Part 9

38 0 0
                                    

Soo-Ya POV

“ Kailangan kitang iligtas para sabay tayong bumalik sa hinaharap. ”

Ano kayang ibig niyang sabihin?

"May bumabagabag po ba sainyo, Binibining Soo-Ya?" tanong sa akin ni Chae-Hyun.

"Chae-Hyun..."

Humarap ako sa kaniya at inaantay naman nito ang sunod kong sasabihin.

"Naniniwala ka ba, sa hinaharap?"

"Tungkol na naman po ba ito sa sinabi ng Reyna? Huwag niyo na pong isipin iyon, paniguradong nababaliw na ang Reyna."

"Ngunit, simula nung kinausap niya ako sa ilog... May nagbago sa kaniya. Sa paraan ng pagsasalita at kilos niya, ay ibang iba sa dating siya."

"Siguro ay paraan niya lamang iyon para tayo'y linlangin, Binibining Soo-Ya. Alam niyo naman pong mapagpanggap ang Reyna, minsan niya na din kayong trinaydor."

"Ngunit hindi na niya ko magagawa pang pagtaksilan dahil may alam akong sikreto na pwede niyang ikasira lalong lalo na sa mahal na Hari."

"Bakit po hindi niyo na lang sabihin sa mahal na Hari?"

"Ayoko pa sa ngayon, magagamit ko iyon na alas upang mapasunod ang Reyna." upang siya na mismo ang lumayo sa mahal na Hari.

"Aalis na muna ako, nananabik akong makita ang Hari." sabi ko kay Chae-Hyun.

"Nakita ko pong niyakap kayo ng mahal na Hari at nakita ko rin pong nakatingin sa inyo ang Reyna, kitang kita sa mukha niya ang inggit."

Mahina akong natawa sa isinumbong sa akin ni Chae-Hyun. Basta't gagawin ko ang lahat upang mabawi ko kung ano man ang akin.

"Ayaw niyo po bang samahan ko kayo sa labas? Madilim na din po, Binibini."

"Ayos lang ako, Chae-Hyun. Wala ka dapat ipag-alala."

"Ngunit mag-iingat pa rin po kayo, Binibini."

Nginitian ko na lamang si Chae-Hyun bago ako lumabas ng aking tahanan.

Wala akong kahit ano mang nararamdaman na takot bagkus, kundi ang pananabik na makita at mahagkan ng mahal na Hari.

"Binibini."

Tingnan mo nga naman ang tadhana, siya na mismo ang gumagawa upang magtagpo kaming dalawa.

"Mahal na Hari."

"Bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras, aking Binibini."

Aking Binibini. Napakasarap marinig mula sa aking mahal na Hari.

"Upang makita ka, mahal kong Hari."

Sabay naming nginitian ang isa't isa.

"Ngunit, bakit ka nasa labas, mahal na Hari?" balik na tanong ko sa kaniya.

"Upang..."

"Upang?"

"Upang sana'y makita ang Reyna."

Naglaho ang ngiti sa aking labi.

Ang Reyna? Ang Reyna na naman. Wala na siyang ibang mukhang bibig kundi ang Reyna. Simula nang dumating si Jen-Deuk sa kaharian na ito ay nag-iba na ang nararamdaman ng Hari para sa akin.

Masyado akong nakampanteng hindi siya mahuhulog kay Jen-Deuk, hanggang sa unti unting parang nakikihati na lang ako sa pagmamahal ng Hari. Ang pagmamahal na sana ay sa akin niya iniaalay ng buo.

- - -

Jennie POV

"Kamahalan, bakit hindi pa po kayo natutulog?" tanong ni Hye-Na na nakaupo din sa kama ko.

"Hindi kasi ako makatulog dahil sa iniisip ko." sagot ko.

"May solusyon po ako para diyan." napalundag naman ako palapit kay Hye-Na.

"Ano namang solusyon?"

"Huwag niyo pong isipin upang makatulog kayo." sabi niya sabay ngiti.

Ngumiti ako ng mapait at lumayo ng konti kay Hye-Na. Akala ko naman solusyon na, dagdag problema lang pala.

Iniisip ko kasi si Jisoo. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko na nagbago na siya, pero bilib ako dahil naging mas matapang siya sa panahon na 'to.

Naiwan akong walang kasagutan sa mga sinabi niya kanina, lalo na sa sinabi niyang may alam siyang sikreto namin ni... Sino nga ulit yon?

Hwa-Jo? Hwa-Ju? Hwa-Ja? Nakalimutan ko na tuloy.

"Iniisip niyo po ba ang Hari?"

"Huh? Hindi ah!" mabilis kong tanggi.

"Mukhang hindi nga po." nakangising wika niya.

"Hindi talaga! Bakit ko naman iisipin ang mokong na yon?"

"M-Mokong?"

Tama! Lait-laitin ko kaya ang Hari? Para mawala na 'tong nararamdaman ko-- este ni Jen-Deuk! Wala naman akong nararamdam sa Hari. Ang pusong ito ay hindi sa akin, kundi kay Jen-Deuk kaya kahit tumibok 'to hindi dapat ako magpa-apekto.

"Aking Reyna? Maaari mo ba kong papasukin?"

"Bakit mo ba ginagaya ang boses niya?" inis na tanong ko kay Hye-Na.

"N-Ngunit kamahalan, hindi po ako iyon. Nasa labas po ang mahal na Hari."

"H-Huh? B-Bakit nandito siya? H-Huwag mong p-papasukin! Sabihin mo, wala, umalis, tulog!" tarantang sabi ko kay Hye-Na.

"H-Huh?"

Nahiga agad ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot.

Nahiga agad ako sa kama ko at nagtaklob ng kumot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon