CHAPTER 31

1.8K 52 2
                                    

Yey! Happy 700 votes, KirvLey and Road to 30k reads!!!🥳

Almost 2k followers na rin tayo, thank youuu po sobra<3

.

.

.

.

"May pasabi-sabi ka pa sakin na marupok ako, isa ka din pala."

Mahina akong sinabunutan ng kaibigan ko. Binisita nya ako ngayon dito sa condo ni Kirvie para ipaalala sakin ang kasal nila ni Ryu next week.

"May pinagmamanahan ka talaga, kaibigan nga talaga tayo." She grinned

I smirked. "Mas marupok ka nga lang. Isang hawak lang sayo ni Ryu, binibigay mo agad."

Namula ang buong mukha nya.

I laughed. Kunot-noo naman kami nilingon ng anak ko na busy sa panonood ng Finding Nemo sa flat screen TV. Mukhang nadistorbo namin ang panonood nya.

"Why are you laughing, mommy?"

I shook my head. "Nothing baby, continue watching. Don't mind us."

Tumango ito at binalik na ang paningin sa TV. Muli kong tinignan si Xyra na pulang-pula pa rin ang mukha.

"Nahiya naman ako sayo, nabuntis agad." Panlaban nya sakin

Namula din ako. "Mahal na mahal ko naman ang anak namin."

Sinulyapan nya ang anak ko.

"Tanggap nya na si Kirvie?" Tanong ni Xyra

I nod. "Yep. Simula nung nagkaayos sila, ayaw na nya humiwalay kay Kirvie."

Tumawa si Xyra. "Pero matindi rin dinanas ni Kirvie bago makuha ang loob ng anak nya."

Tumango ako ng maalala ang mga pagtataboy ni Hexie sa ama nya at kung paano nya sinisigawan si Kirvie na ayaw nya dito pero ngayon sya na ang may ayaw na lumayo ang ama nya sa kanya.

Isang buwan na rin ang lumipas simula noong lumipat kami sa condo ni Kirvie at masasabi ko na maayos naman ang naging paglipat namin.

Sa loob din ng isang buwan mas napalapit nga ang anak ko sa kanya at minsan umiiyak pa ito hwag lang umalis ang ama nya sa condo.

Iba rin ang saya na nakikita ko sa mga mata ng anak ko pag kasama nya ang ama nya kumpara noong hindi pa namin kasama si Kirvie.

Masaya naman sya noong kami pa lang dalawa pero hindi ko itatangging mas sumigla at sumaya sya noong dumating sa buhay namin si Kirvie.

I know she felt complete now because she have me and her father.

And about us, we're both okay now and just like what he promised he always court me and telling me how much he loves me.

Sa loob ng isang buwan na magkasama kami sa isang condo, napatunayan nya na ako pa rin ang mahal nya at sa loob rin ng isang buwan, hindi nya sinayang ang pagkakataon ipakita samin ng anak kung gaano nya kami kamahal.

I never regret giving him a second chance, he deserve it. He prove it to me every single day that he deserve the chance that I gave and I know this time, he'll not going to break his promise again.

Umalis si Xyra ng makitang malapit na mag-tanghali dahil may pupuntahan pa daw syang importante at ngayon araw din daw ang dating ng kanyang wedding gown.

Naiwan kaming dalawa ng anak ko dito sa condo dahil pumasok si Kirvie sa trabaho. Ilang linggo na rin kasi syang walang pasok dahil sa nabangga sya at ngayon kailangan nya ng bumalik sa trabaho.

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now