Isang linggo na ang nakakalipas mula ng matapos ang celebration ng CE Week. Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula ng mag-live show si Greg ng kalandian niya sa harap ng mga tao noong Masquerade Ball.
Pagkatapos ng mga pangyayari na 'yon ay madalang na kaming magkita at mag-usap. Palagi kasing nakabuntot sa kanya yung babaeng pinag-propose-an niya.
Kung saan naroroon si Greg ay asahan ng naroroon din siya. Kulang na nga lang ay pati sa pagbabanyo ni Greg sumama siya.
Nakakairita. Teka? Bakit ba ako naiirita? Ano namang pakealam ko kung ginawa ni Greg 'yon? Bakit? Nadi-disappoint ba ako kase hindi totoo yung ginawa niyang panliligaw sa'kin? O naiirita ako kase inagaw ng babae na 'yon ang bestfriend ko? GEEZ. I DON'T CARE.
"Date tayo mamaya, my love!" Wika noong isang babae nang magkasalubong kami sa intersection ng hallway. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa kamay niyang nakakapit sa braso ng lalaking kilalang-kilala ko.
Napatingin sila pareho sa akin. Ako naman ay napatitig sa mga mukha ni Greg. Kitang-kita ko yung lungkot sa mga mata niya. Geez. Bakit siya malulungkot 'e ganyan naman ang gusto niya, ang nilalandi siya. Tsaka 'yan naman talaga ang ugali niya dati pa diba? Bakit nga ba maninibago pa ako?
"Hi bes!" Nakangiting sabi sa akin noong babae. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ha? Bes?" Tanong ko. I don't remember be friend-ing with this girl?
Tumawa naman ito saka tumango. "Yeah. Hindi ba bestfriend mo ang my love ko?" Tanong pa nito saka tumingin kay Greg.
Pagkatapos kong marinig yung word na bestfriend ay parang may kuryenteng bumalot sa buong katawan ko at dumiretso papunta sa puso ko. Ang sakit. Bakit ko ba nararamdaman 'tong sakit na 'to? May sakit na ba ako sa puso? Kailangan ko na bang pumunta ng clinic? TSK.
"Ah." Nagpanggap akong natawa sa sinabi niya. "Una na ako." Wika ko na lang. Papaalis na sana ako ng biglang hawakan ni Greg yung braso ko.
Hindi ko na naman naiwasang hindi tumingin sa mga mata niya. Bakit tila'y lungkot talaga ang meron sa mga iyon?
"It's not what you think." Mahina niyang sabi. Hinawakan ko naman yung kamay niyang nakahawak sa braso ko saka ako ngumiti ng pilit.
"It is." Maikling sagot ko. Bigla namang kumunot yung noo niya. Dahan-dahan kong inalis yung kamay niya sa braso ko.
Tumalikod na ako saka nagsimulang maglakad. Kahit gusto kong lumingon sa direksyon nilang dalawa ay pinigilan ko ang sarili ko. I should not, it's not right.
Noong natauhan ako ay nalaman ko na lang na nasa harap na pala ako ng library building. What am I doing here?
Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga bago tuluyan na pumasok sa loob ng library. Inilibot ko ang mga mata ko sa isang book shelf na puro story books ang laman.
"Hi." Muntik na akong mapasigaw sa gulat noong pagkuha ko ng isa sa mga libro ay lumitaw ang mukha ni Ranz sa siwang ng shelf.
"You scared the hell out of me." Wika ko habang nakahawak sa dibdib ko.
Lumapit siya sa'kin saka inabot yung librong kinuha ko mula sa shelf. "So you like this kind of books, huh?" Nakangisi niya pang sabi saka itinaas yung libro.
Bigla akong namula noong nabasa ko yung pamagat ng librong nakuha ko. "Geez. So what? Bawal na ba akong magbasa ng mga fairytales?" Wika ko saka ko siya inirapan.
"Oooooh. Ang sungit naman." Nakanguso niyang sabi. "Hindi ka naman ganyan ka-sungit sa akin noon 'e."
Tiningnan ko siya ng masama saka ko muling inirapan. "Kung hindi mo lang ako sinabihan ng gano'n kasasama noon sa birthday party. Baka gano'n pa rin ang pagtrato ko sa'yo." Mataray kong sabi.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is a Player
RomanceC O M P L E T E D / / "Gustong-gusto nyang pinaglaruan ang puso ng mga babae. Katawan lang ang pakay niya sa kanila. Siya ang bestfriend ko, pero kahit na kami ang halos laging magkasama hindi ko maramdaman ang pagka-attract na nararamdaman ng ibang...