Hazel's Point of View
Hindi naman siguro magtataka si Greg kung ibang kulay na 'tong dress na suot ko. Lechugas kase 'yon, may pasabi-sabi pa siya na sukat daw sa'kin yung dress na binili namin noong nakaraan, naman pala 'e halos sumabog na yung sa may bilbil na parte dahil sa sobrang sikip.
Hindi ko naman rin kase akalain na gutom pala ako noong mga oras na nagsukat ako ng damit kaya flat yung stomach ko no'n. Hindi ko na rin naman kase inintindi pa yung dress dahil iniisip ko kung maaabutan ko yung palabas na gusto kong panoorin.
"Oh? Hazel, bakit hindi ka pa umaalis?" Tanong ni Tita sa'kin noong makita niya akong tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin.
"Dadaanan daw po ako ni Greg, 'e." Sagot ko naman saka inayos yung laylayan ng dress. Lumapit sa'kin si Tita saka iniabot sa'kin yung pouch na katerno ang kulay ng dress na suot-suot ko.
"H'wag mo ng hintayin si Greg, hija. Mas okay kung mauuna ka na do'n sa venue. Tsaka mas bongga kapag nasorpresa si Greg sa hitsura mo kapag nakita ka niya doon mismo sa venue." Nakangiting saad ni Tita na mukhang kinikilig-kilig pa.
"Hala? Pero um-oo na po ako kay Greg noong isang araw 'e." Wika ko naman. Agad niya akong hinawakan mula sa likuran sa magkabilang balikat saka ako marahang itinulak papalapit ng pinto.
Umiling-iling pa ito noong makarating kami sa may gate. "Nagpatawag na ako ng taxi. Diyan ka na sumakay. H'wag mo ng hintayin si Greg. Magkikita naman din kayo mamaya 'e." Nakangiting sabi muli nito. Napakagat na lang ako ng marahan sa labi bago sumakay ng taxi.
Tatawagan ko na lang siguro siya mamaya para sabihin na h'wag na niya akong daanan sa bahay. Kakaloka kase 'to si Tita 'e. Ang daming alam na ka-echosan. HAHA.
Pagdating ko sa venue ay medyo marami na ang mga taong naroroon. Namangha ako sa pagkaka-set-up nila ng buong venue. Mala-fairytale yung datingan.
Naglakad-lakad muna ko para sanayin yung sarili ko kahit papaano dito sa heels na suot ko. Palagi kase akong natatapilok kanina sa bahay noong sinuot ko 'to. HAY. Ang hirap talaga kapag 'di ka sanay sa mga gan'tong bagay. Para akong lasing na naglalakad dito sa pathwalk.
"Hazel, is that you?" Napatingin ako ng diretso noong marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Ranz?" Bulong ko. Napakunot din ako ng noo noong maalala yung mga sinabi niya sa amin ni Greg noong pumunta kami sa isang birthday party.
"Hey, h'wag ka ngang kumunot ng noo diyan." Nakangiti pa nitong sabi. "Nasisira 'yang hitsura mo 'e. Ang ganda-ganda mo pa naman." Dagdag pa niya. Umayos naman ako ng tayo. Akma na sana akong aalis ng bigla niyang hawakan yung isang braso ko. I looked at him.
"Why? H'wag mong sirain yung gabi ko. Kung may panlalait ka na namang sasabihin tungkol sa'kin o kay Greg, better keep it to yourself. Ayokong makipag-plastikan sa kagaya mo." Iritado kong wika. Binitawan naman ni Ranz yung braso ko saka iniangat yung dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya.
"Oh sorry. Actually, I wanted to talk to you regarding on that." Malumanay niyang sabi. Umikot naman ako para humarap sa kanya. "I want to apologize for what happened the last time we met. Hindi ko gustong sabihin yung mga salita na 'yon. Naiirita kase ako kay Greg." Napatigil siya noong makita niya siguro na muli na namang kumunot yung noo ko.
"Why?" Tanong ko pa.
"Kase ikaw ang kasama niya that time." Nakakamot ulo nitong sabi. Mas lalo namang kumunot ang noo ko.
"I don't get you."
Napahilamos naman siya ng mukha saka ako hinawakan sa kamay. "Hindi ko alam kung bakit naiirita ako kapag magkasama kayo ng Greg na 'yon. Oo alam kong bestfriend mo siya, pero naiirita kase ako sa pagiging possesive niya sa'yo. Hindi na kase kita nakakausap gaya ng dati. I miss those times na halos ilang oras tayong magkakwentuhan. I missed that. I missed you." Namumulang sabi nito. Nanlaki naman yung mga mata ko. Nang dahil sa gulat ay agad kong binawi yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...