Chapter 13 - Spellbound

314 15 1
                                    

Chie Pov:

"Lunch is ready!" Sigaw ng kung sino so we both go down since 11 na rin.

Si Miss Ava lang pala. "Let's go kiddos."

"Hi ma'am!" I greeted her, causing her to turn to me.

"Hi Chie and Zara, paki-tawag naman 'yung iba niyong kasama. Maraming salamat." ngiting banggat nito sa amin kaya sinunod nalang namin.

"Theresa at Chel, baba na raw."

"Lunch is ready, everyone! Bumaba na kayo!" paos na ako kakasigaw tong kasama ko, ganda lang ambag.

Nandito na kaming lahat at mukhang mukbang ang gagawin namin sa dami ng nakahandang pagkain.

"Busog na busog na naman si Theresa." nagulat ako sa biglang pagbatok neto sakin, bilis bumaba basta pagkain.

"Ako nanaman trip mo, tangina mo ha!" ey, akala mo Mariang Berhen no, nagkakamali ka dahil isa siyang demonyo

"Theresa, stop cursing, and Chie, stop teasing Theresa." It's my mother na may galit sa mundo. Simula ang pangyayaring 'yon naging ganyan na siya. 

Itong tanga naman na 'to, ngiting-ngiting 'humanda ka sakin,' mahinang bulong ko sa kanya para hindi marinig ni chel.

"Chie, dito tayo" tawag ni Zara, patango sa isang bakanteng mesa. Sumunod ako at naupo sa tabi niya, habang si Mia, Rachel, Theresa, Mike, at ilang mga professor ay sumunod na rin at naupo sa mesa namin.

"Grabe, ang daming pagkain!" sabi ni Mike, habang tinitingnan ang buffet spread. Mayroong grilled seafood, fresh salads, iba't ibang ulam, at mga panghimagas na mukhang masarap.

"Let's dig in" sabi ni Theresa, sabay tayo at kumuha ng plato. Nagtawanan kami at sinundan siya papunta sa buffet table.

Habang kumukuha ng pagkain, si Zara ay tumabi sa akin at kumuha ng shrimp. "Gusto mo ba?" tanong niya, sabay lagay ng shrimp sa plato ko.

Hi-hindi pa ba ako e nalagay mo na. As if I have a choice.

May naglagay pa ng BBQ sa plato ko. "Here, isa nalang natira," it's Miss Nicole na crush ata ako.

"Thank you po."

"Ma'am, ano pong gagawin mamaya?" biglang sulpot ni Theresa sa likuran namin. I forgot about the activities din pala kaya nasapo ko ang ulo ko.

"Relax muna kayo to settle everything first," nakahinga na ako ng maluwag. I love you ma'am, add kita sa crush list ko.

"Ang sarap ng pagkain" sabi ni Mia, habang kumakain ng isang malaking piraso ng grilled fish.

After eating, nagpaalam muna ako sa kanila para matulog. I need rest so I have strength to flirt with Zara. Haha keme lang.

---

Nagising ako at agad na napansin ang liwanag ng araw sa labas. Napa-check ako ng oras at nagulat nang makita kong alas-singko na ng hapon.

"Shit, ang tagal ko palang natulog" sabi ko sa sarili ko habang mabilis na bumangon.

Lumapit ako sa veranda at sinilip ang labas. Napansin kong may mga tao na naglalangoy sa dagat. Nakita ko sina Zara, Mia, Rachel, at iba pa, nag-eenjoy sa tubig.

Dali-dali akong pumunta sa closet at kinuha ng aking bikini. Suot ko ang aking paboritong black bikini, na talagang nagpapakita ng aking toned abs at fit na katawan. "Perfect" sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

Pagkabihis ko, mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Pagdating ko, napansin kong halos lahat ng tao ay napatingin sa akin. Pakiramdam ko ay naging center ako ng atensyon, dahil sa mga appreciative na tingin ng mga tao sa paligid.

Love Across Time Where stories live. Discover now