Chapter 27

4K 70 3
                                    

Madalas ng awkward ang sitwasyon sa pagitan namin ni Greg sa tuwing nagkikita kami. Hindi na katulad ng dati na para kaming aso't pusa kung magbangayan. I can say that he changed alot.

From: Gregory Lopez
Meet me at the school gate later.
May pupuntahan tayo.

Wow. After ilang araw, ngayon na lang niya ulit ako niyayang lumabas. I mean, pumunta somewhere. Tch! Remember the last time na nahuli ko siyang gumagawa ng kababalaghan sa condo unit niya. Hay jusko.

I saw him standing beside the metal bars of our school gate. Katabi niya yung kotse niyang mamahalin.

"What took you so long?" Agad niyang tanong noong makalapit ako sa kanya.

"Nag-overtime yung instructor namin sa Physics eh." Sagot ko naman. "By the way, where are we going?"

"Ah. Oo nga pala. Pumasok ka na lang, malalaman mo na lang mamaya." He said tapos pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

He drove for about 30mins. Tumigil kami sa tapat ng isang fashion boutique. "What are we doin' here?" I asked.

"Basta. Sumunod ka na lang sa'kin."

Pumasok kami sa loob ng boutique, puro magagarang mga damit ang nandoon. Umupo siya sa isang maliit na upuan sa gitna ng mga damit at tumingin sa akin.

Napataas ako ng kilay, "Ano?"

"Choose a clothe and shoes. Yung medyo formal. We're going somewhere."

"Somewhere?"

"Oo. Kaya mamili ka na ng damit."

"Hala? Anong trip mo na naman ba? Ilang araw mo akong hindi kinikibo tapos ngayon susulpot ka at bibihisan ako para pumunta sa kung saan."

He sighed. "Basta. Wag ka na lang muna magtanong. Malalaman mo rin mamaya."

"Tssss." Wala na akong nagawa kundi pumili ng dress at pares ng sapatos. Ilang minuto din ang lumipas bago ako nakapili ng gusto kong isuot.

"Ahh. It suits you well." He said while smiling. Lumapit siya sa'kin at pumunta sa may likuran ko. He put his hands on my neck at umikot ulit papunta sa harap ko. "Much better.

"Huh?" Naramdaman kong may inilagay siya sa leeg ko. Agad ko namang hinawakan iyon. "Ano 'to?"

"Since hindi pa kita pwedeng bigyan ng proposal ring ngayon, 'yan muna. It'll serve as a bond of my everlasting love for you." Biglang uminit ang pakiramdam ng mukha ko noong marinig ko ang mga sinabi niya.

"Sira ulo ka talaga." Bulong ko sabay iwas ng tingin. Ayokong magtagpo ang mga mata namin dahil mas lalong lumalakas yung tibok ng puso ko.

Kinuha niya yung kamay ko at hinalikan. "You are my everything, Hazel. I cannot afford to lose you. Never. Kaya sana ibigay mo na yung sagot na matagal ko ng hinihintay."

Napalunok naman ako. He looked so serious habang sinasabi ang mga salitang iyon. Why Greg? Bakit ka nagmamadali masyado?

"Ikaw? Hindi ka magbibihis?" I asked him. Para maiba ang usapan.

"Ayy oo nga pala. Wait. Just give me 20minutes. Bibilisan ko lang 'to."

Agad siyang pumasok sa loob ng fitting room for men. Ako naman ay umupo sa harap ng salamin at inayos ang aking make-up. Puno pa rin ng katanungan ang ulo ko.

Ilang minuto din ang lumipas ng lumabas siya sa fitting room. Walang ipinagbago ang hitsura niya, gwapo pa rin siya at mas lalong gumwapo dahil sa suot niyang tuxedo.

"Wow ha? Abogado lang? Haha!" Pang-aasar ko pa. He smirked at me.

"Gwapong abogado. Haha! Shall we my princess?" Sabi niya saka itinapat sa akin ang kanyang braso.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon