Jennie POV
"Kamusta ang Hari?" tanong ko kay Hye-Na.
"Hindi pa po siya bumabalik simula nung araw na dinalaw niya kayo sa inyong tahanan, kamahalan."
"Hindi pa siya bumabalik?"
Ngunit saan naman nagpunta ang Hari?
"Alam mo ba kung saan nagpunta ang Hari?"
"Ang narinig ko ay, nakipag alyansa po ang Hari, pero hindi pa po siya bumabalik."
"Sino ang kasama ng Hari?"
"Ilang mga kawal po at si Ginoong Hwa-Jin."
S-Si Hwa-Jin? Baka kung ano nang ginawa ng Park Hwa-Jin na yon sa Hari kaya hindi pa sila nakakabalik.
Nabaling ang atensyon namin nang may narinig kaming malakas na tunog ng bell.
"Baka po dumating na ang Hari. Babalik po ako sa inyo, kamahalan. Babalitaan ko po kayo, asahan niyo po." sabi ni Hye-Na at tumango naman ako.
- - -
Hindi ko alam kung ilang oras nakong paikot ikot dahil sa hindi ako mapakali. Ang tagal dumating ni Hye-Na. Ano na kayang nangyari? Dumating na kaya ang Hari? Dumating na kaya si V? Kung dumating na siya ay sigurado namang pupuntahan niya ako kaagad kapag nalaman niyang nakakulong si Jen-Deuk.
May narinig akong yapak ng mga paa na tila papunta rito sa direksyon ko kaya agad na nag-abang ako sa may pintuan ng kulungan.
Akala ko ay si V na pero ang Heneral lang pala. Mag-isa itong pumunta ngunit dala nito sa mukha ang isang malungkot na emosyon na tila namatayan.
"Kamahalan..."
"Nasan ang Hari?" tanong ko.
Yumuko siya at umiling iling.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
Iniangat nito ang ulo niya at tumingin sa akin.
"Huwag ka sanang mabibigla sa ibabalita ko sa iyo tungkol sa Hari, Kamahalan."
Dahil sa sinabi nito at sa kaniyang malungkot na tono ay lalo akong kinabahan. May nangyari kayang masama sa Hari?
"Ang mahal na Hari, ay namatay."
"Ano?! P-Paano? H-Hindi maaari! Hindi siya patay! Hindi totoo ang sinabi mo! Buhay siya! Buhay si V! Buhay ang aking Hari!!" halos magwala nako sa loob ng kulungan habang humahagulgol.
Hindi totoo 'to! Buhay siya! Hindi siya pwedeng mamatay!
"Patawad, mahal na Reyna. Pinagtaksilan siya ng mga kaalyansa niya. May isang kawal ang nakaligtas at nakabalik sa palasyo upang ibalita sa amin ang nangyari. Nagpunta kami sa lugar kung saan nakipag alyansa ang Hari ngunit bigo kaming mahanap ang mga katawan nila, ang nakita lamang namin ay mga dugo at ang espada ng Hari."
Ipinakita pa nito sa akin ang espada ng Hari.
"Siguro ay itinapon nila sa malapit na ilog doon at inagos na ito."
"S-Si Hwa-Jin?"
"Namatay din siya, Kamahalan."
"Hindi ako maniniwalang patay na ang Hari."
"Ngunit nakita namin ang espada ng Hari sa lugar ayon sa ibinalita ng kawal."
"Espada lang 'to! Hindi ako maniniwalang patay na ang Hari hangga't hindi ko nakikita ang katawan niya!"
"Sa tingin ko ay hindi mo na rin makikita at balewala na rin naman kung malaman mong hindi totoo o totoo man."
Nakita ko sa emosyon nito ang pagbabago.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ko.
"Bukas na bukas ay bibitayin kana dahil sa iyong pagtataksil. Hindi lamang sa Hari kundi sa buong kaharian." pagkasabi nito ay nginisian niya ako.
"Sa wakas ay mawawala na rin ang mga balakit sa aking plano."
Anong ibig niyang sabihin? Hindi ba si Hwa-Jin ang tunay na kalaban? S-Si Heneral Ji-Won ba? Ang ninong ni Jen-Deuk?
"Total ay ito na rin naman ang huling gabi mo sa panahong ito ay hayaan mong sabihin ko sa iyo ang tunay na pagkatao ko, aking inaanak."
Hindi nako nagsalita pero kinakabahan ako sa susunod na sasabihin nito.
"Katulad mo din ako, Kim-Jennie."
"P-Paano mo n-nalaman ang p-pangalan ko?" uutal utal na tanong ko dahil sa kaba at gulat na nararamdaman ko.
Saka anong ibig niyang sabihing katulad ko din daw siya?
"Dahil katulad mo kong nagmula sa hinaharap."
"Kung ganon kilala mo nako, simula nung una pa lang?" tanong ko at tumango ito.
"Simula nung nagkita tayo at tiningnan mo lang ako ay doon nako nagduda. Simula non ay sinusundan na kita, lagi kong naririnig na ipinapakilala mo ang sarili mo bilang Kim Jennie at hindi bilang Jen-Deuk. Doon ko nalaman na naglakbay ang isang sikat na si Kim Jennie sa dati niyang buhay."
"D-Dating buhay?" Dati ko ba itong buhay? Ito ba ang nakaraan ko?
"Ito ang dati mong buhay, ang iyong nakaraan."
Nagitla ako sa sinabi nito. Totoo ba 'to? Ibig sabihin ay, noon pa man ay magkakilala na kami nila Jisoo at V? Sa dati kong buhay? Ibig sabihin na-reincarnate kami sa hinaharap?
"Ang nakilala mong sina Soo-Ya at Joon-Hyung, ito ang nakaraang buhay nila Jisoo at Taehyung. Subalit ikaw lang ang nag-iisang nakabalik sa panahong 'to dahil namatay si Jen-Deuk."
Parang unti-unti nang lumilinaw sa akin ang lahat.
"Nandirito ako upang baguhin ang tadhana ko, ngunit nagbago na ang plano ko. Nandirito ako upang baguhin ang mga tadhana niyo. Ang taong pumatay sa iyo ay walang iba kundi ako. At kapag namatay ka sa panahong ito ay magbabago na ang hinaharap, tuluyan ka nang mamamatay sa panahong ito kaya lahat ng nakilala mo sa hinaharap ay hindi kana nila maaalala na parang hindi ka nila nakilala. Ngunit ito ang hindi mo naisip, nagbabago ang hinaharap habang binabago mo ang nakaraan."
Totoo kaya ang mga sinabi niya?
Kaya pala... Nawalan ng pulso si Jen-Deuk nung panandalian akong nakabalik. Nawala si Jisoo sa hinaharap dahil ba sakin? Hindi ko namalayang binabago ko na pala ang nakaraan.
Minahal ko na pala talaga si V noon pa man, kaya pala sa tuwing nakikita ko siya ay parang may kakaiba sa kaniya.
Kaya pala hindi ko magawang magkagusto sa iba dahil hindi ko pa kayang palayain ang sarili ko sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved