sa mga sinasabi ni Greg?!
"Pssh." Bulong ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lang siyang hawakan ang kamay ko. Actually, magkahawak kamay kami habang naglilibot. Medyo nao-awkward ako sa mga taong nakakakita sa'min. Pakiramdam ko kase nasa'min lahat nakapako ang mga mata nila. "Saan ba tayo unang sasakay?" Tanong ko.
Agad niya akong hinila palapit sa Roller Coaster. Tiningnan ko naman iyon, jusmiyo. Parang tinitingnan ko pa lang yun pero pakiramdam ko masusuka na ako. Napatitig ako kay Greg. Titig na waring nagsasabi na seryoso-ka-dyan-tayo-sasakay face. Ngumiti lang siya sakin at tumango. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba yung titig ko o talagang naeexcite na siyang sumakay sa deadly ride na 'yon.
Hinila niya ako papunta doon sa mahabang pila ng mga gustong sumakay sa roller coaster. Nangangatog ang tuhod ko noong nakapila na rin kami. Pakshet, first time ko kayang sasakay sa gan'to.
Unti-unting umuusad yung pila na parang kanina lang ay napakahaba. Binibilang nung crew ng Amusement Park yung mga taong dumadaan sa entrance. Noong si Greg na ang sunod ay pinatigil siya noong lalake. "Sa susunod na po kayo Sir." Nakangiting sabi nito.
Isinara na yung entrance na bakal. May boses na nagsalita sa speaker, mga paalala tungkol sa pagsakay. Ilang minuto pa ang lumipas at umandar na yung roller coaster. Dahan dahang tumataas iyon, naririnig ko na rin ang hiyawan at tilian ng mga nakasakay. Hanggang sa magpaikot-ikot na sila ng napakabilis sa mga bakal.
W-T-F.
"Yes!! Tayo naman?" Sigaw ni Greg. Pakshet, eto na. Malapit ng dumating ang katapusan ko. Kami na ang susunod sa sasakay sa pamatay na ride na to. "Hazel okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi. "Huy! Bakit ka naiyak!? May masakit ba sa'yo?!" Pasigaw nyang tanong.
"H-ha?" Napahawak naman ako sa mata ko, umiiyak ako? Maski ako ay nagulat. Bakit biglang tumulo yung luha ko? Nadala ata ako ng sobrang takot.
"Okay ka lang ba, Hazel?! Sagot!" Sigaw niya muli. Pinunasan ko muna yung luha ko saka tumungin sa kanya ng nakangiti at tumango. "Sigurado ka?" Hinawakan niya ako sa kamay. "Bakit ang lamig ng kamay mo? Natatakot ka ba?" Tanong niya muli habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...