Umuwi ako sa bahay na puro paper bags ang dala ko. Lahat ito ay binili ni Greg. Mga damit, sapatos, at mga pandagdag sa collection ko. I collect Adventure Time stuffs kase. Idol ko kaya si Finn at Jake. Lalo na si Beemo!
"Kaya mo na ba 'yan?" Tanong nya noong makababa ako ng kotse.
"Ah, yeah." Saka ako ngumiti.
"Wow." Napakunot ako ng noo sa reaction nya. Wow for what? "For that smile." Eh? Mind-reader lang kuya?
"Whatever."
"Haha! Syempre once in a blue moon ko lang makita yang ngiti mo noh! Kaya kailangan sulitin ko na. Sayang naman di ko napicturan." Bigla syang sumimangot. "Anyways, see you tomorrow. Daanan na lang kita dito."
"As always, Greg."
"Ciao~" Tapos pinaharurot na naman nya ng pagkatulin-tulin yung kotse. Hay nako Greg, matatapos talaga ng maaga 'yang buhay mo.
Nang pumasok ako ng bahay ay nagulat ako ng biglang lumitaw si Tita sa gilid ng pinto. Diba nga wala na akong mga magulang. Si Tita na lang ang nag-aalaga sa akin. Wala kase syang pamilya, ayaw nya daw ehh. Taray niya noh?
Tiningnan nya ako ng may pang-uusisa at pagtataka sa mga mata. Napataas ako ng kaliwang kilay.
"Kayo na ba ni Greg?" Nanlaki yung mga mata ko sa tanong nya. Agad akong napa-facepalm.
"Pati ba naman ikaw, ta." Napailing na lang ako. Por que ba magkasama lang palagi, kami agad?How many times do I have to tell to all of you na kami ni Greg ay FRIENDS lang. O baka gusto nyo magsabit pa ko sa leeg ko na may karatulang, "#HindiKamiNiGreg" para naman hindi sila tanong ng tanong. Pero teka, its a good idea huh. Joke. As if naman magsusuot ako ng gano'n. Hahaha!
"Eh papaano ba namang hindi ako magtataka Hazel. Lagi kayong magkasama. Kung ano-ano ang binibili nya para sa'yo. O diba parang girlfriend ka na nya!?" Napakamot ako sa batok. Umakbay ako kay tita ay dinala sya sa kusina.
"Ta, bestfriend ko lang si Greg. Kaya lang yun ganun sakin kase marami syang utang na loob. Remember?" Ngumit ako kay Tita saka ko inabot yung ilang groceries na pinamili ko - with my money huh! Hindi kay Greg. Kapal ko na kung nagkataon. "Kaya ta, luto ka na po afritada. Gutom na po ako eh." Nakangisi pa ako saka ako umakyat sa kwarto ko.
Hindi ganun kalaki ang bahay namin. Hindi kagaya ng kanila Greg. Sa mga magulang kong bahay ito. Ito at ilang bagay lang ang naiwan nila sa'kin kasama ang kaunting savings nila na itinabi ko na sa bangko.
I jump on my bed tapos kinuha ko yung paper bag na may lamang AT stuffs. Inilabas ko yung malaking unan na Jake at niyakap ng mahigpit. Para akong bata sa ginagawa ko kung tutuusin. Saka ko iyon ipinatong sa gilid ng kama ko na punung-puno ng mga AT stuff toys. Nakakawala ng pagod pag nakikita ko sila. Alam nyo yung kwarto ko, halos mapuno na ng mga AT stuffs at mga gamit na binibigay ni Greg.
Humiga ako sa kama habang yakap yakap yung Beemo kong unan noong mag-ring yung cellphone ko. Nang tingnan ko yun, si Greg. Tumatawag.
"Oh bakit?"
"Kamusta?"
"Anong kamusta?"
"Yung sugat mo sa braso. Hindi ba ganun kalalim? Namaga ba?"
Oo nga pala. Hindi ko na napansin yung sugat na natamo ko kanina. Agad kong tiningnan iyon, tuyo na yung dugo. Hindi na ganun kahapdi.
"Hindi naman. Mababaw lang. Hindi ko na nga napansin 'to ehh."
"Gamutin mo agad. Baka mamaya may virus yung humawak sayo eh."
"Ang OA mo, Greg. Kung tutuusin kasalanan mo 'to ehh. Lagi na lang ba naman tayong napagkakamalan. Ako tuloy ang kawawa sa mga fans mo."
"Bakit Hazel? Gusto mo na bang totohanin?" Alam kong umi-evil grin na naman yan sa kabilang linya.
"Jeez. Baliw ka talaga Greg." Pumaling ako sa kabing parte ng kama at pinaglaruan yung dulo ng buhok ko gamit ang daliri ko. "What I mean is, sa tingin mo? Makipag-date na kaya ako. Mag-boyfriend na kaya ako? Para naman hindi na tayo na-i-issue."
"Hmm."
"Anong hmm?"
"Hindi. Bad idea."
Napatayo ako ng kama.
"What's bad with that!?"
"Hindi mo kailangan ng boyfriend o ng kahit na sinong lalaki, Hazel. Andito naman ako. Just me, Hazel."
"Ha? I don't get you. Tsaka kung ano man 'yang gusto mong iparating sa sinabi mo, pls ayoko."
"Psh. Hahaha! Ang arte mo ah! Hindi ka pa ba kuntento na may gwapo kang bestfriend?"
"Hay nako, Greg. Yun na nga eh. Kung ano-ano nangyayare sakin ehh."
"Don't worry. Mula bukas, wala ng magtatangka pang saktan ka."
"Ha? Pa'no mo nasabi?"
"Greg Lopez will handle them, okay?"
"Gregory Lopez po."
"HA-HA-HA! Whatever. Sige na, sunduin na lang kita bukas. Yung sugat mo ah, gamutin mo na agad yan."
"Aye, Captain!"
"Good. Ge byebye."
"Okay." Saka nya ibinaba yung tawag. Ako nama'y dumiretso sa kabinet para kunin yung first aid kit.
What does he mean na sya lang ang kailangan ko? Asar ha. Ayaw nya bang magka-experience man lang ako na magka-lovelife? Like duh. Ayoko kaya gumaya kay tita na isang old maiden. Syempre gusto ko rin magkaroon ng sarili kong pamilya.
No, Greg. Wrong idea.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...