Chapter 26

4K 65 4
                                    

Hindi na naman ulit nagparamdam si Greg mula ng mag-trespassing siya sa bahay namin. Iniisip ko tuloy: masyado bang masakit yung mga nabitawan kong salita? Masyado ba akong naging harsh sa kanya? Bakit hindi man lang niya ako pinupuntahan? Ni tinetext man lang?

Teka...

Hindi ko siya hinahanap ha?

Baka kase ma-misinterpret nyo.

Worried lang ako.

* * *

Geez. Ano bang ginagawa ko dito sa tapat ng pinto ng condo unit niya? Baliw na ba ako para ipahamak ang sarili ko? Tsk. Dapat ata hindi na ako pumunta dito eh. Ako pa mismo nagdadala sa sarili ko sa tiyak na kapahamakan.

"Tss. Andito na ako eh. Wala ng atrasan 'to. Itatanong ko lang naman kung bakit hindi niya ako kinakausap. Then, magsosorry na rin siguro kung na-offend ko man siya. Afterall, he's my bestfriend." Bulong ko sa sarili ko bago buong tapang na pinindot yung doorbell. Nakailang pindot rin siguro ako pero wala man lang nagbubukas ng pinto.

Baka wala siya dito?

Napahawak naman ako doon sa door knob and to my surprise, bukas 'yon!? Tss. Nag-iisip ba talaga yung lalaki na 'yon?! Bakit hindi man lang siya nagla-lock ng pintuan niya?! Papaano na lang kung bigla syang pasukin dito ng mga magnanakaw?! Hay nako.

Hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok. Sisilipin ko lang naman kung andito si Greg eh. Pero kung wala, edi uuwi na me.

Nakarating ako sa salas ng condo niya. Pero walang Greg doon. Maski sa kusina, walang Greg. Kaya naman naisipan kong pumunta sa kwarto niya. Napansin kong medyo nakabukas yung pintuan ng kwarto. Andito kaya siya?

Dahan-dahan kong binuksan yung kwarto ni Greg. Tch. Bakit ba napakakalat dito? Bakit ang daming tissue sa sahig? Err. May sakit ba siya? Siguro may sipon. Napakarami kaseng gamit na tissue sa sahig niya eh.

Hindi ko muna ibinaling yung pansin ko dun sa tissue. Bagkus ay doon sa kama niya, nakatalukbong siya ng kumot pero may ilaw na makikita mula sa loob. Siguro'y mula sa laptop niya or phone. Baka nanonood sya ng movie or nyorn. Tch!

Nag-tip toe ako palapit sa kama niya saka ko hinawakan yung dulo nung kumot at nagbilang sa isip ko. One...two...three! "Huli ka!" Sigaw ko. Nakita ko naman ang pagkagulat niya.

"Oh fuck?! Hazel?!" Sigaw nito saka niya itinakip yung kamay niya sa kanyang....wtf?! Anong ginagawa niya?! "Fuck Hazel, what are you doing here?!" W-w-w-w-wtf?! Bakit hubo't hubad siya?! Anong ginagawa niya?!

Sa hindi sinasadya ay napatingin ako sa screen ng laptop niya. Hutaena?! Bakit niya pinapanood yung video na kinunan niya nung nag-outing kami kasama family niya?! Hutaena?! Bakit sakin naka-zoom in sakin?!

Napalingon naman ako kay Greg. Pulang-pula siya noon. Hindi ko rin napansin na naagaw na niya ulit yung kumot at naibalot na nya sa hubad niyang katawan.

"Anong ginagawa mo, Greg?!" Tanong ko. Nagulat siya sa ginawa kong pagsigaw.

"W-wala! Pinapanood ko lang yung video natin nung nag-outing! Bawal ba panoorin ha?!" Tanong rin naman nito. Halatang nagsisinungaling siya. May kababalaghan na naman kaya siyang ginagawa? Err.

"Nanonood ka?! Eh bakit, kailangan ba pag manonood hubo't hubad pa?!"

"Eh sa mainit dito sa kwarto ko eh?! Mas feel kong manood ng nakagan'to eh?! Tsaka fyi, bahay ko kaya 'to noh?!"

Lalapit pa sana ako sa kanya pero bigla akong nadulas kaya napaupo ako sa sahig. "Aww. Ano ba 'tong naapakan ko?" Bulong ko saka ko tiningnan yung slimy na bagay na naapakan ko. "Bakit nakakalat 'tong petroleum jelly na 'to dito?" Bulong ko muli.

"Oy. Okay ka lang?" Tanong ni Greg na noo'y hindi maalis ang pagkakahawak sa kumot na bumabalot sa katawan niya. Mabilis naman akong tumayo.

"Eh bakit ba kase pakalat-kalat 'tong mga gamit mo dito ha?! Tsaka yang mga tissue na 'yan?! Bakit ang daming gamit na tissue dyan sa sahig?! Eh mukha ka namang okay. Mukha ka namang wala sakit?!" Beastmode na ang lola nyo.

Napakagat naman siya ng labi. "Tss! Anong magagawa ko, eh sa hindi ko mapigilan eh?! Mas okay na 'to kesa mambabae ako o may magawa akong mali sa'yo!"

Hindi ko naintindihan yung sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin ha?! Ano bang ginagawa mo?!" Napatingin naman siya sa akin. Parang nahihiya pa siyang tumitig sa mukha ko.

"I...I was in the act of...mas...marturbating." Bulong niya saka umiwas ulit ng tingin.

Ano raw??

Master ano??

"Master ano??"

"Masturbating! Nagsasarili ako! Nagseselfie! Nag-a-up and down!" Sigaw pa niya saka nagtalukbong ng kumot.

A-Ano..

"Masturbating...eh??" Napasulyap muli ako sa laptop niya. "Eh bakit pinapanood mo yang vid na nakazoom in sakin?"

"Hindi ko din alam! Sinubukan kong manood ng porn pero hindi ako nato-turn on! Kahit tumingin ng pictures ng mga babaeng nude walang epekto sa ano ko! Kaya sinubukan kong magbrowse ng videos sa laptop ko! Sinubukan kong panoorin yung mga babaeng naano ko na pero wala pa rin epek eh. Pero nung nakita ko yang video na yan, tapos nung nakita kita. Hindi ko alam?! Pero biglang naging weird pakiramdam ko! Nagulat na lang ako noong makita ko yung naka-sando at shorts ka lang biglang tumayo yun..alam mo na ko! Kaya ayun, itinuloy ko. Jeez! I dunno kung bakit nagkaganon?! Kung bakit sayo na lang ito nagrereact ng ganto! Fuck."

Hindi ako nakaimik ng marinig yung mga sinabi niya. Ano bang dapat kong maramdaman? Damn.

"Baliw ka na." Yan na lang yung nasambit ko bago ako napaupo muli sa sahig.

"This is awkward...damn!" Nakita kong tumayo siya sa kama saka dumiretso sa banyo. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng sandong itim at boxers. Lumapit siya sa'kin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Napatitig naman ako sa mukha niya, pero siya..hindi siya nakatingin sa akin. "Look, Hazel. I'm sorry kung nakita mo pa yon. Yung nakakadiring bagay na 'yon. Sorry. Hindi ko kase alam kung papaano mawawala yung lewdness na nararamdaman ko. Ayokong may magawa ulit ako sa'yo. Ayokong tuluyan mo akong layuan dahil sa nakakadiri ako. Ayoko na ring gumamit ng ibang babae, dahil gusto ko ng linisin yung sarili ko para sa'yo. Gusto kong maging karapat-dapat sa'yo. Alam kong hindi pa rin maganda 'tong ginawa ko, pero sana wag kang magalit. Promise, hindi ko na uulitin 'to. Hindi ko na ulit gagawin 'to, kahit sobrang nangangailangan na ako. Please patawarin mo na ako?" Napatitig naman ako sa mata niya, ganoon rin siya sa akin. Nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa pisngi niya mula sa sa kanyang mata. "Ayokong magalit ka sakin. Ayokong layuan mo ako. Kaya sorry na. Mahal na mahal kita."

Hindi ko alam pero parang may bumulong sa'kin na yakapin ko siya, na siya namang ginawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Naririnig ko ang mahinang pag-iyak niya. "Okay lang. Hindi ako galit. Shh. Wag ka na umiyak." Sabi ko pa habang nirarub yung likod niya. Naalis kami sa pagkakayakap. Tumingin muli siya sa'kin at saka dahan-dahang inilapit yung mukha niya.

"Hazel."

*pok!*

"Hoy Greg! Ano ka nasa telenovela para mauwi sa kiss yang pag-iinarte mo?! Nako talaga! Tumayo ka na diyan at linisin mo na 'tong mga kalat mo! Tch. Kung di lang talaga kita ano, baka ipinakulong na kita dahil sa ginagawa mo!" Sermon ko pa. Siya nama'y nakaupo pa rin sa sahig hawak yung ulo niya (sa taas ha!) napukpok ko kase siya ng tsinelas kong bakya na kanina ko pa hawak (kase nagtiptoe nga ako papasok diba?)

Tumayo naman siya at ngumiti lang sakin habang hawak pa rin yung ulo niya. "Hahaha! I love you." Sambit nito saka patakbong pumunta ng kusina. Para kunin siguro yung basurahan at walis or whatever na gamit niya panlinis ng bahay.

Napatingin naman ako ulit sa laptop niya na noo'y mukha ko pa rin ang nakabalandra saka naparoll eyes. "Tch. Manyak talaga, kahit kelan." Bulong ko pa.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon