Jennie POV
"Dapat hindi niyo po sinabi yun, kamahalan."
"Malay ko bang siya pala ang Hari."
"Matagal niyo na pong kilala ang Hari, hindi niyo na din po ba maalala ang mukha ng Hari?"
"Ewan ko, pero isa lang ang gusto ko, ang makaalis na sa panahong 'to."
"Iiwan niyo na po ba ako, kamahalan?"
"Hindi ako ang Kim Jen-Deuk na nakilala mo, hindi ako isang Reyna sa panahon ko at malinaw na wala ka sa alaala ko. Hindi ako siya, Hye-Na."
"K-Kamahalan... Ano po bang pinagsasabi niyo? Masyado niyo po akong pinag-aalala. Magpahinga na po kaya muna kayo?"
"Magpahinga?" ang natatandaan ko bago ako makapunta rito ay pagod na pagod ako nung araw na yun at nakatulog ako then boom! Eto na, nandito nako.
"Tama ka, parang pakiramdam ko pagod na pagod nako sa mga nangyayari sakin ngayon. Mabuti pa nga magpahinga nako."
Nagmadali nako pabalik sa kwarto ko.
"Hintayin niyo naman po ako, kamahalan!"
- - -
"Hindi ako makatulog."
"Paano ka naman po makakatulog, kamahalan, kung kagigising mo lang po kanina." sabi ni Hye-Na na nakaupo sa tabi ko.
Bumangon naman ako at sinamahan siya sa pag upo.
Aalis na din naman ako kaya mas mabuti pang magpakasaya muna ako sa buhay ko ngayon. Baka parte lang 'to ng panaginip ko.
"Tara, may pupuntahan tayo."
"Saan naman po?"
"Kung nasan si Chichu este si Binibining Soo-Ya."
"Baka po nagbuburda siya ngayon."
"Pano mo nalaman?"
"Madali lang pong kilalanin si Binibining Soo-Ya. Alam ko na agad ang mga hilig niyang lugar. Subalit kayo po ay napaka hirap basahin ng inyong isipan, kamahalan. Paiba-iba po kayo ng desisyon at wala kayong pakealam sa kung ano man ang masabi ninyo."
"Ganun ba talaga si Jen-Deuk?" tanong ko at tumango naman ito.
"Pero mahusay naman po kayo sa lahat ng bagay."
"Tara na nga, puntahan na natin si Soo-Ya."
- - -
"Bakit ka nandito?" tanong ni Jisoo na natigil sa pagbuburda.
"Gusto ko rin kasing magburda."
Hindi na ito nagsalita pa at bumalik na lang sa pagbuburda. Umupo ako sa tabi nito at nagsimula nang magburda. Buti na lang ay may kaalaman ako rito.
"Matagal na din..." napatingin ako kay Jisoo nang bigla itong nagsalita habang nagbuburda.
"... Nung huli tayong nagsabay sa pagburda." dugtong nito.
"Chichu-- S-Soo-Ya pala. Pwede bang magbati na tayo? Alam mo kasi, hindi ko talaga gusto ang Hari. Hindi ko siya mahal. Wala akong nararamdaman sa kaniya, lalo na ngayon na nalaman ko kung sino ang Hari. Kung gusto mo siya edi sayo na siya basta hindi ko siya gusto. Ayoko sa kaniya. Kaya pwede na ba tayong magbati?" pakikiusap ko sa kaniya.
Naging seryoso ang mukha nito at inilipag niya ang binuburda niya.
"Kaya ka ba nagpunta rito para sabihin yan? Pasensya na, kamahalan, pero hindi ako naniniwala sa iyo." ani ni Jisoo na may seryosong titig.
"Bakit ba ayaw mo na lang maniwala?"
"Dahil pagod nakong maniwala sayo!"
Para akong yelong nanigas sa binitawan nitong linya sa akin.
"Ayoko nang maniwala sayo, Jen-Deuk. Kung hindi mo mahal ang Hari, bakit ka nagpakasal?"
Isang tanong na hindi ko kayang sagutin dahil hindi ko alam kung bakit nagpakasal si Jen-Deuk sa Hari, imbis na ipaubaya sa pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved