Chapter 42

3.5K 57 0
                                    

Nagising ako ng sumilay sa mukha ko ang liwanag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Agad kong naramdaman ang kirot sa aking ulo pagbangon na pagbangon ko, dahil dito ay marahan kong hinilot ang aking sintido.

Pagtingin ko sa salamin ay agad na naagaw ng atensyon ko ang mga mata kong nagmamaga. Muli na namang bumalik sa utak ko ang ginawa kong pag-iyak kagabi.

Dumating kami ni Ranz sa bahay na nakatulala ako sa kawalan. Kahit anong pilit na pakikipag-usap sa akin nito ay puro tango at iling lang ang ginawa ko.

Ano bang nangyayare sa'kin?

Pagbaba namin ng kotse ay nagdire-diretso na ako sa loob ng bahay hanggang sa aking kwarto, ni hindi man lang ako nakapagpasalamat o nakapagpaalam man lang sa kanya. Doon na ako umiyak ng umiyak. Hindi ko maintindihan ang dahilan basta ang alam ko lang ay sobrang sakit ng dibdib ko. May sakit na ba ako sa puso?

Naghilamos muna ako upang kahit papaano ay madampian ng malamig na tubig ang mga nagmamaga kong mata. Ngayon pa naman ang araw ng alis namin ni Tita since in-adjust niya ang date dahil sa engagement party ni...ugh...I don't wanna mention his name anymore. You know him already.

"Hazel, gising ka na ba? Bumaba ka na para makapag-almusal. Maya-maya ay aalis na tayo." Sigaw ni Tita mula sa ibaba.

Papaano ako bababa ng ganito ang hitsura ng mga mata ko? Anong sasabihin kong dahilan kay Tita? Kinagat ng ipis? Kinagat ng langgam? UGH.

Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si Tita na nag-aayos ng mga dadalhin niyang bagahe. Nakaayos na rin siya at mukhang handang-handa ng umalis.

Napatingin ito sa akin. "Oh, andiyan ka na pala. Yung sinangag at hotdog andiyan sa may lamesa. Pagkatapos mong kumain ay maligo ka na't magbihis. Hihintayin kita dito." Wika niya saka itinuloy muli ang pagtutupi ng mga damit na inilalagay niya sa bagahe.

Huh? Hindi ba niya napansin ang mga mata kong nagmamaga? "Eh?" Saad ko.

"Bakit? May problema ba?" Tanong pa nito habang nakapako pa rin ang tingin sa mga itinutupi niyang damit.

Ngumiti naman ako. "Wala po." Sabi ko saka ako dumiretso sa may kusina. Mukha ngang hindi napansin ni Tita ang mata ko. Mabuti na lang. Ayoko kaseng mag-alala pa siya sa akin.

Gayun nga ang ginawa ko ayon sa mga sinabi ni Tita. Ibinaba ko na rin ang isang backpack na naglalaman ng mga damit at ilang gamit ko. Kahit papaano rin ay hindi na namamaga pa ang mga mata ko.

Habang nasa biyahe ay pareho lang kaming tahimik ni Tita. Nakatunganga lang ako sa bintana ng fx na sinasakyan namin habang binabaybay nito ang kalsadang halos puro puno na ang paligid.

Nagulat naman ako ng basagin ang katahimikan ng tunog mula sa'king cellphone. Agad kong tiningnan kung sino iyong tumatawag — si Greg?

Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon pero ng magtama ang mga mata namin ni Tita ay tumango siya sa akin. Gusto niya bang sagutin ko 'tong tawag ni Greg? Geez.

"Hello." Mahina kong wika.

"Where are you? Nagpunta ako sa inyo pero wala ka do'n. Nasa mall ba kayo ni Tita?" Tanong niya. Parang gusto ko na namang maiyak. Dalawang buwan ko ring hindi narinig ang boses niya. Dalawang buwan din kaming hindi nagkausap ng gaya nito.

"W-Wala." Nauutal kong tugon. Naririnig ko pa ang paghinga niya sa kanilang linya.

"Please tell me where you are. I need to see you right now. We need to talk. Alam kong ayaw mo ng makinig sa mga sasabihin ko but please...kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako." Nanginginig ang boses niya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. He sounds like he's going to cry.

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon