CHAPTER 17

1.9K 35 14
                                    

Happy 1K followers to us, Dreamers & Chasers! We made it!🥂❤️

Thank you po for the support, mahal ko kayo palagi.

.

.

.


Hawak ko ang tyan ko at marahan itong hinahaplos ng maramdaman ko ang pagsipa nya sa loob.

Napapangiti ako pag nararamdaman ko ang pagsipa nya kahit na minsan masakit.

I'm seven months pregnant already, 2 months more to go then the baby will come out and I can't wait to that day to come.

I already know the gender.

Nagpa-ultrasound ako nung nag-5 months ang aking tyan and last week rin since gusto ko malaman kung healthy ba sya sa loob ko.

I'm still staying at my parents house, ayokong sa condo dahil iiyak lang ako pag maalala ko na naman sya. Mga masasakit na sinabi nya.

Xyra often visited me here in our house, hindi rin naman na masyado umuuwi ang mga magulang ko dahil busy sila sa kani-kanilang trabaho.

Xyra is the one who helped me throughout my pregnancy lalo na sa mga weird cravings ko.

Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko kung wala sya sa tabi ko. Sobrang pinagsasalamatan ko talaga sya dahil naging kaibigan ko ang isang katulad nya.

She's a one call away.

Muling syang sumipa sa loob ko, napangiwi pa ako sa sakit.

"You want to come out na baby?" I giggled upon speaking to my baby bump

Muli itong sumipa na kinatawa ko.

"2 more months to go baby, you will finally see the world." I said

Dumating si Xyra at naabutan nya akong kinakausap ang tyan ko. Tumayo naman agad ako dahil aalis kami ngayon para mag-mall.

Unti-unti ko na rin kasi bumibili ang mga kailangan ng baby para pag nangananak ako wala ng problema dahil nabili ko na ang dapat bumili.

Hindi na rin ako natatakot lumabas dahil alam ko hindi na magkru-krus ang landas namin. Sinabi sakin ni Xyra na tinanggap raw ni Kirvie ang scholarship at nakaalis na ito sa pilipinas kasama ang pamilya since it's a full package scholarship pati pamilya kasali.

Wala naman na rin ako paki dun, kahit maghanap pa sya ng bago na ka-edad nya wala na akong pakialam. Ang mahalaga sakin ngayon ay ang anak ko.

Sya ang mas importante sakin ngayon kumpara sa ibang bagay.

"Xy." I called

We're inside the mall now.

Napahinto sya sa paglalakad at tinignan ako ng may pag-alala. Natawa naman ako dahil sa naging reaction nya.

"May masakit ba sayo?" Tanong nya, halata sa boses ang pag-alala

Umiling ako. "Wala ka pang boyfriend?"

She's taken a back but later on a devilish smirk plastered on her face. We continued walking and went inside to the baby clothing section.

"Ayoko ng boyfriend." She grinned "Gusto ko ng girlfriend."

Namilog ang mga mata ko sa gulat.

"What?" I exclaimed "Baka ako pala talaga type mo."

Okay lang naman sakin kung mag- girlfriend sya. Kung saan sya masaya, I support her.

Humagikgik sya.

"Joke lang and excuse me, hindi kita type." Sabay tawa nya "I already have a boyfriend 'no. Papakilala ko sya sayo, actually papunta na sya dito ngayon."

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now