Part 15

22 0 0
                                    

Jennie POV

"Aking Reyna! Aking Reyna!" nakita kong pumasok si V na nagmamadaling lumapit sa akin.

"Tumakbo ka ba? Bakit pawis na pawis ka?" tanong ko sa kaniya dahil halos naligo na siya sa pawis.

"Aking Reyna, ayos ka lang ba?"

"Narinig mo ba ko? Tinatanong kita pero tinanong mo rin ako."

Ngumiti naman ito sa akin.

"Sa tingin ko ay maayos ka naman."

Bakit ako pa din ang inaalala niya? Halos hinahabol na nga niya ang sariling hininga. Mukhang pagod na pagod siya at hingal na hingal.

"Masyado mo akong pinag-alala, aking Reyna." hinamplos haplos nito ang buhok ko ng malumanay.

Nailang naman ako dahil halos silang lahat ay nakatingin sa amin. Dumating na kasi ang mga kasama ng Hari, pero natigilan ako ng mapansin ang isang pamilyar na mukha ng lalaking naka poker face habang nakatingin sa akin. Nakasuot ng marangyang kasuotan, parang katulad ng kasuotan na nakita ko kanina bago ako mahimatay.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkatingin sa isa't isa habang inaalala ko kung sino siya? Nakita ko siya sa alaala ni Jen-Deuk pero walang pangalang sinabi kung sino siya.

"Mahal na Hari, tayo na po! May kailangan pa tayong puntahan." sabi nito sa Hari.

Tumango si V sa kaniya at nagpaalam na sa akin.

Nahuling lumabas ang lalaking iyon. Namalayan ko na lang na hinahabol ko ang lalaking yon.

"Sandali!" pagpigil ko sa kaniya. Tumigil ito at lumingon.

"Sino ka?"

Nakapoker face lang ang mukha nito pero may kakaiba sa mga tingin nito.

May naalala naman akong nagpanginig ng buong kalamanan ko.

Nung gabing iyon, bago ako nakapunta sa katawan ni Jen-Deuk. May nangyari sa kaniya... P-Pinatay siya. Tinabunan siya ng unan na mukha. Posible kayang, siya ang taong yon?

"Tinatanong kita! Sagutin mo ko! Sino ka ba?! Ikaw ba ang taong pumatay kay Jen-Deuk!?"

Pero tinalikuran lang ako nito.

Nag-aalala ako para sa sarili ko  dahil kung talagang pinatay si Jen-Deuk, maaring maulit iyon pero sa akin naman mangyayari. May taong gustong pumatay kay Jen-Deuk pero nabuhay siya, posibleng nagmamasid lang siya habang nag-aantay ng tamang pagkakataon.

Kailangan ko pa ding mag-ingat dahil hindi ako ligtas sa panahon na 'to.

Paglingon ko ay nagitla ako sa pagsulpot ni Hye-Na sa likuran ko.

"Kamahalan." tawag ni Hye-Na sa akin.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong niya.

Pero may alaala rin akong nakita na mula kay Hye-Na at Jen-Deuk.

“ Patawarin niyo po ako, Kamahalan... ”

Bakit siya humihingi ng tawad? Ano ang nagawa niya?

Sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan ngayon?

- - -

Bumalik kami ni Hye-Na sa kwarto ko, nakatulalang iniisip ko ang mga alaala ni Jen-Deuk. Kainis! Kung may gusto kang ipakita sa akin na alaala, bakit hindi mo na lang ipakita ng buo?! Nagkakaroon na tuloy ako ng trust issue sa mga taong nakapaligid sa akin.

"Kamahalan, uminom po kayo ng tsaa."

"Salamat." tinanggap ko ang inalok na tsaa sa akin ni Hye-Na.

Nang tingnan ko ang tsaa ay may nakita na naman akong alaala.

“ Uminom muna kayo ng tsaa, kamahalan. ”

Nakita ko sa alaalang ito si Soo-Ya na iniaalok sa akin ang tsaa na mula sa kaniya.

Pero ilang sandali ay biglang may kakaibang naramdaman ang Reyna. Bumula ang bibig nito na parang nalason. At dun na natapos ang alaalang iyon.

Ibig bang sabihin ay sinubukan na kong lasunin noon ni Soo-Ya?

Naitapon ko ang tsaa na hawak ko dahil sa takot na malason muli. Bakit ba ko pinapahirapan ni Jen-Deuk? Bakit hindi na lang niya ipakita sa akin ang buong alaala niya? At kung sino ba ang mga taong hindi ko dapat pagkatiwalaan?

 Bakit ba ko pinapahirapan ni Jen-Deuk? Bakit hindi na lang niya ipakita sa akin ang buong alaala niya? At kung sino ba ang mga taong hindi ko dapat pagkatiwalaan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon