Halos isang oras ng nagdadrive si Greg sa kahabaan ng Makati. Wala akong ideya kung saan kami pupunta o kung saan niya ako dadalhin. Kanina niya pa kase ako hindi iniimik. Pakiramdam ko'y galit pa rin siya ng dahil sa nangyare kanina.
"I'm sorry." Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Ha? Sorry?"
"Oo. Sorry sa inasal ko kanina. Hindi ko dapat ginawa yun. Hindi dapat kita nilayasan. Hindi ko dapat sinabi yung mga salitang yun sa'yo." Sabi niya pa tsaka napakagat sa lower lip niya at napakunot ng noo.
"Yan! Napaka-judgemental mo kase eh. Wala naman kaming ginagawang masama ni Ranz, ang dumi na agad ng kokote mo." Pang-aasar ko pa.
"Psh! Eh yung tae na yun kase pakalat-kalat! Hindi ko alam kung may galit lang ba talaga siya sa'kin o iba talaga ang pakay niya." Tapos napatingin pa siya sa'kin mula sa rear view mirror ng kotse. Napataas naman ako ng kilay.
"Nako! Tama na nga. Kalimutan na natin 'yon. Sakit nyo lang pareho sa ulo eh." At napakamot pa ako ng batok. "By the way, where are we going?" Tanong ko. Nakita ko muli sa rear view mirror na ngumiti siya.
"Secret. Malalaman mo din later."
"Hoy Gregorio, kapag 'yan kalokohan mo na naman nako! I-papadampot kita kay general bato!" Nagbibiro ko pang sabi. Tumawa naman siya ng mahina.
Ilang minuto pa ang nagdaan ng tumigil kami sa tapat ng isang resort. Bumaba si Greg ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.
"Shall we my princess?" Saka niya inilahad ang kamay niya. Medyo na-shocked naman ako sa ginawa niyang 'yon. Hinawakan ko naman 'yon at dahan-dahan niya akong inalalayan pababa ng kotse.
"Asan ba tayo?" Tanong ko muli.
"Ito na. Malalaman mo na." Nakangiti pa nitong wika.
Naglakad kami papasok sa resort. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng paligid. Punung-puno iyon ng mga ilaw, parang mga alitaptap na nagkukumpulan sa dilim. Parang mga bituin na inipon sa isang lugar.
"Wow." Bulong ko dala na rin ng sobrang pagkamangha.
Sa paglalakad namin ay nakarating kami sa isang parte ng resort na punung-puno rin ng ilaw at mga bulaklak — red roses, ang paborito kong bulaklak. May isang lamesang may nakasinding mga kandila sa ibabaw niyon at may mga upuan sa magkabilang gilid ng mesa.
Dinala ako ni Greg papasok sa lugar na 'yon at pinaupo ako sa isang upuan. Siya nama'y umupo sa kabila.
Nakatingin lang kami sa isa't-isa noon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gusto kong itanong kung para saan ang bagay na 'to at kung bakit kami nandito.
"Maganda ba?" Tanong niya.
"Ha?"
"Itong lugar maganda ba?"
Inilibot ko muna ang paningin ko bago muling tumingin sa kanya. "Oo ang ganda. Para akong nasa kalawakan na punung-puno ng mga bituin."
Napangiti naman siya at nakita kong parang huminga siya ng malalim. "Hay. Buti na lang at nagustuhan mo." Nakangiti pa nitong sabi. "Akala ko mababalewala lang yung pagdedesign ko sa lugar na 'to."
"Hah?! Ikaw ang gumawa ng lahat ng 'to?!" Gulat na gulat kong tanong. Tumango naman siya. "Wow Greg, hindi ko alam na marunong ka pala mag-ayos ng mga ganito." Dagdag ko pa.
"Ikaw lang naman kase ang walang bilib sa'kin eh." Wika niya.
"Huy hindi ah!"
"Joke lang. Alam ko naman na isa ka rin sa mga fangirls ko. Haha!"
"Yan ang joke, boy." Saka ko siya inirapan. "Eh ano bang ginagawa natin dito? May birthday party din ba dito kagaya nung nasa banquet hall na pinuntahan natin kanina?" Nag-simula na akong mag-usisa.
"Anong party sinasabi mo? Eh tayo nga lang dalawa dito tapos party?" Medyo sarkastiko pa niyang sagot.
"Aba malay ko ba kung tayo lang ang nauna. Pssh!" Muli kong pagsusungit.
"Wala. Walang party dito." Tumayo siya sa upuan at lumapit sa'kin. Dahan-dahan niya akong itinayo mula sa upuan ko. Naglakad kami papunta sa isang pasilyo na gawa sa mga baging at rosas. "Lahat ng nakikita mo dito ay para sa'yo, Hazel. Lahat ng nandito ay ginawa ko para sayo." Nakangiti niyang sabi. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit sa mukha niya. Inilagay niya iyon sa kanya pisngi at pinakiramdaman. "Ang init. Ang sarap sa pakiramdam kapag hawak ko ang kamay mo. I want us to be like this forever."
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Tsk! Hindi 'to pwede. Hindi ako pwedeng matalo!
Humarap siya sa'kin at nagtagpo ang mga mata namin. Naririnig ko na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Parang gustong kumawala ng puso ko sa'king dibdib. He hold both of my cheeks tapos hinalikan niya ako sa noo.
"G-Greg.." Bulong ko.
"Don't worry Hazel. Hindi kita minamadali na mahalin ako. Ang gusto ko ay maramdaman mo na talaga na mahal mo na ako. Gusto ko magising ka na lang isang araw na mahal na mahal mo na pala ako, kagaya ng pagmamahal ko sa'yo." He paused then stare at me. "Nangangako ako sa'yo na hinding-hindi kita sasaktan, kung ano man 'yong mga kalokohan na ginagawa ko noon, hinding-hindi ko na 'yon uulitin pa. Gusto kong maging karapat-dapat para sa'yo. Gusto kong ako ang maging una't huling tao na mamahalin mo. Pipilitin kong maging ako 'yon pero hindi ibig sabihin no'n na sagutin mo na agad ako ngayon. Basta palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."
Gusto kong maloka sa mga sinabi ni Greg. Parang ang sarap mag-walling dahil sa mga sinabi niya. Ang sarap sa tenga ng mga salitang binitawan niya.
"Hindi ko naman sinabi na paghihintayin kita. Pero Greg, ayokong umasa ka na sasagutin nga kita. What if–"
"Okay lang. Ayos lang sakin kahit busted-in mo ako. Ayos lang sa'kin kahit ano pang maging sagot mo. I was made for loving you Hazel, eventhough it doesn't mean na you need to love me back. Gusto ko lang iparamdam sa'yo na mahal kita talaga. Hindi ko kase magawa 'to noon kase hindi ko alam kung papaano ko siya sasabihin sa'yo dahil nga bestfriend lang ang turingan natin simula pa ng mga bata tayo." Ngumiti naman siya at hinawakan ako sa ulo. "Pero pangako, mula ngayon, araw-araw ko ng ipaparamdam sa'yo kung gaano talaga kita kamahal." Then he pat my head.
"Okay." Yun na lang ang naisagot ko kasabay ng pag-init ng pakiramdam ng pisngi ko. Feeling ko pulang-pula na ako sa kilig. Seriously?! Kinikilig ako sa mga sinasabi niya?! Damn!
Matapos ang mala-soap opera namin tagpo ay kumain kami doon sa table na prinepare niya. Halos masuka na ako sa dami ng pagkain na inihanda niya. After namin mag-dinner ay niyaya na niya akong umuwi. Noong makarating kami sa bahay ay nag-abot pa siya ng isang bouquet ng red roses.
"Goodnight, my princess." Nakangiti niyang sabi. Shet! Bakit parang ang gwapo-gwapo niya noong sabihin niya 'yon?! Bakit parang kumikinang si Greg sa paningin ko?!
"A-ah! Goodnight din. Ingat ka pag-uwi!" Tsaka ako patakbong pumasok ng bahay at isinara ang pinto. "Shet Hazel! Ang weird ng ginawa mo!" Bulong ko sa'king sarili.
"Oh Hazel andyan ka na pala. Teka? Bakit ganyan ang ayos mo? Saan ka galing? May party ba sa school nyo?" Sunod-sunod na tanong ni Tita. Medyo nagulat ko nung magsalita siya kaya mas lalo akong nawala sa sarili.
"Ah! Wala po! Sige ta, aakyat na po ako!" Sigaw ko saka kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko.
Patalon akong sumampa sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. "Shet, ano bang problema ko?! Bakit gano'n ang ginawa ko kanina?! Argh!" Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at saka sumigaw roon para hindi marinig ni Tita. "Nakakabaliw."
What should I do?
Ano ba 'tong weird na nararamdaman ko?
Nagsisimula na ba akong mahulog na rin sa trap ni Greg?!
Sht ayoko!!!
I should get rid of this feeling.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...