CHAPTER 36

1.7K 43 0
                                    

Cheers for almost 40k reads!🥳

.

.

.

.

.

"Wow, mas blooming ka pa kaysa sakin ah." Puna ni Xyra ng magkita kami

Wala ang anak ko ngayon, sumama sa ama nya sa firm kaninang umaga dahil iyak ito ng iyak ayaw humiwalay sa kanya kaya wala syang nagawa kundi isama ito.

Ayoko rin naman sumama kaya tinawagan ko na lang si Xyra para magkita kami since gusto ko ipaalam sa kanya na engaged na ako.

Mabuti na lang bumalik na sila galing Maldives since doon ginanap ang honeymoon nila.

"Gabi-gabi ka yata dinidiligan ni Kirvie, 'no?" Mapang-asar nyang tanong

Namula ako na mas lalo nyang kinatawa. Kung alam nya lang.

Napailing naman ako.

"Ikaw ba hindi?" Balik ko sa kanya "Baka nga buntis ka na."

Bumagsak ang mga balikat nya saka sya malungkot akong inilingan. I immediately covered my mouth when I realized something.

"We tried but..." She shook her head "Hindi ko alam kung anong problema."

Malungkot nya akong tinignan, binigyan ko naman agad sya ng yakap.

Alam ko kung gaano nila ka-gusto magkaanak ni Ryu pero sadly hindi sila nabibiyayaan.

"I'm sorry." I said, sincerely

She sighed. "We're going to adopt, okay lang naman kay Ryu."

"That's good." I smiled, masaya para sa kaibigan

"Kayo na lang ang magparami dalawa ni Kirvie." Tumawa sya "Tapos adopt ko na si Hexie."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"As if papayagan ka ni Kirvie." I scoffed

She laughed. "Nakakagulat hindi nakadikit sayo ang anak nyo."

"Na kay Kirvie." Sambit ko "By the way, I have something to tell you."

"Ano?" Excited nyang tanong

Pinakita ko sa kanya ang kamay ko kung nasaan ang daliri ko, dumapo agad ang mata nya sa mga daliri ko.

Natutop nya ang bibig ng makita ang daliri ko may singsing saka nya ako tinignan na may halong gulat at saya sa mga mata nya.

"I'm engaged." I said, happily

"That's fcking, diamond ring." She hissed "Congrats besty, I'm so happy for you."

"Thanks, Xy." I smiled

"Paano? Saan sya nag-propose sayo?" Don't tell me, nag-propose sya sayo habang gumagawa kayo ng mil—"

"What the fck!" Mura ko sa kanya

Tumawa naman sya. "Saan nga?"

"Sa park." I answered "Tinanong ko kasi sya if gusto nya ako pakasalan then ayun nag-propose agad sya."

"Wow." Mangha nyang ani "Ibang klase mga galawan ni Kirvie."

Tumawa ako at tumango bilang sang-ayon sa sinabi nya.

"So, when's the wedding?" She asked

"We still talked about it." I answered "Bridesmaid ka."

She giggled. "Aba dapat lang. Bridesmaid ka rin noong kasal ko."

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now