CHAPTER 09

1.8K 28 0
                                    

"Hailey!" Anna screamed as soon as I went inside our classroom

I looked at her lazily.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang itsura. Probably, she noticed my eyebags at isa pa mugto ang mga mata ko kakaiyak kagabi dahil sa inis.

Nag-away kami ni Kirvie kagabi sa call, nalaman ko lang naman na buong araw sila magkasama nung Tala. Kung hindi pa ako nag-online sa facebook hindi ko pa malalaman.

Tala posted it on her feed, he even cooked for her. I get it, kaya sila magkasama dahil sa projects nila pero hindi naman na yata parte pa sa gagawin nya ang paglutuan sya.

Tàngina nya lang.

Bahala sya sa buhay nya, edi dun na sya sa Taland1 nya. Bw1sit sya.

"Ay gxgi, anyare sayo?" Tanong ni Anna, pagkaupo ko

Inilingan ko lang sya, walang balak sagutin ang tanong nya. Dumating si Xyra kasabay ng prof, nagulat pa sya ng makita ang itsura ko. Even though I'm wearing make ups, halata pa rin na namamaga ang mata ko.

Wala akong balak makinig sa discussion ng prof kaya natulog lang ako sa klase nya, ginising lang ako ni Xyra ng umalis na ang prof.

Sabay kaming lumabas dalawa at dumiretso sa cafeteria. Wala akong ganang kumain pero hinayaan ko na syang bilhan ako ng pagkain.

"Hi, Hails."

Nag-angat ako ng tingin para tignan kung sino ang bumati sakin. He smiled when our eyes met. Tinignan ko ang lanyard nya.

Civil Engineering.

"I'm Ch—"

"Back off, may boyfriend yan."

The engineering guy didn't finished his words when someone from his back spoke up, my eyes widened when I saw Kirvie. He eyed the guy.

Nagpalipat-lipat ang tingin samin ng lalaki saka sya nagkamot ng batok at dali-daling umalis. Inis ko naman tinignan si Kirvie.

"What the fck is that, Kirv?" Inis kong bulalas

"Nag-away lang tayo pero hindi ko sinabing pwede ka na makipag-usap sa ibang lalaki." Madiin nyang sabi

Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi nya. Akala nya yata makukuha nya ako dyan sa sinabi nya, nagkakamali sya.

"Baby." Pumungay ang mga mata nya

"Hwag ngayon, Kirvie." Cold kong usal "Doon ka na muna sa Tala mo."

Huminga sya ng malalim at basta na lang ako tinalikuran.

Just wow, fcking wow.

Susundin nya talaga ang sinabi ko?

Edi dun sya sa Taland1 na yun, magsama silang dalawa.

Gusto ko lang naman suyuin nya ako pero mukhang wala yata syang balak na suyuin ako. Edi doon sya.

Napatingala ako para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko.

Ngayon lang kami nag-away ng ganito, dati pag nag-aaway kami agad nya akong susuyuin kahit na ako ang may kasalanan ni ayaw nga sya na matulog kami na may away sa pagitan namin.

Ngayon lang.

Maybe he realized something.

***

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin kami ayos ni Kirvie.

No text, no calls and no chats in short no updates.

Wala na yata syang balak na suyuin ako, baka nga siguro nakalimutan nya na may girlfriend pa sya.

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now