Part 1

132 4 2
                                    

Jennie POV

"H-Hari?... Wala nga kong boyfriend sa panahon ko, tapos dito may asawa ako?"

"Prank ba 'to? Kasi hindi 'to nakakatuwa." dugtong ko.

"Hindi ko po kayo maintindihan." sabi ng babaeng tinutukoy ang sarili niyang servant ko.

"Nandirito ang mahal na Hari!!" sigaw na narinig namin sa labas ng kwarto.

"T-Teka? A-Ano yun?" utal na tanong ko.

"Nandito po ang mahal na Hari upang bisitahin kayo."

Ngayon pa talaga? Hindi ko gustong malaman kung sino ang Hari na yon, ang gusto kong malaman kung ano ba 'tong nangyayari sakin ngayon? Nag time travel ba talaga ako sa panahong 1849?!

"Bubuksan ko lamang po ang pinto."

"S-Sandali!" pagpigil ko rito nang akmang bubuksan na sana niya ang pinto.

"Bakit po, kamahalan?"

"Wag mong bubuksan yan."

"Ngunit, nasa labas po ang mahal na Hari."

"Ayokong makita ang Hari."

"Bakit naman po, kamahalan?"

"Kasi..." bakit nga ba? "... Basta ayoko!"

"Nandirito ang mahal na Hari!! Maaari niyo po bang papasukin ang mahal na Hari, mahal na Reyna?" tanong mula sa labas.

Tumingin sakin yung servant at umiling naman ako.

Bahagya nitong binuksan ang pinto.

"M-Masama po ang pakiramdam ng mahal na Reyna, ayaw na muna po niyang makatanggap ng kung sinong mga bisita."

Rinig kong pagsisinungaling nung servant sa Hari.

"Ipahatid mo na lamang sa kaniya ang aking pakikiramay, sana ay gumaling na siya."

"Masusunod po, mahal na Hari." sinara naman ng servant ang pinto.

Bakit parang feel ko pamilyar ang boses ng Hari?

"Umalis na po ang mahal na Hari, kamahalan."

"Salamat. Ano nga palang pangalan mo?"

"H-Hindi niyo na po alam ang pangalan ko, kamahalan?"

"K-Kasi... Maniwala ka man o sa hindi, hindi ito ang mundo ko. I think, nag time travel ako, pero kung totoo man 'to kailangan ko nang makabalik sa future. I need my Family, Friends, and Fans. Ayokong mawala yon sakin."

Nakita ko naman sa mukha ng servant na natulala ito sa mga sinabi ko.

"Hindi ka makapaniwala noh? Totoo ang mga sinasabi ko, promise."

"Tuluyan na po ba kayong nawalan ng bait, kamahalan?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ng servant na 'to. Mukha ba kong nababaliw? Akala ko sa mga kdrama lang 'to nangyayari. Pwede ba talagang mangyari 'to sa totoong buhay?

Tumayo naman ako at naglakad papunta sa pinto.

"Saan po kayo pupunta, kamahalan?" pahabol na tanong ng servant.

"Lalabas ako."

"Hintayin mo po ako, kamahalan!"

- - -

Mula sa paglabas ko ng kwarto ay walang tigil sa pagbati at pagyuko saakin ang mga nakakasalubong ko.

May natanaw akong isang babaeng malapit sa ilog na nakaputing kasuotan at mahaba ang buhok. Hindi ko pa man nakikita ang harapan niya ay parang pamilyar ang likuran nito.

Lumapit ang isang babae at tinawag siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino ang babaeng ito na parang nabuhayan ako ng pag-asa dahil hindi lang pala ako ang nag-iisang nag time travel sa panahong ito.

Napatakbo na lang ako palapit sa kaniya.

"Chichu! Chichu!" tawag ko kay Jisoo, yun kasi ang nickname na binigay ko sa kaniya.

"Kamahalan, hindi ka dapat tumatakbo ng ganiyan!" nag-aalalang sabi ng servant na nakasunod lang sakin.

"Anong ginagawa mo rito, kamahalan? Akala ko ba ay masama ang pakiramdam mo?"

"Chichu, nandito ka rin!" masigasig na sabi ko.

Tumingin ito sa paligid niya at bumalik ang tingin saakin na nakakunot ang noo.

"Ako ba ang tinutukoy mo?" tanong nito.

"Oo, Chichu ang nickname mo diba? Ako pa nga ang nagbigay sayo non tapos Jendueki ang binigay mo saking nickname."

"Hindi ko maintindihan, kamahalan. Anong n-nickname?"

Naalog ba ang utak nito? Hindi ba niya ko kilala?

"Ako 'to si Kim Jennie, at ikaw si Kim Jisoo."

"Ako si Binibining Kim Soo-Ya. Hindi ako sa Kim Jisoo na tinutukoy mo, kamahalan." seryosong sabi nito.

"Tayo na po, binibining Soo-Ya. Iwan na po muna natin ang kamahalan, baka epekto lang ng masamang karamdaman niya ngayon." sabi ng parang servant na lumapit kay Jisoo.

Tinanguan siya ni Jisoo, tinapunan lang ako ng tingin ni Jisoo bago siya maglakad palayo kasama ang servant niya.

"Dapat hindi niyo na lang po muna kinausap si Binibining Soo-Ya, marahil ay galit pa din po siya sa iyo, Kamahalan, dahil ikaw ang pinili ng Hari na maging kaniyang Reyna."

"Pinili?" tanong ko sa servant ko at tumango ito.

"Si Binibining Soo-Ya ang kalaguyo ng mahal na Hari."

"Kalaguyo?!" gulat na tanong ko.

"Kalaguyo?!" gulat na tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon