Greg's Point of View
Thank goodness at muling naisipan ni Author na bigyan ako ng pov! Akala ko ay hindi ko na maipapaalam pa ang mga gusto kong sabihin. Labyu, Author. Huhu.
So, mabalik na tayo sa kwento.
Sumuko ako sa pakikipagsamaan ng tingin sa sira-ulong babae na 'to. Papaano kase'y kahit nakatitig siya ng masama sa akin, suot-suot niya pa rin yung malapad niyang ngiti na talagang nakakapagpakulo ng dugo ko. She's really good at pissing me off.
It's been two months simula noong hindi na ako nagpakita kay Hazel. I actually lied to her noong sinabi ko na pupunta na ako ng U.S. para doon ituloy ang pag-aaral ko.
Ang totoo ay nag-home study muna ako. Oo, enrolled pa rin ako sa school namin at pinayagan nila ako na sa bahay ituloy ang pag-aaral ko. Yung mga teachers na mismo namin ang pumupunta sa masyon para ituro sa akin ang mga itinuro nila sa klase. Hindi sila makakapagreklamo sa demand ko na 'to dahil isa kami sa malalaki ang ibinibigay na donasyon sa eskwelahan.
Ngayong unang araw ng semestral break ang naisipang panahon ng mga magulang ko para isagawa ang engagement party namin nitong amazonang babae na 'to. Siguro ay nagtataka kayo kung papaanong nakilala ng mga magulang ko si Liezyl, ano?
Si Liezyl Atienza o Lizy kung tawagin ng mga kakilala niya ay anak ng isa sa mga stockholders ng kumpanya namin. Noong maganap ang napaka-romactic ko sanang proposal kay Hazel ay itong annoying na amazonang si Liezyl ang nahatak ko imbis na siya. Tapos nagkataon pa na Atienza rin ang apelyido ng sira-ulong babae na 'to, Ms. Atienza pa naman ang binanggit ko noong nagpropose ako. TSK. I'M SO STUPID.
Magmula noon ay palagi ng nakabuntot itong babae na 'to sa'kin. Siya rin ang lakas-loob na nagsabi kay Mama na nag-propose raw ako sa kanya kahit na ang totoo ay nagkamali lang naman ako ng taong nahila. Ipinilit ko kina Mama na nagkakamali at nantitrip lang 'tong Liezyl na 'to pero dahil na rin sa tindi ng koneksyon na meron ang pamilya ng babae na 'to ay naisipan ni Mama na totohanin na 'tong pagkakamali kong 'to, ang ipakasal ako sa babaeng hindi ko gusto. They're both STUPID! UGH.
"You will never gonna see her again." Nakangising pang-aasar na naman nito sa akin habang nilalagyan muli ng lipstick yung nguso niyang parang inginudngod sa sahig sa sobrang pagkapula. Napakalayo ng ugali at hitsura ng babaeng 'to sa Hazel ko. Siguro kung si Hazel 'to, baka kanina niya pa kinain yang lipstick sa nguso niya.
Damn. I missed her so much.
Tumayo naman ako sa upuan tsaka naglakad palabas ng masyon. Nakatayo at nakaabang si Mama sa'kin pagdating ko sa may garden kung saan gaganapin ang engagement party.
Kinunutan ko agad siya ng noo noong makarating ako sa pwesto niya. "What?"
Itinupi naman nito yung hawak niyang pamaypay saka inihampas sa'kin. "Anong what? Matuto kang gumalang, Gregory!" Utos nito sa'kin. Mas lalo namang tumalim ang paningin ko ng banggitin niya ang napakabantot kong pangalan. Aalis na sana ako sa harapan niya ng muli siyang magsalita. "I invited Hazel here, so if ever you bump at each other, ikaw na ang bahalang mag-assist sa kanya." Muntik na akong madapa noong marinig ko yung sinabi niya.
What? She's here?
Agad ko namang nilingon si Mama. Nakangiti lang ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman noong marinig ko ang pangalan niya. Ang totoo ay magkahalong saya at kirot ang dulot ng pangalan niya sa'kin. Hindi ko alam kung anong mukha ang maihaharap ko sa kanya after two fucking months.
"I told you, you shouldn't invite her here!" Naiirita kong sigaw habang papunta kami doon sa mesa sa tapat ng mini stage na nasa ginta ng mga taong nagkakasiyahan.
Umupo muna kami sa tapat ng mesa na iyon. Iritado pa rin ako dahil sa sinabi ni Mama kanina, dumagdag pa 'tong annoying na babae na katabi ko na panay ang kalabit sa'kin.
I looked at her. "What do you want? Wala akong barya dito. Tsaka bawal pulubi dito." Wika ko saka ko siya sinamaan ng tingin. Ngumuso naman ito. Kala mo naman bagay sa kanya 'yang ginagawa nyang pagnguso-nguso.
Sabay-sabay kaming napatingin sa stage noong magsalita si Mama. Hanggang sa tinawag niya kaming dalawa nitong babaeng mukhang anak ni Ursula.
Hindi sana ako tatayo ng bigla niya akong hawakan sa braso at hilahin papunta sa may stage. Kung pwede ko lang itulak 'tong anak na 'to ni Ursula,'e. Kaso asa crowd din yung mga magulang niyang si Ursulo at ang nanay niya ngang si Ursula, baka agad silang tumawag ng SWAT kapag sinaktan ko 'tong mukhang paa nilang anak.
Pagdating namin sa stage at agad kaming inabutan ng tig-isang baso ng wine. Sumenyas pa si Mama na magcrossed-arms daw kami, as in yung magkaikot yung mga kamay namin habang iniinom yung wine. TSK. Nakakasuka. Wala sana akong balak na kumilos pero muli na naman akong hinarass ng babae na 'to at ipinilit na iikot ang mga braso namin.
"CHEERS!" Pagkasabing-pagkasabi ni Mama no'n ay sabay-sabay na nagsipag-inuman ang mga taong naririto sa kani-kanilang baso.
Ako naman ay napatingin lang sa kopitang hawak ko dahil ang amoy ng wine na 'to ay pamilyar sa'kin. Itong amoy na 'to ang nagpapaalala sa akin sa pangalan niya.
Vin de Hazel which means, Wine of Hazel. Pamilyar na pamilyar sa akin ang pangalan ng wine na 'to dahil ito ang pinakaunang wine na nagawa ko. Ito rin ang pinakasikat na wine ng kumpanya namin. Naalala ko pa na noong nagawa ko 'tong wine na 'to ay sampung taong gulang lamang ako at kakakilala pa lamang namin ni Hazel noon. Inaamin ko na kahit kakakilala pa lamang namin ay nahulog na agad ang loob ko sa kanya. She is my first love. Ang corny diba? Pero siya kase yung nagbigay sa akin ng courage na maging matapang sa kabila ng mga pambu-bully na natatanggap ko. She was like a heroine that time. The most beautiful heroine I've ever seen. That's why I named this wine next to her, she was the one who gave me hope and courage to live each day without worrying about what will happen the next day.
First love never dies, they say. Well, I think that saying is quite true. Kase magmula noon, hanggang sa ngayon siya pa rin ang babaeng pinakamamahal ko. Kahit naging fuccboi man ako noon, siya pa rin ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. The girl I wanna spend my lifetime with. The girl I wanna see standing beside me while facing the church altar.
Not this fake and ugly woman beside me now. All things went well between me and Hazel, not until this unfortunate events happened. Pakiramdam ko ay galit na ang langit sa akin dahil hindi man lang niya magawang maibigay sa akin ang babaeng gustong-gusto ko magmula pa noon.
"Aren't you gonna drink that?" Natigil ang pagmumuni-muni ko noong magsalita ang nakakairitang babae sa harap ko. Kumunot naman muli ang noo ko saka ibinalik ang tingin doon sa baso.
"I'm not in the mood to drink wines." Wika ko. Ibababa ko na sana yung baso ng bigla niyang tunggain yung natitira pang wine sa hawak niyang kopita saka kumapit sa leeg ko at mariin akong hinalikan sa labi. Halos malasahan ko yung wine na ininom niya dahil parang hindi niya pa nilulunok iyon. Parang gusto niyang painumin ako mula sa mga labi niya. What a naughty girl. Unti-unti akong gumanti sa halik niya, naging marahas ang paghahalikan na ginawa namin na para bang walang mga tao sa harapan namin.
You want to play, huh? Then, let's play.
Agad akong napatigil sa paghalik sa kanya noong makita ko si Ranz ilang metro mula sa amin. Katabi niya ang isang babae na hindi ko akalain na pupunta sa event na 'to.
Fuck. Ano na naman bang nagawa ko? Mabilis akong humiwalay sa pagkakakapit ni Liezyl sa leeg ko. Tatakbo pa sana ako sa kinaroroonan ni Hazel noong bigla siyang hilahin ni Ranz at mabilis silang naglakad palabas ng garden.
Para akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan silang mawala ng paunti-unti sa garden.
She saw it. I saw how hurt she is by the expression she made. I fucking hurt her again. I definitely hurt her. You're an asshole, Greg.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomantikC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...