Chapter 2

7.8K 140 7
                                    

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Ang pakiramdam ko'y napakaraming mga mata ang nakatitig ng matalim sa'kin. Mga mata na kapag kay Greg nakatingin ay puno ng pagnanasa ngunit pag sa akin, lalo na't nakita nilang magkasama kami ay ubod ng talim. Kung nakakapatay lang ang mga titig nila, baka kanina pa ako humandusay ng duguan dito.

Pasimple kong kinuha yung cellphone sa bag ko at itinext si Greg.

To: Gregory_Panget
They're staring at me again. Sharply!

In just a second, I received a reply from him na ikinainis ko, ng sobra.

From: Gregory_Panget
Haha! Stay cool, be awesome.

Leche. Napakalandi kase ng lalaki na 'yon. Kahit dito sa classroom namin ay marami na ata syang biktima, eh?

Natapos na ang lahat mga subjects ko for this day. Actually, half a day lang kase ang pasok ko ngayong Lunes. Yun lang asa schedule na ibinigay sa akin eh. Magagawa ko?

Kating-kati na ako lumabas ng room noong harangin ako ng mga fangirl, or should I say girls ni Greg. Sa totoo lang, nakakaawa ang situation ko dito. Palagi akong binubully dahil kay Greg. Wala pa akong kaibigan dito. Minsan kahit naiiinis na ako ay wala akong magawa. Nagtitimpi na lang. Ayoko kase dungisan ang pangalan ko, pati na ang pagiging scholar ko.

"Sabihin mo nga samin Hazel Atienza na hindi naman maganda at hindi din mayaman. Kayo na ba ni Greg?" Wow lang sya ahh. Ipinakilala na nya talaga ako? In a sarcastic way pa.

 Ipinakilala na nya talaga ako? In a sarcastic way pa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napataas na lang ako ng kilay. Ayokong sumagot sa tanong na paulit-ulit na lang ibinabato sa'kin. Yeah, I said paulit-ulit right? Papaano ba naman, every second, every minute, every hour, every day. May nagtatanong sa aking kung kami na ni Greg. Paulit-ulit rin tuloy ako sa pagsagot ng hindi, we're just friends. Tapos andyan pa yung mga sisingit na friends with benefits daw. Nakakainis lang diba? Sa sobrang pagkabaliw nila kay Greg ay ako ay pinagbubuntunan ng mga kashungahan nila. Kung pwede nga lang i-record ko sa cd yung mga sinasabi ko sa kanila para hindi ako paulit-ulit

Hindi ko sinagot yung tanong nung babae. Kinuha ko yung bag ko at lalabas na sana noong bigla nya akong hilahin sa braso. Ang lakas ng pagkakahila nya, ang haba pa naman ng kuko ng bruha na 'to. Nasugatan pa nga ata ako.

"Who told you na talikuran ako habang nagsasalita, huh!?" Nanggagalaiti na sya sa galit. Parang at any moment ay sasabunutan na nya ako. For her information, hindi naman sya nagsasalita ah?

"Ilan beses ko bang sasabihin sa inyo na magkaibigan lang kami ha?"

"Friends!? Like duh. Gasgas na yang mga palusot mo Hazel! We all know Greg, he always treat girls like a toy. But bakit sayo special!? Eh mukha ka namang chaka doll, hindi ka naman mukhang magandang laruan. But why Greg treat you like that! You freak, I hate you!" Aamba na sana syang sasampalin ako. Napapikit na lang ako, ngunit ilang segundo pa ang nakalipas, wala akong naramdaman na makalyong kamay na dumampi sa pisngi ko. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"Greg!?" Sigaw noong babae. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat at takot. "Wala kaming ginagawa, we're just talking to Hazel." Nangingilid yung luha nung babae. Sigurado akong dahil yun sa pagkakahawak ni Greg sa pulso nya.

"Back off, b/tches. Just dare to touch her again. At isa-isa ko kayong ilulubog sa kanya-kanya nyong mga hukay." Greg was serious as he fed them those words. Saka nya binitawan yung kamay nung babae, at nagsimula syang umiyak habang yung iba pang fangirls ay nakanganga. Nakangising humarap sa'kin si Greg. "Ayos ba? Knight in shining uniform lang ang act ko noh? Hahaha!" Isa pa rin 'tong lalaking 'to. Lakas ng sapak sa utak. Akala mo seryoso pero...ugh. Nevermind.

"Tara na." I started walking then he followed me. As usual, pinagtitinginan na naman kami ng mga babaeng nasa corridor. Yung iba matatalim ang tingin, yung iba kinikilig. Papaano ba naman itong kasama ko, kumikindat kindat pa. Hay. Chickboy talaga.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong nya noong makarating kami sa kotse. Or should I specifically say its a Ferrari?

"Sa McDonalds na lang. May klase ka pa mamayang hapon, diba?" Sagot ko.

Umiling-iling sya saka nakangiting tumingin sa akin. We're on the car btw. "Its okay. I can skip afternoon class naman." Tiningnan ko sya ng masama.

"No Greg. Pumasok ka."

"Ayoko."

"Isa Greg. Mamimiss mo yung mga afternoon subjects mo ohh!"

"Okay lang yun. Kesa ikaw ang ma-miss ko." Bigla syang tumawa. "Korni." Tapos humagalpak ulit ng tawa. Baliw.

"Bahala ka." Hindi man lang ako tinablahan nung sinabi nya. Hindi kase ako kinikilig sa mga kaechosan ni Greg. Para sakin gasgas na yun, for sure ilang beses na nya yun sinabi sa mga babaeng iki-nama nya noh.

"Sa MOA na lang tayo. Ipagsashopping kita ng gusto mo." Saka nya pinaandar ang kotse. At humarurot na akala mo freeway ang pinagda-drive-an.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon