Chapter 16 - United Front

295 15 1
                                    

Kristine Froseth as Theresa Vien Arlan


Chie Pov:

Naramdaman ko ang pag bigat ng aking dibdib bago ako tuluyang nagising. Nagmulat ako ng mata at nakita kong umiiyak si Theresa at si Mia sa tabi ng kama ko.

Anong kagaguhan nanaman 'to.

"Mahal na mahal ka namin, Chie." sabi ni Theresa habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. "Gabayan mo kami, ha?"

Sumunod si Mia, umiiyak din. "We love you so much, Chie. Please watch over us from wherever you are."

Para bang may pumitik sa loob ko, at bigla kong napagtanto ang eksenang nangyayari. Minulat ko ang mata ko ng tuluyan at huminga ng malalim.

"Mga gago, pinapatay niyo agad ako!"

Nag gulat-gulatan pa sila, sabay silang napaatras. At may pag laki pa ng mata na akala mo nagulat eh.

"Chie! You're awake!" sigaw ni oa

"Of course I am! Ano bang drama 'to?" tanong ko, medyo natatawa sa sitwasyon.

"Oh my God, Chie!" sabi ni Mia, nagpupunas ng luha habang tumatawa.

"We thought you were gone!"

Baka gusto mong ikaw ang mawala

"Naku, akala ko rin! Pero buhay na buhay pa ako, mga loka-loka." sagot ko, sinubukang umupo kahit na medyo mahina pa.

"Sorry na, Chie. Sobrang worried lang kami." Theresa said, habang yakap-yakap ako ng mahigpit.

"Hindi na mauulit, promise." dagdag ni Mia, sabay yakap din.

Ngumiti ako at hinaplos ang mga likod nila. "Okay lang, at least alam kong mahal na mahal niyo ako. Pero next time, konting chill lang sa drama, ha?"

Nagpatuloy kami sa pagyakapan, puno ng saya at ginhawa, ngunit biglang tumigil si Theresa at Mia. Pareho silang mukhang nag-aalala, at nakita ko ang pagsisisi sa kanilang mga mata.

"Chie, sorry talaga" sabi ni Theresa, nag-iwas ng tingin.

"Hindi ka namin napagtanggol kay David. Hindi namin napigilan nung pinag sasapak niya mukha mo."

Mia nodded and trying to stop herself from crying. "We feel so guilty, Chie. We should've done something."

Huminga ako ng malalim, pilit na ngumiti kahit na alam kong mahirap para sa kanila ang sitwasyong ito.

"Alam ko naman na ginawa niyo ang lahat ng makakaya niyo. Wala kayong kasalanan."

"Pero, Chie, we could've done more." sabi ni Theresa,randam ko ang lungkot sa boses niya.

"Kung hindi kami natakot, baka hindi ka nasaktan ng ganito."

Hinawakan ko ang kamay nila, siniguradong maramdaman nila na wala akong galit sa kanila.

"Mahalaga na nandito pa rin kayo ngayon. Ang importante, safe tayo lahat. Huwag niyo nang isipin ang nangyari. Let's move forward."

Napayakap ulit sa akin si Theresa, at si Mia ay sumunod. "Thank you, Chie." sabi ni Mia. "We'll make it up to you, promise."

"Oo, hindi na namin hahayaan na mangyari ulit 'to1" dagdag ni Theresa.

Ngumiti ako at hinaplos ang buhok nila. "I trust you both. Huwag na tayong mag-dwell sa past. Ang mahalaga, magkasama tayo."

At sa sandaling iyon, naramdaman ko ang totoong pagmamahal at suporta ng mga kaibigan ko. Alam kong hindi madali ang mga susunod na araw, pero sa tulong nila, alam kong kakayanin ko.

Love Across Time Where stories live. Discover now