Part 2

83 1 0
                                    

Jennie POV

"Kalaguyo?! Sa daming pwedeng maging role niya sa panahong 'to, bakit ang maging kabit pa?"

Hay, kawawang Chichu.

"Teka? Kung Kim Soo-Ya ang pangalan niya rito, ano naman ang pangalan ko dito?" tanong ko sa servant.

"Hindi niyo po ba talaga alam, kamahalan?"

"Pano ko malalaman kung hindi mo sinasabi?"

"Sarili niyo po iyan, kamahalan. Paanong hindi niyo po alam ang sarili niyong pangalan?"

"Alam ko ang pangalan ko, kilala ko kung sino ako. Ako si Kim Jennie."

"Pasensiya na talaga, kamahalan, pero hindi ko po kilala kung sino ang Kim Jennie na tinutukoy mo pero alam ko pong hindi ikaw yun, kamahalan."

"Kung ganon, sino ba talaga ako?"

"Ikaw po si Kim Jen-Deuk, ang Reyna at asawa ng Hari. Ang taong tinuring akong kaibigan kahit isa lang akong mababang uri ng mamamayan. Ang mabait na Reyna pero marami pong may galit sa inyo, katulad na lang ng pinsan niyo pong si Binibining Soo-Ya dahil minahal niya din ang Hari katulad ng pagmamahal mo sa kaniya, kamahalan."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon pagkatapos marinig ang sinagot niya.

"At ako si Lee Hye-Na, ang tapat ninyong alipin, kamahalan."

Nabaling ang tingin ko sa lalaking nasa likuran ni Hye-Na. Tinanaw ko ang itsura nito mula sa malayo. Hindi ako pwedeng magkamali, ang lalaking ito ay talaga namang kilala ko.

Napatakbo na naman ako papunta sa lalaking ito.

"V!" napalingon ito nang makalapit nako.

"Nandito ka mahal na Reyna?" takang tanong ng parang butler yata ni V.

"Ano ang tinawag mo sakin?" tanong ni V.

Lumaki ang ngiti ko dahil sa tanong niya at sa kung paano siya nag react sa tinawag ko sa kaniya.

"V? Ikaw ba talaga yan? Alam mo nandito din si Jisoo, hindi ako makapaniwalang nandito ka din. Kilala mo naman siguro ako diba?"

Nagkatingin pa sila ng Butler niya bago ibinalik ang tingin sa akin.

"O-Oo, kilala nga kita."

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Bakit ikaw kilala mo ko pero si Jisoo hindi? Posible kayang nawalan siya ng alaala? O baka nabagok ang ulo niya nung nag time travel siya? Pero bakit mukhang ayos pa naman ang pag-iisip ko? Ikaw din ba?"

"A-Ako?"

"Maayos pa naman siguro ang ulo mo?"

"M-Maayos naman."

"Paano kaya tayo makakabalik sa future? Hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta rito. May ideya ka ba?"

"W-Wala rin akong ideya."

"Ganito na lang 'to? Mananatili na lang tayo rito? Ayoko kayang maging asawa ng hari."

Narinig ko naman na tumikhim si Hye-Na, "Ehem!"

"Bakit? May nakabara ba sa lalamunan mo?"

Tumingin ito sakin at ngumiti ng mapait. Inilingan ako nito at sunod na tumingin kay V sabay balik ng tingin sa akin na nakakunot ang noo habang umiiling.

Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan.

"May gusto ka bang sabihin, Hye-Na?"

Lumapit ito ng konti at saka may ibinulong.

"Ang kausap mo po ay ang mahal na hari, kamahalan."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nito sakin. Napatingin ako kay V na ngayon ay nakangisi sa akin.

Hinila ko si Hye-Na palayo sa kanila, sabay tapik-tapik ng mahina sa'king bibig. Nakakahiya dahil kung ano ano ang nasabi ko sa kaniya, iniiwasan ko pa nga kanina ang Hari at nasabi ko rin na ayaw kong maging asawa ng Hari tapos malalaman kong siya pala ang Hari.

 Nakakahiya dahil kung ano ano ang nasabi ko sa kaniya, iniiwasan ko pa nga kanina ang Hari at nasabi ko rin na ayaw kong maging asawa ng Hari tapos malalaman kong siya pala ang Hari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon