Chapter 17 - Revelation

334 16 0
                                    

TW: The following chapter contains descriptions of violence that may be disturbing to some readers. Viewer discretion is advised.

Third person pov:

Isang madilim na abandonadong gusali ang kinatatayuan ng taong madilim ang mga mata at punong puno ng galit.

"Help, I need help!" isang malakas na sigaw ang maririnig mula sa loob.

"A fucking psychopath is here!" patuloy na sigaw ng lalaki.

Kahit anong sigaw ang gawin nito ay walang makakarinig sa kanya, sila ay nasa isla kung saan walang sino man ang makakalabas ng buhay. Ito ay pagmamay-ari ng taong tuwang-tuwa sa kanyang naririnig, para bang musika ito sa kanyang tenga at sumasayaw pa sa tuwa.

"Stupid. Walang makakarinig sa'yo dito!" bulong niya sa kanyang sarili.

Dahan-dahan niyang tinahak ang gusali at sa bawat hakbang na kanyang ginagawa ay ganoon na lang ang takot na nararamdaman ng lalaki. Marahil alam na niya ito ang katapusan niya.

His sobs became prayers, but no god was listening that night.

"Putragis ka, patay ka pag nalaman ng pamilya ko 'to! Siguradong hinahanap na nila ako!" sigaw ng lalaki, pilit na nilalabanan ang takot sa katawan.

Ngunit ang kanyang tapang ay tila nagdulot lamang ng kasiyahan sa taong ito. Isang nakakatakot na ngiti ang pinakita nito.

"Look at you, trying to be brave, huh? Akala mo ba maliligtas ka ng pamilya mo?" pang-aasar nito habang hinawakan ang mukha ng lalaki at bumulong na nagpatayo sa balahibo niya.

Magsasalita pa sana ang lalaki nang hugutin ng pigura ang isang stapler mula sa kanyang jacket.

"Masyado kang maingay," isang mabilis na galaw, itinutok ng pigura ang stapler sa bibig ng lalaki at sinimulang i-staple ang kanyang mga labi. Nanlaki ang mata ng lalaki sa takot at sakit na nararamdaman niya. Dumaloy ang dugo sa kanyang baba.

Naka-upo ngayon ang taong may bahid ng dugo at nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin sa lalaki na ngayon ay nanginginig pa rin sa takot.

"Ako naman, kanina ka pa," buntong-hininga ng pigura at sumang-ayon dahil na rin sa pagod. Pinaubaya niya muna sa kanyang kasama.

"Ang hina mo, 'yan lang ang ginawa mo?" bulong ng pigura, sapat lang para marinig ng lalaki.

"Paano kaya kita mas papahirapan?"

Inikot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ang anumang bagay na makakatulong sa kanilang plano. Nakita nila ang isang kalawanging kutsilyo na nakatabi sa isang lamesa.

"Pwede kitang hiwain ng dahan-dahan," sabi niya, tinuturo ang kutsilyo. "O kaya naman... baka mas maganda kung paglaruan muna kita ng konti."

"Bakit hindi pa natin simulan?" bulong ng pigura, habang nilalaro ang kutsilyo sa kanyang kamay.

"Huwag kang mag-alala, magiging mabilis ito. Pero mararamdaman mo ang lahat."

Pilit na tumatakbo sa isipan ng lalaki ang iba't ibang paraan para makatakas, ngunit alam niyang wala siyang magagawa. Lalo pang nagdulot ng takot ang malamig na titig ng pigura. Sa puntong iyon, alam niyang walang makapagliligtas sa kanya.

Muling nag-isip ang pigura, tinitimbang ang mga opsyon. Sa isang sulok, may mga lumang kasangkapan: isang plier, martilyo, at ilang pako. Kinuha niya ang mga ito at binalikan ang lalaki, na ngayon ay naghahabol ng hininga sa sobrang takot.

"Paborito ko 'tong plier," wika ng pigura, iniikot-ikot sa kanyang kamay ang kasangkapan.

"Maraming pwedeng gawin dito. Pwede tayong magsimula sa kuko mo... o baka naman mas gusto mo sa tenga?"

Love Across Time Where stories live. Discover now