Kagaya nga ng inaasahan sa isa sa mga pinakamayamang pamilya dito sa bansa, naging sobrang engrande ng engagement party na 'to. Halos lahat ng mga bisita ay mga kilalang tao; yung iba ay mga sikat na business personalities, may mga artista at may mga foreigners na mukhang kasosyo nila Greg sa kanilang kumpanya.
Nasa tapat pa lamang ako ng malaki nilang gate pero parang hinahatak na ako ng mga paa ko pabalik sa taxi na sinasakyan ko. Hindi dahil sa bigatin at sikat ang mga tao na naririto kundi dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang masaksihan ang bawat magaganap sa event na 'to.
Ano na lang ang mararamdaman ni Greg kapag nakita niya akong nandito? TSK. 'E, ano namang mararamdaman niya? Para namang magdadalawang-isip pa siyang ituloy 'tong engagement party niya kapag nakita niya ako? I knew him so well. Bukod sa'kin ay hindi niya kayang suwayin ang mga magulang niya, lalo't pangalan nila ang nakataya sa engagement party na 'to.
Kahit nakakaramdam ako ng panghihina sa mga tuhod ko ay pinilit kong maglakad papasok. Ngayon ko lang na-realized na may kalakihan pala talaga ang bahay nila Greg, noong bata pa kase ako ay akala ko malaki lang ito dahil maliit pa ako noon. Pero ngayong muli ko itong nakita, sadya palang napakalaki pala nito.
Nagtungo ako sa mga mesa at umupo sa upuang katapat niyon. Bakante ang mesa na iyon dahil ang karamihan ay nakaupo sa may bandang unahan. Bakit ba palagi ko na lang gusto sa hulihan?
"I told you, you shouldn't invite her here!" Napalingon ako sa gawing kanan noong marinig ko ang isang pamilyar na boses. Halos dalawang buwan na ang nakakalipas pero kabisadong-kabisado ko pa rin ang tinig niya.
Agad kong itinakip ang dala kong panyo sa mukha ko upang hindi niya ako makilala. Gano'n ang ginawa ko hanggang sa makalampas sila sa akin.
Mula sa malayo ay pinagmasdan ko ang hitsura niya. Lalong naging matikas ang tindig niya, nagkaroon na rin siya ng kaunting buhok sa may baba at humaba na rin ng kaunti ang kulay abo pa rin niyang buhok. Mukhang matured na matured na talaga siya sa hitsura niya.
Hindi ko napigilang mapangiti ng mapakla habang iniisip kung gaano ko na-miss ang mukha niya. Dalawang buwan lang ang nakakaraan pero nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko kung paano kami huling nag-usap. Kung papaano namin tinapos ang sampung taon naming pagkakaibigan.
Oo nga? Bakit pa ba ako nandito kung tinapos na namin ang pagkakaibigan namin? Kailangan ko pa bang masaksihan ang mga magaganap dito kung hindi na nga pala kami mag-bestfriend? May karapatan pa ba ako na makita ang isa sa mga pinaka-importanteng tagpo sa buhay niya kung inalisan na niya ako ng karapatan na lumapit sa kanya?
"Can I sit here?" Agad namang bumalik ang ulirat ko ng makita ko si Ranz na nakatayo sa likod ng upuang katabi ko.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko, umupo na rin siya agad sa upuan sa tabi ko.
"Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. What are you doing here? I didn't expect na makikita kita dito." Nakangiti niyang panimula. "Lopez's is one of our company's client. Kami ang shipping company na partner nila sa pagdadala ng mga gawa nilang wine sa iba't-ibang parte ng mundo." Pagpapaliwanag niya.
"OH? Wine industry pala ang meron sila, Greg?" Napatawa ako ng mahina dahil mula noong magkakilala kami ay hindi man lang niya nabanggit ni minsan na wine pala ang produkto ng kumpanya nila.
"Oh, so you don't know." Wika ni Ranz. Tumango naman ako. "Alam mo ba na isa sila sa pinakatanyag pagdating sa paggawa ng wine? Actually, meron din silang wine na sobrang sikat at sobrang mahal."
"Anong klaseng wine naman 'yon tsaka magkano para sabihin mong napakamahal?" Tanong ko kay Ranz kahit na wala akong interes sa mga gano'ng bagay. Pero dahil isa ito sa mga bagay na hindi sinabi sa akin ni Greg ay mag-aabala akong pakinggan siya.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...