Chapter 14

5.2K 97 2
                                    

"Oo nga pala. I forgot to tell you, baka hindi kita maihatid pauwi mamaya." He said as his red ferrari passed by the school gate.

"Ha? Bakit? Babae na naman?"

"HAHAHA. Loko. Hindi noh, malapit na kase ang Sports fest kaya kailangan na magpractice ng team ko." Oops, I forgot to tell you din ba guys na si Gregory Lopez din ang Captain ng Green Archs? Dalawang taon na silang nagiging champion pero this year, malalakas daw ang mga kalaban nila kaya kailangan talaga tutukan ni Greg ang team nila.

"Ugh. Sure. Marunong na naman ako mag-commute eh. Mag-LRT na lang ako pauwi." Nakangiti ko namang sagot.Biglang nag-widen yung eyes nya.

"Really!? Marunong ka ng magcommute?! HAHAHA. Palibhasa nasanay ka kaseng hatid-sundo ko eh."

"WHATEVER. Oh sya, una na ako." Sabi ko pagbukas ko ng pinto ng kotse.

"Oh wait!" Napalingon ako sa kanya.

"Pero pwede ring ihatid na kita, kaso iintayin mo nga lang matapos yung practice namin. Ano, okay lang?"

"Hmmm. Okay. Bahala na."

"Sige. See you later."

Dumiretso na ako sa classroom namin at nakita kong nagkakagulo ang mga babae doon. Anong meron?

"FVCK. Ang gwapo ni Greg sa picture na 'yan noh!? Sht. Ang hawt nya tingnan sa jersey ng school natin!" Sumilip ako ng konti, as in konti lang sa kung anong pinagkakaguluhan nila. Nakita ko yung old photo ni Greg, hindi naman sya ganun ka-old kase last year lang yun. May hawak syang bola noon at nagbubuhos sya ng tubig sa mukha. Stolen shot I think. Pero GWAPO pa rin.

"Hey, who told you na makisali?" Tanong noong babae sa tabi ko. Sa totoo lang hindi ko sya kilala, sa 32 kong kaklase. Siguro ay nasa 3 lang ang kilala ko. Yun ay yung mga lalaking tropa ni Greg. Si Mico Sy, Keith Perez, at Kyle Gonzales. Kasali rin ang tatlong iyon sa team ng Green Archers. Meron pa silang isang kaibigan, si Miguel San Juan na kasali rin. Sa kanila kaseng lima, si Miguel o Migs lang ang hindi nag-Civil Engineering. Architecture ang kinuha nya, passion e.

Kilala silang lima sa tawag na The Players o TP. Ang korni noh? Parang boyband lang ang dating nila? Their group are the most charismatic guys in our school, sabi nila. They're composed of handsome and rich guys kase.Nakilala ko lang rin silang apat dahil sa pagiging close ko kay Greg. Sa kanilang magtotropa, si Greg talaga ang pinakasikat. Captain ng Basketball team eh tapos MVP pa. Tsaka sya rin kase ang pinaka-player kaya lahat ng babae, naghahabol at umaasang matitikman nila si Gregy-boy.

"Ugh... sorry." Sagot ko na lang dun sa babae saka dumiretso sa upuan ko. Nakita kong lumapit sa'kin si Mico.

"Manonood ka ng practice namin mamaya?" Nakangiti nyang tanong. Tumango naman ako.

"Yeah. Sabay kami uuwi ni Greg mamaya ehh." Sa kanilang lima, bukod kay Greg, si Mico ang pinakamadaldal. Anak sya ng CEO ng isang advertising industry. Kaya siguro madaldal yan, sa ads ehh.

"Ohh. Haha. Good to hear that. Sigurado akong maiinspire maglaro yun." Ngumisi pa sya ng bahagya. Lalong naningkit tuloy yung mata nya. Chinese po kase sya. Hindi halata sa surname nyang 'Sy' noh? Psh.

"Inspire. Kung gusto mo mainspire yun, hainan mo ng babaeng hubad. Tingnan na lang natin kung hindi pa sya mainspire." Nakapoker-face kong sabi saka nag-roll eyes.

"Haha. Loko ka talaga, Hazel. Sya,baka dumating na prof natin. Dun na 'ko kina Keith."

"WHATEVER."

Nang matapos ang morning and afternoon class namin ay pumunta na agad ako sa Gym. WOW. Iba talaga kapag The Players ang maglalaro. Napupuno ang Gym ng mga babae.

"Go, go The Players! Go, go TP!" Yan ang hiyawang maririnig mo sa bawak sulok ng Gym. May mga banderitas at tarpaulin ka pa ngang makikita eh.

Hinanap ko kaagad si Greg. Nakita ko syang kinakausap yung mga kateam nya. Napalingon sakin si Migs, saka nito tinapik si Greg. Nakita ko ang pagngisi nilang lahat. Ano meron?

"The inspiration's here!" Sigaw ni Mico.

"Shut up Mico." Utos ni Greg. Lumapit naman sya sa akin at ngumiti.

"Kanina pa kita iniintay."

"Ha? Sorry. Medyo nag-overtime kase yung professor namin sa Accounting eh."

"Well, that's bad." Tiningnan ko kung nandito na rin yung dalawa pang itlog. Si Keith at Kyle. Hindi kase sila umattend sa last class namin.

"Ohh. They're here na."

"Sino? Si Keith at Kyle? Yeah. Kanina pa silang tatlo nila Mico." He explained. "Wait, hindi mo ba nareceived yung text ko?" Tanong nya pa. I furrowed my eyebrow. Kinuha ko yung phone sa bag ko. Yeah, nagtext nga sya — nagpapabili ng tubig.

"Oops. Hindi ko nabasa, sarreh."

"Psh. Yaan mo na nga. Mamaya na lang." Halatang nadisappoint sya.

"Bibili na lang ako bago matapos ang first quarter." Bulong ko. "Bakit hindi pa nagsisimula?"

He looked at me. "Hinihintay pa kase yung bagong player ehh. Taga Arch department. May exam daw kase kaya natagalan." Architecture department?

"Sorry for the wait." Biglang may nagsalita sa likuran ko. "Ranz Legaspi, ako yung bagong member." Sumama yung tingin sa kanya ni Greg. Nakangiti lang sa kanya si Ranz. Srsly? Sumali talaga sya sa team ng lalaking nanuntok sa gwapo nyang mukha?

"I guess we'll be a mess." Bulong ni Greg noong tumalikod sya sa'kin at bumalik sa mga ka-team mate nya.

"Let's start the practice guys! I will divide you in two groups composed of five members!" Sigaw noong coach nila. Umupo naman ako sa bleacher sa bandang taas ng kinauupuan nila. Nakita kong nagkatinginan si Greg at Ranz. Parang may kuryente sa pagitan nila.

What's their problem?

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon