Part 11

31 0 0
                                    

Jennie POV

Nagising akong nandito na sa kwarto ko. Panaginip lang ba yung nangyari kagabi?

Hinawakan ko ang labi ko at ang weird dahil bakit nakangiti ako? Totoo ba talagang nangyari yun kagabi?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto, pumasok naman si Hye-Na na nakangiti at agaran na lumapit sa akin.

"Bakit nakangiti ka dyan?" tanong ko sa kaniya.

"Nais po ng mahal na Hari na sabay kayong kumain ng almusal."

Nagtaka naman ako kung bakit.

"Hayaan mo na kong mag-ayos ng sarili ko, paki-hintay na lang ako sa labas." utos ko kay Hye-Na.

"Masusunod, mahal na Reyna."

Lumabas na ito at sinara ang pintuan.

Ano kayang meron? Bakit niyayaya niya kong sumabay kumain? Teka? Bakit ako nakangiti? Kakain lang naman kami ng almusal.

Jisoo POV

"Anong sinabi mo?" mahinahong tanong ko kay Chae-Hyun nang may binalita ito sa akin na ikinasira ng umaga ko.

"Niyaya po ng Hari ang Reyna na mag-almusal."

Kahit nakakaramdam ako ng galit ay pinipigilan ko ang sarili kong ilabas ito.

Agad na lumabas ako ng aking silid, nagmadali akong nagpunta sa lugar kung saan sabay kakain ang mahal na Hari at ang Reyna.

Gusto ko sanang mauna ngunit mukhang nahuli nako. Gusto ko sanang sirain ang plano ng Hari ngunit natuloy ito. Nakita kong masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain.

Kahit ano pa ang gawin ko, nananatili pa din akong anino ng Hari. Kahit anong pagsunod ko, may sinusundan din siyang iba.

Mahal na Hari... Kung nandiyan sa iyong puso ang Reyna, nasaan ako? Nasaan ang lugar ko sa puso mo?

Lahat ng gusto kong maranasan kasama ka, nararanasan mo ngayon ngunit hindi ako ang iyong kasama.

Someone POV

Nakikita ko ngayong masayang magkasama ang Hari at Reyna habang tinatanaw sila sa hindi kalayuan.

*Flashback*

"Ibigay mo ito sa Reyna." iniabot ko ang isang kahon sa isang tagapaglingkod.

"Masusunod, Pinuno."

Totoo ngang nabuhay ang Reyna. Nung una pa lang kitang makita, alam kong may nagbago na sa iyo. Ikaw ang gagamitin ko upang mapasaakin ang trono at ang kahariang ito.

Maligayang pagdating sa iyong nakaraang buhay, Kim Jennie.

Maligayang pagdating sa iyong nakaraang buhay, Kim Jennie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon