I'm so sore.
Hindi rin ako masyado makalakad ng maayos dahil sa sakit ng mga hita ko, mabuti na lang hindi nahalata ng mga magulang ko.
Ilang days na ang lumipas pero masakit pa rin ang mga hita na parang kahapon lang nangyari.
Sa laki ba naman ng ano ni Kirvie, hindi ka talaga makakalakad ng maayos. Uminom na nga rin ako ng gamot pero masakit pa rin, pati gamot hindi tinablan.
Balot na balot rin palagi ang mga suot ko dahil sa mga iniwang marka ni Kirvie, ilan beses ko na syang pinagsabihan pero hindi naman nya ako pinapakinggan.
"Where's mom?" Tanong ko sa katulong namin pagkababa ko sa hagdan
Tumingin sya sakin. "Maaga po umalis, ma'am."
Tumango lang ako at hindi na sya pinansin. Lumabas ako ng bahay at nagpahatid sa driver namin papunta sa mall since Xyra is waiting for me there.
Ngayon na lang kasi kami ulit lumabas ng kami lang dalawa dahil masyado ako busy. Miss ko na rin ang bonding namin dalawa.
Pagkahatid sakin ng driver sa mall, sakto naman nakatanggap ako ng text mula kay Xyra na andun na raw sya sa loob ng mall. Tumingin ako sa bagong driver namin saka ko sya kinunotan ng noo.
"You can now go and don't tell mommy where am I." Utos ko
"Pero ma'am..." Nag-aalangan nitong usal
"Sunduin mo na lang ako mamaya." I commanded before I went inside the mall.
Palinga-linga ako habang naglalakad para hanapin ang bruha kong kaibigan, sa laki nitong mall impossibleng makita ko sya agad.
Ite-text ko na sana sya ng mahagip sya ng mga mata ko. Naglalakad sya papunta sakin.
"Tángina, ang tagal mo!" Reklamo nya pagkalapit sakin
Hindi ko pinansin ang reklamo nya.
"Saan tayo?" Tanong ko na lang
"Samahan mo muna ako sa Watsons."
Hinila nya ang braso ko, nagpatianod naman ako. Napangiwi pa ako ng makaramdam ng pagkirot sa bandang hita.
Pumasok kami sa Watsons, lumayo si Xyra sakin para maghanap ng mga gusto nya ako naman dumiretso sa make up section. Naalala ko, ubos na pala ang concealer ko dahil sa kakatakpan ko ng mga hickeys na iniiwan ni Kirvie.
Tatlo lang ang binili ko at agad ng nagbayad, wala na rin naman na akong ibang bibilhin since may mga stock pa ako sa bahay.
Pagtingin ko kay Xyra tapos na rin sya bumili. Lumabas na kami ng Watson at dumiretso sa clothing store.
"Birthday ko na next week, ehem kahit ito lang." Parinig nya at pinakita sakin ang hawak nyang dress
Tinignan ko naman ito, it's a backless dress. For sure bagay na bagay sa kanya.
"Sige, ako na magbayad." Pagpayag ko
Nanlaki ang mga mata nya.
"Weh? Talaga?"
I nodded. Tumalon naman sya payakap sakin, she even kissed my cheeks.
"Thank you, bebe ko!" Tiling aniya "The best ka talaga!"
Pumili na rin ako ng para sakin pero parang wala akong gusto kahit na maganda naman lahat.
"Ito, ayaw mo?" Tanong nya "Bagay 'to sayo, you have the curves and all."
I looked at it, it's a fitted dress and it's too revealing lalo na sa bandang dibdib.
Umiling lang ako sa kanya. Ayoko ng masyadong fitted feeling ko hindi ako makakahinga.
YOU ARE READING
Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)
General Fiction[ FORBIDDEN SERIES #1 | UNEDITED ] Paano ako lalaban kung sya mismo ang sumuko na? ★ Read first the DISCLAIMER before you proceed to read the other parts of the story. [ STORY RANKINGS ] #1- taguannganak #1 - left out of 3.06k #2- engineering out...