Chapter 22 - The Unseen Past

443 18 3
                                    

Chie Pov:

"Where are we going?" Zara asked me, confusion evident on her face.

Napag-isipan ko kasing puntahan ang taong tumulong sa akin noong napunta ako dito. Hindi pa ako nakakapagpasalamat ng maayos sa kanila. I also wonder how those two are doing, lalo na si Aerin.

"I'm gonna visit the ones who saved me when I first came here. I owe them my life," I said, reassuring her, baka kasi iniisip niyang ibebenta ko siya.

Mula sa malayo, natanaw ko na si Aerin at Mang Ramon.

"Aerin!! Mang Ramon!" sigaw ko, at mukha namang narinig nila.

Liningon ko si Zara na nakangiti lang sa kanila, pero I could feel her aura. Don't tell me, nagseselos siya.

"Hija, anong meron at nagawi ka dito? At sino itong magandang dalaga na kasama mo?" tanong ni Mang Ramon, at niyaya kami sa bahay niya.

"Anak siya ni Don Rafael, Tay," biglang sambit ni Aerin kaya napangiti ako dito.

Hindi na ako magtataka na kilala nila si Don Rafael. Pagmamay-ari ni Don Rafael ang lupaing pinagtratrabahuan ni Mang Ramon.

"Stop smiling at her or else tatanggalin ko 'yang ngiti mo sa labi," Zara whispered and pinched me. Ang sakit nun!!

"Pasok kayo, hija. Pagpasensyahan niyo na at maliit lang bahay namin," sabi ni Mang Ramon, habang binubuksan ang pinto.

Pagpasok namin sa loob, agad kaming inasikaso ni Aerin. "Chie, Zara, maupo kayo. Gusto niyo ba ng kape o tsaa?"

"Tsaa na lang po, salamat," sagot ni Zara, na may halong pag-aalangan.

"Tay, si Chie 'yan, hindi na iba dito," sabi ni Aerin, na tila nagpapakalma sa tensyon na nararamdaman ko mula kay Zara.

"Huwag ka nang mahiya, hija," sabi ni Mang Ramon kay Zara. "Mabuti't napasyal kayo dito."

Habang hinihintay namin ang tsaa, nagkwentuhan muna kami.

"Hmm... Asan kaya si Rene?" bigla kong naalala na hindi rin siya marunong mag sign language dahil wala namang nag tuturo sakanya.

"Aerin, Mang Ramon, gusto ko lang talagang magpasalamat sa inyo. Hindi ko makakalimutan ang tulong niyo sa akin noon. Kung pwede po ay eenroll ko si Rene para matuto siyang mag sign language," sabi ko, puno ng pasasalamat.

Nagkatinginan si Aerin at Mang Ramon, at nakita ko ang pasasalamat at tuwa sa kanilang mga mata. "Salamat, hija. Napakalaking tulong niyan kay Rene," sabi ni Mang Ramon, na halatang nagpipigil ng emosyon.

"Hindi niyo na kailangan magpasalamat. Malaki ang utang na loob ko sa inyo. Sa maliit na paraan na ito, sana makatulong ako," sagot ko, na may ngiti.

"Maraming salamat, Chie. Napabait mo," sabi ni Aerin, sabay hawak sa kamay ko.

Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Zara sa kamay ko. "We should get going soon," sabi niya, ng may halong pag-aalala sa boses.

"Sige, hija. Salamat ulit sa pagdalaw. Ingat kayo," sabi ni Mang Ramon habang palabas kami ng bahay nila.

Habang naglalakad kami palayo, hindi ko maiwasang mapangiti. Alam kong nagawa ko ang tama at nakatulong ako sa mga taong nag ligtas sa buhay ko.

"Lakad muna tayo sa tabing dagat. Stop sulking, I only like my girl," I said, trying to lighten the mood.

Hindi niya ako pinansin at nagderetso lang sa paglalakad. She can't even hide her red face, haha!

"I can see you blushing," sabi ko, at napahinga ako ng maluwag dahil nginitian niya na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Across Time Where stories live. Discover now