Chapter 14 - Forget

295 16 0
                                    

    Meltem Akçöl as Mia Yuanna Haris

Chie Pov:

Pagmulat ko ng mata, a beautiful woman is  sleeping beside me. Mahimbing siyang natutulog at yakap na yakap pa sa katawan ko. A sudden flashback made me blush kaya tahimik akong bumangon na ako ng dahan dahan, at ayaw kong maistorbo ang tulog niya.

Nasa baba na ako para magtimpla ng kape. Narinig ko ang yabag ng paa na may papalapit sakin. Si Mia lang pala, halatang bagong gising din, lumapit sa akin.

"Aga mo nagising ah" bati niya habang nagpupunas ng mata. "Wala bang hangover?" sabay tawa.

"Haha, wala naman. Ewan ko ba, parang sanay na yata ako." sagot ko habang humihigop ng kape at nakangiti.

"Wow, ibang level ka talaga. Ako, parang binugbog sa dami ng nainom kagabi." sabay masahe sa kanyang noo. "Ang sakit pa mg ulo ko."

"Tanga ka pala e, halos ikaw na umubos sa mga alak" It slipped out of my mouth in almost a whisper, barely audible, so she didn't notice.

"Ikaw ang may pinaka madaming nainom satin tapos sinayawan mo pa si Miss Rhia, gago" dagdag ko, sinabayan ng tawa.

Bigla kasing dumating si Miss Rhia sa gazebo. Akala ko nga papagalitan kami, pero naki-shot pa siya ng tatlo. Tapos itong si Mia, biglang kumandong kay Miss Rhia at nag-giling-giling pa sa lap niya.

"Tangina, hindi nga?" sagot ni Mia, namumula na ang mukha.

Mukha ba akong sinungaling? Palitan kita biglang captain, joke..

"Hindi ko na maalala 'yun ah. Grabe pala inabot ko." sabay kamot niya sa ulo. Napansin ko ring namumula buong mukha niya kaya pinipigil ko na lang ang tawa ko.

"Tama ka diyan. At least, masaya tayo kagabi." sabi ko.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Mia, umupo ako sa veranda at tinuloy ang pag-inom ng kape. Hindi naman siguro ako mapapalpitate neto, pangalawa ko na kasi 'to.

Nakita kong papalapit sa akin si Miss Nicole kaya eto nanaman ako at nag-papanic (you mean gay panic)

Erase, erase, erase.

"Good morning, Chie." bati niya habang umuupo sa tabi ko. Bigla akong kinabahan at halos matapon ang kape ko.

I barely know Miss Nicole pero she’s like a living goddess, exuding elegance and beauty. Her dark hair, her eyes, and she has a graceful presence, enhanced by her poised expression. Her look is both sophisticated and timeless, radiating an aura of divine charm.

"Good morning po, Ma'am." sagot ko, pilit na ngumiti kahit medyo kinakabahan.

"You seem to be up early." sabi niya, nakangiti. "No hangover?"

"Ah, wala naman po." sagot ko, pilit na tumawa. "Kayo po, Ma'am? How's your sleep?"

"Very well, thank you," sagot niya. "I was wondering if you'd like to take a walk by the beach with me."

Nagulat ako pero mabilis na ngumiti. "Sige po, Ma'am. That sounds nice."

Naglakad kami ni Miss Nicole papunta sa dalampasigan. Medyo kinakabahan pa rin ako, pero sinubukan kong maging kalmado. Habang naglalakad kami, naramdaman ko ang lamig ng buhangin sa paa ko at ang hangin na humahampas sa mukha ko.

"Chie, how are you finding the activities here so far?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Okay naman po, Ma'am" sagot ko, tinitingnan ang dagat. "It's been fun and refreshing to be here."

Love Across Time Where stories live. Discover now