Chapter 7

5.4K 98 0
                                    

Sa so called date daw namin ni Greg ngayon ay ako ang nasunod. Ako ang hinayaan nyang mag-decide kung saan kakain, gagala at iba pa.

Noong napadaan kami sa Funtum ay mabilis ko syang hinila papunta doon sa may crane catcher. Si Jake the dog kase ang makukuha.

"Wait, magpapapalit lang ako ng token." Nakangiti nyang sabi saka sya pumunta sa may counter. Ako nama'y parang bata na nakahawak doon sa salamin ng crane at naglalaway sa cute na cute na stuff toy ni Jake.

Halos 20minutos na ang lumilipas ngunit hindi pa bumabalik yung nagsabi na bibili lang daw ng token. Psh. Natabunan na ata ng token. Nagdesisyon na tuloy akong tingnan kung ano nang nangyare sa kanya.

Noong makarating ako sa counter ay napailing na lang ako. I saw him and a woman na nakaupo sa medyo tagong parte nung counter. Hay. Magtataka pa ba ako, eh Gregory Lopez yan e. Sagad sa buto ang pagkahayok nyan sa laman.

"So, are you enjoying your business here?" Tanong ko sa kanya habang nakapangalumbaba ako dun sa may counter. Ang tindi talaga ng lalaking 'to e. Doon pa talaga nya nagawang makipaghalikan sa loob ng counter. Papaano kaya siya nakapasok sa loob ng walang nakakakita? PHEW. Napansin ko yung babaeng nagpapalit ng coins na nakaupo doon sa sahig habang busy sa paghawak sa alam nyo na ni Greg, magkatabi silang nakaupo sa ibaba buti naman at nakapants pa rin sya. Pero yung babae, kita ko na yung kulay puti nyang bra at nakababa nitong strap. Kahit pala sa mga lugar na kagaya nito, may nagkalat ding sluts. Buti na lang at wala masyadong nagpapapalit ng coins at walang nakakapansin sa milagrong nangyayare dito sa counter.

"Sino ka?" Tanong nung babae habang busy pa rin sya sa paghimas ng alaga ni Greg na nakaumbok na sa pantalon nito. Manyak talaga. PSH! My innocent eyes, gadhhhh!!

"She's Hazel, my bestfriend." Nakangiti lang si Greg, the usual expression he wears kapag nakikita ko syang naglalandi. Napataas ako ng kaliwang kilay.

"Una na ko." Saka ako tumalikod at umiling-iling muli. Tsk. Bakit feeling ko NAIINIS ako ng sobra? Dahil ba sa hindi ko nakuha yung Jake? O dahil sa pagpapaasa ni Greg na kukunin nya 'yon? E, wala naman syang sinabing kukunin nya diba? Ahhh ewan!

"Hazel wait!" Hinawakan nya ako sa braso. Napatigil ako sa paglalakad at saka ko sya tiningnan ng masama. "What's with the face?" WOW. Nakakangiti pa talaga sya nyan ha?

"Nothing." Matipid kong sagot.Saka ko iniwas ang tingin sa mukha nya.

"Dahil ba dun sa Jake?"

I stare at him again. Grinning my teeth and my fists are close. Can I punch you on the face, Gregory Lopez? Jeez. Huminga muna ako ng malalim.

"Hoy Gregorio Lopez! Ang sabi mo magpapapalit ka lang ng tokens, pero dafvck, Greg! Inabot ka ng isang taon sa pagpapapalit. Akala ko naman kung ano ng nangyare, naman pala nakakita ka lang ng pokpok dun sa counter!? Grabe Greg ha! Wala naman akong pake kung sino man ang landiin mo! What I am concern with ay yung image mo bilang LOPEZ!? Look Greg, sana naman. Kung gagawa ka ng mga bagay kagaya nung kanina. Be in a private place, okay? Papaano na lang kung may makakita sayong kilala ka!? Edi nasira na image mo!"

"Edi susuntukin ko agad sila." Tumawa pa sya. Sht. AYOKO sa lahat yung ang seryoso ang sasabihin ko pero tatawanan lang ako.

"Ahhhhhhh!" Sigaw ko saka ako nagmamadaling lumabas ng mall.

"Uy Hazel!" Hindi ko napansing sumunod pa rin pala sya sa'kin. Hanggang dito sa bus stop.

Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. GUSTO ko na talaga syang sapakin. Naiirita na talaga ako sa mukha nitong ungas na 'to.

"Bakit ka ba nagagalit? Hindi ko naman kasalanan e. Kase naman. Bakit kase pakalat-kalat ang mga temptations sa lugar na 'to." Nasapo ko na lang yung noo ko sa sinabi nya.

"Shut up, Greg. Just leave me alone." Bulong ko saka ako sumakay sa bus na tumigil sa harap ko. Naiwan syang nakatayo doon sa bus stop habang nagkakamot ng batok.

Alam ko namang hindi mo ipagpapalit 'yang kamanyakan mo sa mga ibang babae para sa akin Greg eh.

Never, ever, ever.

Hay.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon