Author's note: Annyeong, so ayun. Pasensya na kung natagalan ang last update nitong story. Medyo naging busy lang ako sa ilang bagay. Lols. So ayun na nga, ito na talaga ang last chapter ng story na 'to. Sad news guys pero mukhang imposible ang book two nito, but promise I'll try to convince myself na gawan ng book two 'to. So yun lang. Enjoy reading the last update! :---)
* * *
Hazel's Point of View
Ten years have passed magmula ng mangyari ang lahat.
Akala ko noon panaginip lang lahat. Panaginip na maaaring isang araw may isang tao na gigising sa akin mula sa panaginip na 'yon. Akala ko lahat ng bagay na 'yon ay imposibleng mangyari sa pagitan namin ni Greg. Akala ko lahat ng iyon ay hanggang akala na lang. Pero mali ako, totoo nga ang sabi nila – marami talagang namamatay sa maling akala.
Sino ba naman ang mag-aakala na si Greg na fuccboi kong bestfriend ay mahuhulog pala ang loob sa akin, sa kagaya ko na walang-wala naman kung ikukumpara sa mga naging babae niya. Ako na walang maipagmamalaki kundi ang sipag ko lang at konting talino. Walang kahit na anong yaman, walang mga magulang, kakaunti ang kaibigan. Walang-wala talaga ako sa iba kung tutuusin.
Pero gayunpaman ay minahal niya ako.
Minahal niya ako bilang ako.
Minahal niya ako sa kabila ng mga pagkukulang ko. Sa kabila ng mga bagay na wala ako at sa mga bagay na alam niyang hindi ko maibibigay sa kanya. Minahal niya ako bilang ako. Bilang si Hazel na nakilala niya mula noong mga bata pa lamang kami.
Sa t'wing naaalala ko ang mga alaala ng mga taong nagdaan, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Kahit na may mga mapapait na alaala ay natutunan ko na iyon ang humubog sa relasyon naming dalawa ni Greg. Iyon ang nagdala sa amin sa kung anong meron kami ngayon.
"Mommy, ano pong problema? Bakit ka po tulala? Are you sick?" Tanong sa akin ng anak kong si Yohan. Yes, you've read it right. Sa loob ng sampung taon na pagsasama namin ni Greg ay pinagkalooban kami ng Maykapal ng dalawang malulusog at makukulit na mga supling. Si Yohan Clyde Atienza Lopez at si Yani Crystal Atienza Lopez, they're twins. Tunay ngang ang isang paa ng Ina ay nasa hukay sa oras na iluluwal mo na ang iyong mga anak. Lalo at kambal pa sila. Sakto pa naman noon na nasa ibang bansa si Greg nang nag-labor ako dahil may mga importante problema siyang inayos sa kumpanya. Tanging sa video call ko na lamang nakausap si Greg noon, ilang oras matapos kong manganak. Naaalala ko pa kung gaano siya kasaya habang umiiyak ng masilayan niya ang mukhang ng mga anak namin.
"Oh no, Yohan. Mommy's okay. May naalala lang ako bigla." Sagot ko rito saka hinagod ang buhok nito. Apat na taon na pareho si Yohan at Yani kaya naman hindi na ako masyado hirap sa pag-aalaga sa kanila. "Wait lang baby ha? I-check ko lang kung gising na si Yani para makapag-agahan na tayo." Tumango naman ito saka itinuon ang mata sa panonood ng cartoons sa TV.
Pagpasok ko sa kwarto ay himbing na himbing pa rin ang maganda kong anak. Napapangiti na lang din ako kapag nakikita ko ang mukha niya dahil parang babaeng version siya ni Greg. Kuhang-kuha niya ang hitsura ng kanyang ama. Para silang carbon-copy.
Lumapit ako sa kama na hinihigaan nito at hinaplos ang buhok niya. May mga tanong na naman ang muling pumasok sa utak ko. Papaano kaya kung hindi kami ang nagkatuluyan ni Greg? Magkakaroon kaya ako ng ganito kakukulit at kagagandang mga anak? Magiging ganito kaya kasaya ang buhay ko kung sakaling hindi ko siya sinagot noon? O kaya paano kaya kung may nangyare sa kanya noong bago kami ikasal?
Hindi ko na naman mapigilang matawa kapag naaalala ko kung gaano ako ka-overacting noong makarating ako sa ospital na di umano'y kinaroroonan ni Greg. Labis ang pag-iyak ko noon habang hinahanap ko siya. Hindi ko na nga nagawang itanong sa mga nurse kung may Gregory Lopez nga bang naka-confine doon. Halos bumagsak ang katawan ko sa pagod sa pagtakbo at pag-iyak dahil hindi ko siya makita hanggang sa isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Paglingon ko sa likuran ay doon ko nakita si Greg, agad akong tumakbo sa direksyon niya at niyakap ito ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...