Chapter 20 - Christmas l

417 15 0
                                    

Chie Pov:

Two days na lang bago mag pasko, and I decided to go out to buy Christmas gifts. Since Zara was already at her parents' house, I had more time to myself. Gusto ko siyang surpresahin ng something special kahit wala siya dito.

Nakarating ako sa mall at agad akong naghanap ng mairirigalo. Habang naglalakad ako sa mga stalls, may nakita akong magandang flower shop. The flowers were vibrant and beautiful, and they immediately caught my attention.

"Perfect," I thought.

Alam kong mahilig si Zara sa mga bulaklak, and I knew she would love this.

Lumapit ako sa flower shop at tiningnan ang iba't ibang klase ng bulaklak. There were roses, tulips, sunflowers, and so many more. Pero ang pinaka naka-catch ng attention ko ay ang isang bouquet ng white lilies. They looked elegant and pure, just like Zara.

"Excuse me, miss," sabi ko sa tindera. "Magkano po itong white lilies?"

"Ah, yung white lilies? 150 pesos po yung bouquet," sagot niya habang abala sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Ang mura naman

"Sige, I'll take it," I said, smiling.

"Ay, para ba 'yan sa nobyo mo?" tanong niya bigla, habang inaabot sa akin ang bouquet.

Nobyo, pwe.

Nagulat ako sa tanong niya. "Ay nako hindi po," sagot ko.

"Basta tandaan mo, hija, ang mahalaga sa pagbibigay ay yung sincerity mo. Kahit anong regalo pa 'yan, basta galing sa puso, siguradong mararamdaman ng tatanggap," she said with a warm smile.

Habang inaayos ng tindera ang bouquet, nag-isip pa ako ng ibang pwedeng idagdag. Then I saw a cute little teddy bear holding a heart with "I Love You" written on it. I picked it up and decided to buy it as well.

"Perfect combination!" sabi ng tindera nang makita niya ang teddy bear.

After paying, I carefully carried the bouquet and the teddy bear out of the shop. Sobrang excited ako na makita ang reaksyon ni Zara pag nakita niya ito. I wanted her to feel special and loved, especially ngayong Pasko.

Matapos ang mahabang araw ng pamimili ng mga regalo, dala-dala ko na ang lahat ng pinamili ko at naglalakad pabalik sa kotse. Medyo mabigat na ang mga dala ko pero sulit naman dahil tiyak kong magugustuhan ng mga mahal ko sa buhay ang mga pinili kong regalo para sa kanila.

Habang naglalakad ako, may isang lalaki ang sumalubong sa akin. Nakangiti siya at mukhang magiliw.

"Hi miss, mukhang mabigat ang dala mo. Gusto mo bang tulungan kita?" sabi niya.

Nag-alangan ako ng bahagya. "Ah, hindi na po. Kaya ko na 'to. Malapit na naman ako sa kotse," sagot ko, pilit na ngumiti.

"Hindi, Mukhang nahihirapan ka na eh," sabi niya, pilit pa ring ngumingiti.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Something about him didn't feel right.

"Ay sige na po, kaya ko na," ulit ko, pero bigla siyang nagbago ng mukha. Mukhang asing ulol.

"Sinabi nang tutulungan kita!" galit niyang sigaw, sabay bunot ng kutsilyo mula sa kanyang bulsa. "Ibigay mo na 'yang mga pinamili mo kung ayaw mong masaktan!"

Natigilan ako at hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi ko mapigilang manginig sa takot. Ngunit bago pa niya ako masaktan, biglang sumulpot si Theresa mula sa kung saan.

"Hoy! Anong ginagawa mo, gusto mong baliin ko 'yang mga braso mo?!" sigaw ni Theresa, agad na dumiretsong lumapit sa amin.

In the blink of an eye, nakahiga na sa sahig ang lalaki.

Love Across Time Where stories live. Discover now