Chapter 6

5.8K 107 0
                                    

Ang aga-aga, Sabado ngayon ngunit nagising ako sa isang pamilyar na ingay, hindi sya ingay actually. That song track is a music to my ears.

Agad kong idinilat yung mga mata ko. May nakita akong lalaking nakaupo sa dulo ng kama ko habang nanonood ng Adventure Time.

Wait...

"Greg!" Mabilis akong bumangon sa kama ko. Sya nama'y nakangiting tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Papaano ka nakapasok sa kwarto ko? Tita! Tita!" At nagsimula na akong magpanic. Ikaw ba naman, hindi ka magpapanic kung may manyak na pumasok sa kwarto mo.

Biglang sumulpot si Tita sa pintuan ng kwarto ko na noo'y bagong gising din. Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya si Greg.

"Greg!?" Sigaw rin nya. Like omg. Pareho pala kaming clueless kung papaano nakapasok ang mokong na 'to sa kwarto ko! Tita gave me a 'Why-is-he-here-and-how-did-he-get-here look.

I shrugged as an answer to her.

"Hi tita." Nakangising bati ni Greg sa kanya. "Naka-lock kase yung pintuan nyo, kaya sa bintana ako dumaan." Napatingin ako sa bintana. Bukas iyon at pinapadpad pa ng hangin ang kurtinang nakasabit doon. Jeez. Kaya pala ang lamig kanina. "Kararating ko pa lang naman po."

Napakamot na lang si Tita habang isinasara ang pinto ng kwarto ko. Si Tita kase, may tiwala naman sya kay Greg. Sabay kase kaming lumaki kaya alam nyang hindi ako igagaya ni Greg sa mga babaeng ikina- no.. ka-flirt nya. Kung alam mo lang, tita.

"Jusko Greg. Bakit naman hindi mo na lang ako itinext na pupunta ka pala. Edi sana hindi ka nagmukhang magnanakaw." Umiiling-iling ko pang sabi habang nag-aayos ng kama ko.

"Alam ko namang hindi ka magigising kapag ginawa ko yun ehh. Tsaka..." Lumapit sya sa akin saka ako niyakap mula sa likuran. "Miss na kita." Biglang tumindig ang balahibo ko kaya agad kong inalis ang kamay nya.

"You're gross Greg! Anong sinasabi mo!?" Sigaw ko pa. Humalakhak lang sya bago umupo ulit sa kama ko.

"Maganda pala 'tong paborito mong cartoons ehh." Sabi nya habang nakatitig sa monitor ng TV.Umupo ako sa tabi nya at nanood din.

"Magugustuhan ko ba naman kung hindi maganda?" Napangiti din ako habang pinapanood si Baby Finn na sumasayaw sa harap ng salamin.

"Eh bakit ako, magandang lalaki din naman ako ah. Bakit hindi mo ako magustuhan?" Napatingin ako sa kanya. Doon ko namalayang nakatitig na pala sya sa akin kanina pa.

"Quit that Greg. Its not effective." Saka ako umiwas ng tingin. Parang sira lang talaga ang lalaking 'to.

"Hahaha! Sayang, akala ko pa naman madadala ka ng sinabi ko." Tumayo sya at kinuha yung paper bag na nasa may gilid ng kama ko. "An additional to your collection." Nakangiti nyang sabi. Mabilis kong hinablot yun at binuksan. Omyglob! Finn the Human's bag. Nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Thank you!" Saka ko sya niyakap.

"May kapalit kaya yan. Hahaha!" Napabitaw tuloy ako sa pagkakayakap at nakapoker-face ng tumingin sa kanya. "Ide-date mo 'ko."

"Ugh. Nag-date pa lang tayo last thursday, diba? Date na naman? Tsaka wala ka bang lakad with your—"

"I told you, Hazel. I will choose you over them. Tsaka papaano ako mananalo sa deal natin kung sa ibang babae ako magpapasikat?"

"Tss. I hate you and your stupid plans, Greg. Sinabi ko na sayong hinding-hindi ako maiinlove sa kagaya mo."

"Wag magsalita ng tapos. Baka kainin mo ang sinabi mo." He was smirking. As if naman na mananalo sya noh.

Hinayaan ko muna syang manood ng Adventure Time sa kwarto ko habang sa kwarto naman ako ni Tita nakiligo at nakibihis. Alam ko na kase ang pasikot sikot ng bituka ni Greg. Alam kong may percentage pa rin na may desire sya para sa akin. CHOS!

Bumalik na ako sa kwarto at nakita ko syang tatawa-tawa dun. Masyado ata nag-enjoy sa kakapanood.

"So, I guess you started to like it huh?" Nakangisi kong sabi habang nakasandal sa pinto. Nakatingin sya sa akin habang pinupunasan yung luha nya.

"Astig pala 'to eh." Tumayo na sya sa kama ko at pinatay yung T.V. "Sa cartoon network ko na lang 'to papanoorin mamaya. Tara na?"

"Okay." But before kami makalabas ng kwarto ko ay nagkomento pa sya sa suot kong damit.

"The usual. Jeans, chucks and a band shirt. Kaya cute na cute ako sa'yo eh." Nakangiti pa sya.

"Whatever." Saka ko sya hinila palabas. Pero nagpaalam muna kami kay Tita bago lumabas.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon