Joon-Hyung POV
"Tila masaya kayo ngayon, mahal na Hari." sabi ni Won-Sik.
"Dahil iyon sa kaniyang ngiti."
Hinding hindi ako magsasawang pagmasdan ang napakagandang ngiti ng Reyna kahit paulit ulit pa. Tanggap kong nagbago na ang Reyna, ngunit ang hindi ko matatanggap ay ang magbago ang nararamdaman niya sa akin.
Ayokong maglaho iyon, kaya ginagawa ko ang lahat upang maibalik ang pagmamahal niya sa akin.
Ang taong gusto kong makasama, ay ang mahal na Reyna. Kahit maging sino man siya ay siya pa din ang pipiliin ko, maging sa nakaraan man, maging sa hinaharap, at maging sa kasalukuyan.
"Minahal mo na nga talaga ng lubos ang Reyna."
"Kahit noon pa, Won-Sik. Noon ko pa siya minahal. Simula noong una ko siyang makita, ay alam kong siya na ang taong pakakasalan ko."
*Flashback*
"Hay nako, nandito ka lang pala, kamahalan." sabi ni Won-Sik nang matagpuan ako.
"Sino bang tinatanaw mo?"
"Si Binibining Jen-Deuk. Paalis na siya." tugon ko.
"Tumigil kana sa pagtingin sa kaniya, kamahalan. Halika na't may pagsasanay ka pa."
"Alam mo, mahal ko na siya."
"Masyado ka pang bata, kamahalan, para maintindihan ang tunay na pag-ibig. Ang palasyo ang kailangan mo munang pagtuonan ng pansin."
Wala nakong nagawa kundi sumama kay Won-Sik. Sana ay bumalik siya, hihintayin ko ang pagbabalik ng binibini.
*End of the Flashback*
Subalit iba ang bumalik.
Noon pa man, si Jen-Deuk na ang una kong minahal bago pa man dumating dito sa palasyo si Soo-Ya. Si Jen-Deuk na ang una kong nakilala, ang unang nakabihag ng puso ko, ang unang babaeng nakakuha ng atensyon ko.
"Mahal na Hari!" dumako ang tingin ko kay Hwa-Jin na dumating.
"Ano ang iyong kailangan?" tanong ko rito.
"May kumakalat na usap-usapan tungkol sa inyo ng mahal na Reyna."
"Anong klaseng usap-usapan?"
Jennie POV
"Ano?!" gulat na tanong ko sa ibinalita sa akin ni Hye-Na.
"Hindi ko po alam kung sino ang nagpasimula ng usap-usapan na iyon, kamahalan."
Pero mukhang may pinaghihinalaan nako kung sino ang nagpasimuno.
"Isa lang ang taong alam kong may galit sa akin."
Agad na nagpunta kami ni Hye-Na kay Jisoo. Gusto kong malaman kung siya na talaga ang nagpakalat ng tsismis na yon.
"Wala rito ang Hari." sabi nito nang makita ako.
"Hindi naman ang Hari ang sadya ko rito. Kundi ikaw, Soo-Ya."
Pinagtaasan naman niya ako ng kilay. Hindi ako nagpatalo kaya pinagtaasan ko din siya ng kilay.
"Sayo ba nanggaling ang usap-usapan tungkol sa amin ng Hari?"
"Pinagbibintangan mo ba ako, kamahalan?"
Base naman sa reaksyon niya, parang hindi naman siya yon. Imposibleng gawin niya yon pero siya lang kasi ang kilala kong may galit sa akin.
"Baka nakakalimutan mo, kamahalan, maraming may galit sa inyo. Hindi ka din dapat nangbibintang kung wala ka namang sapat na ebidensya." sabi ni Jisoo.
"Kung wala ka nang sasabihin pa, aalis nako dahil may pupuntahan pa ko."
Pinanood ko lamang itong naglakad palayo habang kasama ang servant niya.
Sino kaya ang nagpakalat ng tsismis na yon?
"Kumikilos na po ang mga may galit sa inyo, kamahalan. Sa tingin ko po ay kailangan niyong ipakita sa kanila kung sino ang kinakalaban nila. Huwag po kayong magpatalo sa sabi-sabi nila." pagpapalakas ni Hye-Na ng loob ko.
Nginitian ko ito at tumango.
Hindi ako basta basta napapatumba ng kahit sino.
- - -
Habang naglalakad kami ni Hye-Na sa siyudad ay may mga naririnig akong usap-usapan ng mga tao.
"Totoo kayang hindi sila nagtalik?"
"Kaya pala wala pa silang anak ng Hari."
"Siguro ay may ibang natitipuhan ang Reyna."
Naiinis na talaga ako sa tsismis na yan.
May nakita naman akong mga nakapaskil sa pader na mga papel.
" Ang Hari at Reyna ay hindi pa nagtalik simula nung ikinasal sila kaya hindi pa sila nagkakaroon ng anak. "
" Hindi tunay na mahal ng Reyna ang Hari. Nais lamang nito ng kapangyarihan upang maapi ang mga mababang uri ng mamamayan. "
" Ang Reyna ay masama. "
" Ang Reyna ay isang Demonyo, inaapi nito si Binibining Soo-Ya habang sila ay nasa palasyo. "
Sinasagad na talaga nila ako!
"Ano na pong gagawin natin, kamahalan? Mukhang dumarami na ang mga maling balita tungkol sa inyo." sabi ni Hye-Na nang may pag-aalala.
May napansin akong isang tindahan ng pabango, lumapit ako naman ako rito.
"Ano kayang magandang pabango ang pwede kong iregalo sa MAHAL KONG HARI?" sinadya kong sabihin iyon ng may diin at may kalakasan upang marinig ng mga tao sa paligid namin.
"Ito po, mahal na Reyna. Ito po ang pinakamabango na ibinebenta namin. Maaari niyo po itong iregalo sa mahal na Hari." sabi ng tindera.
Tinesting ko naman kung mabango ba ang amoy. Ngayon lang ako naka-amoy ng ganitong pabango. Sobrang bango talaga ng amoy at hindi siya masakit sa ilong.
"Hye-Na!"
Agad na tumingin naman sakin si Hye-Na.
"Ano po yun, kamahalan?" tanong niya.
"Pumili ka ng isa para sa iyo."
"P-Para po sakin?"
"Yup, ako na ang magbabayad. Deserve mong mabigyan ng gift."
"Hindi ko po kayo masyadong maintindihan, kamahalan, ngunit maraming salamat po. Napakabait niyo po talaga."
Nginitian ko naman siya at napansin ko ang mga tao sa paligid namin na nakatingin sa gawi namin.
Ngayon kayo mag-sabi ng kung ano. Tss... Kayo nga hindi ko hinusgahan pero hinusgahan niyo naman ako agad.
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved