Chapter 18

4.8K 105 6
                                    

Nagising ako noong may marinig akong tunog ng tubig mula sa banyo. Umupo muna ako sa kama bago papungas-pungas na idinilat ang mga mata ko. Napalingon rin ako sa paligid. Para kasing may mali.

"Oh, gising ka na pala?" tanong ng napaka-hot na si Greg noong lumabas sya ng banyo. Nakatapis lamang ng tuwalya ang lower part ng body nya. And the rest was naked. Holy cow! Yung mga mata ko! Emegesh! Ayokong magkasala!

"Magdamit ka na nga! Kadiri ka! Para kang pornstar sa hitsura mo!" ngumisi lang sya sa sinabi ko saka sya biglang gumiling-giling. For Pete's sake Greg! Wag! "Hey Greg. Are you listening to meh!?" bigla syang huminto. Akala ko ay tapos na ang one-man show nya pero bigla itong lumapit sa'kin at ihiniga ako pabalik ng kama. What the!? Paano ako napunta dito?! Sa pagkakatanda ko ay sa sofa ako natulog, ah?

"Don't you remember? Meron pa tayong unfinished business kagabi, Hazel. Nakatulog lang ako." he said. I saw sparks on his brown eyes. Oh freak! H'wag naman sana ituloy ni Greg ang maitim nyang plano.

Napalunok ako ng laway. Badtrip. Why am I so tense?! Potek! Dumagdag pa sa kaba ko yung matigas na bagay na tumutusok sa tyan ko. What is that?! Omg!?

"Waa! Greg! Wag!"

"Kahit sumigaw ka pa. Wala ring mangyayare. Sound proof ang kwarto na 'to. Kaya kahit maubos pa ang boses mo kakatili ay walang makakarinig sa'yo. Kung ako sa'yo, save your moans para sa gagawin natin. Kase sigurado akong iimpit ka sa—"

Hindi na nito natapos ang sasabihin niya ng mabilis na lumanding sa mukha niya ang isang suntok mula sa kamao ko. "Manyak ka, manyak!" hinihingal na sigaw ko sa kanya. Ngumingisi-ngisi lang ito ng nakakaloko. Siningkitan ko naman siya agad ng tingin.

"Hindi ka na talaga mabiro, Hazel. Haha! Sa tingin mo ba talaga magagawan kita ng gano'n?"

"Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yan?"

"Haha! Wag na. Eto naman parang hindi na mabiro. Saka bakit hindi mo pa ako pinagbigyan? Kapag nabuntis naman kita, magpapakasal naman tayo agad eh. Hehe." siningkitan ko ulit siya at saka ako tumayo sa kama. "Magbihis ka na. May pupuntahan tayong importante." sabi pa nito saka ibinato sa'kin yung white v-neck shirt at isang shorts. Wait? Saan galing ang mga 'to? "Wag ka mag-alala, naka-stock ang mga 'yan dito para in case of emergency." eh? Mind reader talaga siya promise.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Malalaman mo rin." sagot nya bago ako pumasok ng CR para maligo. Sht. Ayoko nitong shorts na ibinigay ni Greg! Parang ugh! Ang sagwa.

"Bilisan mo maligo kung ayaw mong ako na ang magpaligo sa'yo!" sigaw nya mula sa labas. Bigla naman akong kinabahan kase baka pasukin ako dito ng pervert na 'yon. Kaya agad na akong lumabas. "Tada!" sigaw nya habang ipine-present yung suot nya. Partner ang style namin. V-neck white shirt plus maong jeans naman ang kanya.

"We're not a couple." sarkastiko at walang buhay kong sabi. Bigla nya akong hinawakan sa kamay ay pinag-intertwined yung mga daliri natin.

"Pero ngayong birthday ko. Couple tayo." nakangiti nyang sabi saka ako hinila palabas. Shocks!? Birthday nga pala nya ngayon! Omg!? "Wait. Don't tell me nakalimutan mo?" biglang nawala yung ngiti sa mukha nya at napalitan ito ng disappointment. "Sinasabi ko na nga ba. Geez. Masyado ka kasing nilalandi ng Ranz na 'yon kaya ganyan ka ngayon! Lumilipad ang utak."

"Hoy, hindi ko kinalimutan! Nawala lang sa isip ko." bulong ko. Inalis naman nya yung kamay naming magkahawak.

"Gano'n na din 'yon." saka sya naunang naglakad papunta sa kotse nya. Luh! Galit kaya siya?

Mabilis naman akong sumunod and from the back. I give him a hug. Magka-rhyme ba? Lmao!

"Sorry Greg. Sorry. Let's just enjoy your day. Okay?" sabi ko saka ko sya binigyan ng isang kiss sa pisngi which I usually do t'wing birthday nya.

"Jeez." I saw him blushing kaya napangiti na lang ako. Patay malisya sa nakita kaya agad na akong sumakay sa kotse nya.

* * *

"Happy 20th Birthday, Gregory Lopez!" sigaw ko sabay pasabog ng mga confetti.

"Grabe 16 lang ako." nakangisi nyang sabi. Kinonyatan ko sya agad saka ko siningkitan. "Joke lang eh. Ang pikon mo talaga." he said saka nya kinuha yung spagetti. Nasa Jollibee kase kami ngayon, I know its kinda cheap, pero magagawa ko. Eh dito gusto nya eh. Alangang magreklamo pa ako, hindi naman ako yung may birthday.

"Ang dungis mo naman kumain. Para ka talagang bata." nakangisi kong sabi saka ko kinuha yung tissue at ipinunas sa mukha nya.

"Eh." he utter. Nagulat ako ng bigla syang mamula.

"Why are you blushing? May sakit ka ba, Greg?" tanong ko saka ko idinampi sa noo nya yung palad ko. Inilayo nya yung ulo nya bigla saka sya tumingin sa kanan nya. Nakita ko ang mas lalong pag pula ng mukha nya.

"W-wala 'to." he claimed tapos nakayuko na nyang itinuloy ang pagkain. Ang weirdo 'ata niya?

Pagkatapos naming kumain ay dumaan muna kami sa isang arcade house at naglaro ng kung anu-ano. After so many chenes churva na pinaggagawa namin ay hinatid na nya ako pauwi.

"Thanks for the treat." I said, smiling. "Happy birthday ulit." dugtong ko pa bago ako bumaba ng kotse. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa braso.

"Wala ka pang regalo sa'kin." nakangisi nyang sabi. I just stare at him tapos tinaasan ko siya ng kilay. "Tara mag-Sogo." nakangisi pa siya ng mas malaki. "Pwede ng birthday gift 'yon." bigla ko syang pinitik sa noo.

"Sira-ulo! Bukas ko na ibibigay regalo ko. Sa school na." saka ko hinila yung braso ko.

"Wait ulit." hinawakan na naman nya ako sa braso.

"What again?"

"Don't give me a material gift. May isa lang akong hihilingin sa'yo. Kahit yun na lang ibigay mo, satisfy na 'ko sa birthday ko." tumitig sya ng seryoso sa akin. Napalunok naman ako.

"Just make sure na 'yang hihilingin mo may sense. Baka mamaya kamanyakan na naman 'yan eh." umiling naman sya at ngumiti. "So ano 'yon?"

"Gusto kong kahit kailan, wag mo ng kausapin ang Ranz na 'yon. Wag ka na ring lumapit sa kanya. At alisin mo na lahat ng komunikasyon nyo sa isa't isa."

"Whaaaaat?"

"Seryoso ako."

I gulped and paused for a second. Pinag-isipan ko muna ng maigi ang mga sinabi nya. Tapos bumaba na ako ng kotse. I smiled at him.

"Okay. As you wish."

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon