Chapter 24

4.4K 93 12
                                    

Naalimpungatan ako ng marinig kong tumutugtog yung opening song ng Adventure Time. Pagdilat ko ay nakita ko si Greg na nakaupo sa paanan ng higaan ko ay nakatitig sa TV.

Papungas-pungas akong bumangon sa higaan. Napatingin naman siya sa'kin. "Nagising ba kita?", tanong niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Bakit ang aga-aga mong mambulabog?" Sarkastiko kong tanong saka ko kinuha yung tuwalya sa cabinet.

"Ano ka ba? Ito yung second date natin!" Napasulyap naman ako sa kanya. Nakataas muli yung isa kong kilay. "Yung kahapon trailer lang yun. Ngayon eto na yung full." Hindi ko maintindihan yung mga pinagsasasabi niya.

"Greg, pwede ba? Lunes ngayon. Hindi ako pwedeng maglakwatsa ngayon dahil may exam kami sa Statictics." Buntong hininga ko pa.

"Sus. Exams lang yun! Pwede mo naman i-take yun sa ibang araw eh. Magbigay ka na lang ng medical certificate." Nakangisi nitong wika. Binigyan ko naman siya ng matalim na titig.

"Hindi ako kagaya mong magpapaka-happy-go-lucky lang sa buhay. May pangarap ako sa buhay. Wag mo ko itulad sayo." Pagsusungit ko pa.

Tumingin siya ng seryoso sa akin. Inabot nya si Greg Jr. saka tumitig muli sa'kin. "May pangarap rin naman ako ah. You. I've always dream of you. I've always dream of us. Yung happy ending na ikaw ang kasama ko." Napangiti siya noong binalik nya ang tingin doon sa teddy bear. "Ikaw at ikaw lang, Hazel."

Nagfreeze naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi niya. Puck! Feeling ko namumula na naman ako. "H-hoy! P-pwede ba t-tigil tigilan mo ako jan sa mga walang kwenta mong hirit!! Huyy di mo ko madadala dyan buuyy!! Gasgas na yan huyy!!" Natawa naman siya sa tono ng pananalita ko.

Inismidan ko na lang siya saka ako pumasok ng banyo para maligo. Ilang minuto din ako sa banyo. Medyo kinakabahan pa ako lumabas kase alam niyo na, may dugo ng kamanyakan na dumadaloy sa ugat niyan. Baka bigla na lang niya ako sunggaban eh. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ng banyo. Sumilip muna ako ng konti para tingnan kung alive ang kalaban. Nakita kong nakahiga lang siya sa kama ko habang yakap-yakap yung teddy bear na Jr version daw niya. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Mahimbing siyang natutulog.

Grabe. Kapag tulog talaga siya, hindi mo iisiping hindi siya masamang tao. Masama in a way na may taglay siyang kaanuhan sa dugo. Basta! Ang amo-amo kase ng mukha niya. Para siyang napakabait na bata kapag tulog. Bakit kaya hindi ka na lang matulog forever? Tatalikod na sana ako ng mapansin ko yung pasa sa may bandang leeg niya. Papaano naman siya nagkaroon ng pasa doon? Nakipag-away na naman ba siya? O baka naman.. tsss.

"Hoy Greg gumising ka na. Wag kang mawili sa pagtulog sa kama ko. Baka madapuan pa yan ng virus na mga babaeng ikinakama mo." Saka ko siya inalog-alog. Idinilat naman niya yung isa niyang mata saka blangkong tumitig sa'kin at hinawakan yung kamay ko.

"I want to stay here forever. I want to be with you forever." Bulong pa niya. Napabalikwas naman ako at biglang napatayo. Naramdaman kong lumuwag yung pagkakaipit ng tuwalya sa kili-kili ko. Unti-unti itong bumaba. "Woaaaaaaaaaaaaaaaah! Live show!!!" Sigaw pa ni Greg saka mabilis na bumangon sa kama. "Sht naman Hazel, nagdadrama ako tapos bigla kang manggaganyan!! Sht beybe. C'mon! Lez do it!!" Sigaw pa nito saka tinapik tapik yung kama ko.

"Peste ka, Greg!! Lumabas ka nga!! Isusumbong kita kay Tita!!" Sigaw ko naman. Napangisi siya ng bahagya saka tumayo sa kama at unti-unting lumapit sa'kin. Napapaatras naman ako.

"Isumbong mo. Nakita ko kaya siyang sumakay ng tricycle kanina." Napatigil naman ako. Fvck! Monday nga pala ngayon. T'wing Monday nga pala namamalengke si Tita! "Which means tayong dalawa lang dito sa kwarto mo." Nakangisi pa rin niyang bulong. Takte! Kung minamalas ka nga naman, cabinet na ang nasa likod ko!!!

My Bestfriend is a PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon