Sinubukan kong sundan si Greg pero hindi ko alam kung saang parte sya ng school nagpunta. O kung nasa school pa nga ba sya?
"So the b/tch is here?" Nagulat ako ng sumulpot yung ilang mga babae mula sa pasilyo ng school. "Look at what you did to our GREG. Nagpapakalasing tuloy sya dahil sa kalandian mo. Wondering, bakit nagkakagano'n siya ng dahil lang sa'yo." WAIT. What?! Nagpapakalasing si Greg?!
Hindi ko na sila pinansin. Mabilis akong tumakbo sa bar na malapit lang sa school namin, yeah. May bar malapit dito. Bar sya na kadalasan ay mga mayayaman at sikat lang ang nakakapasok. Even minors are allowed, as long as you're famous and rich — like Greg.
I saw Greg drowning himself in bottles of tequila. Lumapit ako sa kanya at inagaw yung hawak nyang bote.
"Ohhh. Hik... Hazel... Hik... namiss mo ba... ako... hik? Hehehe." Tumingin sya sa likuran ko. "Where's... hik... that... guy... hik."
"Stop it, Greg. Ang aga-aga nilulunod mo ang sarili mo sa alak. Ano bang problema mo ha? Kanina sinuntok mo si Ranz kahit wala naman syang ginagawang masama sa'yo! Tapos hindi ka pumasok sa klase mo! Tapos.."
Natigilan ako sa pagsasalita noong makita ko syang nakaub-ob na sa mesa. LANGYA. Tinulugan ako? Psh. Pinilit ko syang gisingin pero, wa epek. Lasing na lasing po ang prinsipe nyo.
Kinuha ko yung cellphone nya. WOW iPhone latest version pa. Ako nga Nokia asha lang eh. POTEK. Bakit may password? Takte. Sinubukan kong hulaan yung PW nya.
"Pangalan ko kaya? HAHA. Assuming, but who knows? Kaso apat lang yung minimun na code, e. So ano naman kayang PW talaga nito?"
"1-4-3-4." Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay Greg na noo'y mahimbing pa ding natutulog. Siya ba yung nagsalita? 1-4-3-4?
Itinype ko yung 1-4-3-4 na number na narinig ko. And to my surprise—TAMA! Si Greg ba talaga yung nagsalita?
Tinawagan ko yung head bodyguard nyang si John. Sosyal noh? Edi sya na may bodyguard. Sinabi ko kay John na sunduin nila si Greg dito sa Bar.
Matapos ng tawag ay tiningnan ko na lang si Greg. Natutulog pa rin sya. He look so innocent while sleeping. Para syang hindi demonyo pag tulog. Pwede bang matulog na lang sya forever? Kase pag tulog sya, doon mo makikita yung kagwapuhan nya ehh. Oo, given na talagang gwapo sya. Pero yung gaya ng gan'to. IBA.
"Stay away from him. You don't know him. He's a bad person." JUSKO. Nagsasalita pala ang kumag na 'to pag tulog? Like omg. Edi sya nga yung nagsalita kanina? Bakit ngayon ko lang nalaman ang hidden talent na 'to ni Greg? Sa susunod nga magdadala na 'ko ng papel. Baka winning lotto number pa sabihin nya ehh. Joke!
"HAY. Gregory Lopez. Kelan ka kaya magbabago? Alam mo bang hindi ko pa nakakalimutang may kasalanan ka sa'kin? Pag nawala yang TAMA mo, sisingilin agad kita." Kahit tulog yung kausap ko ay kinausap ko pa rin sya. Malay nyo, marinig ako. Diba?
Dahil alam ko na yung password ng iPhone nya ay hinalughog ko ito. Like omg!? Puro Rated X yung laman ng gallery nya! SHT. May folder pa nga dun na nakalagay, FIFTY SHADES OF GREG. Puro videos iyon ng mga babae na ikinakama nya. GROSS! Siguro nasa 50 videos 'yon.
Napailing na lang ako. Kawawa naman ang magiging last ni Greg. Baka mamaya, magkaSTD na 'yon sa dami ng babaeng dumaan sa churva nya. Hay nako. Gregory Lopez talaga.
Tiningnan ko na lang yung mga pictures. Napalitan ng pandidiri yung ekspresyon ko kanina noong makita ko ang halos 2345 kong stolen shots. WHAT THE lang diba? Bakit ang dami? Stalker ko ba 'to si Greg? At LESHE lang ha, bakit pati yung pag-iyak at pagtulog ko ng nakanganga meron sya? Gosh. Stalker ko ata talaga 'to, e.
Sa paglilibot ko sa iPhone nya ay napadpad ako sa Messaging. May isang text dun na hindi pa nababasa, kanina ata 'to nung nainom sya. Hindi sa pagiging pakealamera pero binuksan ko yung text na hindi para sakin, halos magpanganga at magpaluwa ang mata ko ng mabasa ko ang nilalaman noon.
Message from +63 926* ******
Hi, Gregory. Si Arianne 'to. Arianne Mendes, you know? Naalala mo pa ba ako? Kamusta ka na pala?Napasulyap muli ako kay Greg. Papaano na lang kaya kung nabasa nya ito? Ano kayang gagawin nya?
Mabilis kong ini-lock yung cellphone at inilagay sa bulsa ng polo ni Greg noong makita kong papalapit na sa amin yung mga bodyguards niya. Hindi ko binura yung texts, gusto kong malaman kung anong gagawin at magiging hitsura nya pag nabasa nya ang text message na 'yon.
Inalalayan na nila si Greg papunta sa SUV na kulay itim. Sasakyang exclusive lang for bodyguards, take note SUV for bodyguards, ganyan talaga sila kayaman. Yung kotse naman ni Greg ay dinrive na lang noong isa pa nyang bodyguard.
"Sige po Ms. Hazel, mauuna na po kami." Pagpapaalam ni John sa'kin. Tumango na lang ako at umalis na sila.
Pabalik na ako ng school pero iniisip ko pa rin yung text sa cellphone ni Greg.
"Ano na naman kayang kailangan ng babae na 'yon? Akala ko ba tinapos na ni Greg lahat ng namamagitan sa kanila? I wonder what will my bestfriend do."
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...