Dinala ko ngayong araw si Hexie sa hospital kung nasaan ang ama nya dahil binabantayan na nya bawat lakad ko.
Takot na baka muli ko syang iwanan kay Manang ng hindi nya nalalaman.
Kumatok muna ako bago dahan- dahan binuksan ang pintuan. Mukha ni Skie ang bumungad sakin. Nanlaki pa ang mga mata nya ng makita may kasama akong bata.
Humigpit ang hawak sakin ang anak ko saka sya nahihiyang nagtago sa likod ng paa ko na kinatawa ni Skie.
Hinila nito ang kamay ko.
"What are we doing here, mommy?" She asked "Let's go home na po."
"I thought you want to come with mommy? I asked
Binuhat ko sya. Niyakap nya agad ang leeg ko. Napailing ako sa inasta ng anak ko.
Sinarado ko ang pintuan at tuluyan ng pumasok sa loob. Wala pa ring malay si Kirvie kahit dalawang linggo na ang nakalipas.
Araw-araw rin ako bumabalik para bisitahin sya at nagbabakasakaling magigising na ito pero wala pa rin.
The Doctor told us if hindi pa daw ito magising baka mahulog na ito sa comatose na kinalungkot at ayaw mangyari ng pamilya nya at ganun rin ako.
Ayokong mangyari ang sinabi ng doctor dahil kailangan sya ng anak nya, buti sana kung tapos na nya itong suyuin.
"Hi baby girl, what's your name?" I heard Skie
She looked at me.
I smiled and nodded.
"Hexie po." She answered, cutely
Manghang tumawa si Skie at tumayo sabay lapit sakin.
"Pabuhat ng anak nyo." Aniya sakin "Ang lakas ng kaibigan ko, ah."
Sinubukan nyang kunin sakin ang anak ko pero humigpit lang ang kapit nito sakin.
"Come here to Tito Skie, Hexie. Nood tayo Barbie." Pang-uuto nya sa anak ko
"Barbie?" Nilingon sya ni Hexie
Nakangiting tumango si Skie.
Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil pumunta sya kay Skie. Tuwang-tuwa pa si Skie na niyayakap ang anak ko.
Nakakagulat lang dahil kay Skie pumunta sya agad tapos kay Kirvie na ama nya mismo ni hawakan ang kamay nya ayaw na ayaw.
"Gumising ka na dyan gàgo, naunahan ka pa buhatin ng kaibigan mo ang anak mo!" I said in the back of my mind while looking to his bed
"Why is he here, mommy?" She pointed out her Dad
"Sabihin mo nga dyan sa Daddy mo, gumising na sya kundi aagawin ko kayo sa kanya." Tumawa si Skie
Sinamaan ko naman sya ng tingin.
Umupo ako sa isang mono black chair malapit sa kama ni Kirvie pagkatapos kong ayusin ang mga prutas na nasa lamesa.
Pinagmamasdan ko lang sya, umaasa imumulat nya na ang mga mata nya pero tumagal lang ng ilan oras ang titig ko sa kanya wala pa ring sign.
"He will wake up, soon."
Nagulat ako ng marinig ang boses ni Skie. Hindi ko alam pinagmamasdan nya na pala ako habang nasa kandungan nya ang anak ko, masayang nanonood ng Barbie sa cellphone nya.
"Wala ka bang trabaho?" Tanong ko na lang
"Meron." Tinignan nya ang orasan nya "Kailangan ko na palang umalis, andito ka naman na."
YOU ARE READING
Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)
General Fiction[ FORBIDDEN SERIES #1 | UNEDITED ] Paano ako lalaban kung sya mismo ang sumuko na? ★ Read first the DISCLAIMER before you proceed to read the other parts of the story. [ STORY RANKINGS ] #1- taguannganak #1 - left out of 3.06k #2- engineering out...