Chapter 15 - HE KNOWS

292 18 5
                                    

!WARNING!
THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE

                            _______
Chie Pov:

Ngayon ang araw ng volleyball tournament at lahat ng tao ay nandito ngayon sa university gymnasium. Umaga pa lang, puno na ng tao ang paligid.

Apat na araw na kaming nakauwi galing sa beach. Simula noong gabi na 'yon ay hindi na kami nag pa-pansinan ni Zara. Oo, magandang bagay ito pero hindi ko maiwasang masaktan, may parte pa rin sa akin na gusto siyang lapitan. Kung hindi lang ako pinipigilan ni Theresa, siguradong umiiyak na naman ako.

Ikinuwento ko lahat kay There siya ang naging sandigan ko sa mga oras na 'yon. Hindi ko na sinabi kay Rachel dahil ayaw niya ng drama kahit buhay niya ay daig pa ang telenovela.

Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang mga tambol at hiyawan ng tao.

"Alright everyone, welcome to the El Valle University Volleyball Tournament!" sigaw ng announcer, si Mr. Rodriguez, na kilala sa pagiging energetic at lively sa mga events. Ang boses niya ay umaalingawngaw sa buong gymnasium, na parang kumakalat sa bawat sulok nito.

"Let's get ready for an exciting match today!"

Nagsimula ang laro. Nakapila kami sa harap ng net, nakikipagkamay sa mga kalaban bago magsimula.

"Chie, focus tayo!" sigaw ni Mia, ang team captain namin.

Tumango ako at pumuwesto na sa likod, handang mag-receive ng serve. Sa hampas ng bola mula sa kamay ng kalaban, nagpakawala ito ng isang matinding spike. Pero hindi kami patitinag. Tumalon ako at nagawa kong i-dig ang bola papunta kay Jenna, na siyang nag-set up para kay Bea.

Sa bawat palitan ng bola, maririnig mo ang sigawan ng mga tao na akala mo last day na nila.

"Go Chirururt, durugin mo sila!Woahhh!" dahil sa sigaw na 'yon, napatingin ako sa gilid ko at napangiti.

Bago kasi magsimula, hindi ko nakita ang dalawa kong penguin, yun pala ay nalate buti na lang nakaabot pa sila.

Walang humpay na sigaw nang sigaw si Theresa kaya't ang dami tuloy nakatingin sa kanya. Si mama naman ay mabibingi na ata sa katabi niya.

Sa gitna ng laban, nagkaroon kami ng mga pagkakataon na makalamang. Ang bawat puntos na nakuha namin ay nagbibigay sa amin ng dagdag na lakas at kumpiyansa.

Narinig ko ang boses ng announcer, na puno ng sigla at excitement. "Ang daming fans ni Miss Cuenca! Sobrang init na ng laban at mukhang nakakalamang na ang Team Eagles! Pero habang tumagal, nakabawi ang Team Phantom dahil kay Chie Cuenca! Grabe, naihabol ang score! Let's give an applause to Team Phantom!"

"And the MVP for this match goes to... Chie Jimena Cuenca!" anunsyo ng announcer, ang boses niya'y umaalingawngaw sa buong gymnasium. Kitang-kita ko ang kanyang ngiti habang tinuturo ako, na tila ba proud na proud siya sa ipinakita kong performance.

Nagulat ako. MVP? Ako? Hindi ko inexpect 'to. Pumunta ako sa harap, tinanggap ang medalya habang palakpakan ang lahat. Ramdam ko ang bigat ng medalya sa leeg ko, pero mas ramdam ko ang init ng suporta ng mga tao.

"Grabe ang galing mo talaga." Theresa said.

"Congrats, Chie, great job!" sabi naman ni Miss Nicole at Ava.

Tumigil ako nang marealize kong nanood rin pala ang grandparents ko. Mukhang proud na proud sila, at siyempre si mama rin.

Bumaba sila para salubungin rin ako ng yakap at mag-congratulate.

Love Across Time Where stories live. Discover now