Greg's Point of View
Aw sht. Na-touch naman ako, pangalawang pov ko na 'to sa kwento. Labyu, author pero mas mahal ko pa rin si Hazel. Hehe.
So yea, here it is. Ang araw na pinakahihintay ko, ang kasal namin ni Hazel. Sa wakas matutupad na rin ang mga pangarap ko para sa'ming dalawa. Joke! HAHA. Ngayong gabi gaganapin ang Masquerade Ball namin. Ngayong gabi din magaganap ang sorpresa ko para sa kanya.
While fixing my bowtie, napansin kong umiilaw yung phone ko. I saw Kyle, one of my buds, calling. Sinagot ko naman agad yung tawag niya.
"Bro, naayos na namin ang lahat. Sinunod namin lahat ng sinabi mo." Sabi nito sa kabilang linya. Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Good job, bro. Sana maging successful yung sorpresa ko para sa kanya." Wika ko. Aba dapat lang maging successful 'to! Hindi na 'ata ako pinatulog dahil sa kakaisip ko sa araw na 'to. It should work according to the plan. Hindi dapat masira lahat ng pinaghirapan ko.
"Magiging successful 'yan, bro. Tangina na lang talaga kapag nasira pa lahat ng mga pinaghirapan natin. Papatayin ko talaga kung sinong magtatangkang manggulo ngayon gabi. Afterall, ngayon ka lang nga nabigyan ng chance 'to prove how much she really means to you. Ang torpe mo kasing fuccboi." Pang-aasar nito kasabay ang mahinang pagtawa.
"Gago ka, Kyle." Natatawa ko ring sabi. But what he said was all the truth. After so many years na magkasabi kami Hazel, kahit kailan ay hindi ko naipagtapat na gusto ko talaga siya. Ang torpe ko nga gaya ng sabi ni Kyle, noh? Kung sinu-sinong babae ang lakas-loob kong naisasama at nayayayang maikama pero yung nag-iisang babae na nagnakaw ng puso ko, hindi ko man lang magawang maipagtapat yung nararamdaman ko. Kaya hindi talaga pwede pumalpak ang gabi na 'to. Kase nako, hindi ko na alam kung papaano ko pa haharapin si Hazel kapag nasira lahat ng plinano ko. "Ge dude. Kita na lang tayo mamaya sa ball." Saad ko bago ibinaba yung tawag.
Tumingin muna ako sa malaking salamin na nasa harapan ko saka humugot ng napakalalim na paghinga. Tiningnan ko rin kung maayos na ba ang suot kong tuxedo at nung ma-check na ayos na ang lahat ay kinuha ko na yung susi ng kotse ko.
Pagkasakay ko sa kotse ay kinuha ko muna yung phone ko at ini-dial ang number niya. Nakatatlong dial ata ako bago niya sinagot yung tawag. Tsk. Kung hindi ko lang talaga mahal 'tong babae na 'to baka kanina ko pa siya nasigawan at pinagmumura.
"Greg." Wika nito. Halatang nanghihina yung boses niya. Is she sick?
"Are you okay? You sound like an old lady suffering from arthritis." Natatawa kong sabi. "But seriously, are you okay?"
"May konting sipon ako. Nasobrahan 'ata ako sa kakatrabaho kanina sa cafe." Napa-tsk naman ako saka isinuklay yung kamay ko sa'king buhok.
"Why did they do that to you?! Sinong pumagod sa'yo ha? Ang tigas naman ng mukha no'n para ipagawa sa'yo ang napakaraming trabaho." Naiirita kong sabi. "Sino 'yang matigas na mukhang 'yan ng makatikim 'yan sa'kin!" Dagdag ko pa.
Natawa siya ng mahina bago nagsalita. "Baliw ka talaga. I'm fine, simpleng sipon lang 'to. Nakainom na rin naman ako ng gamot." Pagpapaliwanag niya. "By the way, paalis ka na ba?" Tanong niya tsaka ko narinig 'yung mahinang pagsinga niya.
"You sure your fine, huh? Hmm. Ugh yes, paalis na ako. Papunta na ako sa inyo. Ikaw ba nakapag-ayos ka na?" Tanong ko.
"Yun na nga ang dahilan kaya ko tinanong kung paalis ka na." Wika nito. Napakunot naman ako ng noo. "Gusto ko kaseng sabihin na h'wag mo na akong dadaanan sa bahay." Nakakunot pa rin ako ng noo dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...