Jennie POV
"Ano po bang nangyari sa inyo kagabi, kamahalan? Basang basa po kayo." tanong ni Hye-Na habang inaayusan ako ng buhok.
"Chismosa ka din noh?"
"Ano po, kamahalan? Ano pong ibig sabihin ng Chismosa?"
"Y-Yun ba? Ang ibig sabihin ng Chismosa ay... Maganda." sagot ko.
Nakita kong ngumiti si Hye-Na.
"N-Nagagandahan po kayo sakin, kamahalan?"
Kahit gusto kong matawa kasi naniwala siya sa ibig sabihin ng chismosa ay ngumiti na lang ako habang tumatango tango.
"Kamahalan..."
"Hmn?"
"Napaka-chismosa niyo po!" napatingin ako bigla kay Hye-Na nang masaya niya pang sinabi iyon sa akin.
Nangiwi ang mukha ko sa masayang reaksyon nito. Ayoko na ngang magsabi kay Hye-Na ng kung ano, baka mabalik pa sakin. Nahulog kasi kami kagabi ni V sa bangka kaya pareho kaming nabasa sa lawa.
Pagkatapos akong maayusan ni Hye-Na ay lumabas na kami ng bulwagan. Nakasalubong ko pa si Jisoo.
"Binibining Soo-Ya, kamusta?" masayang tanong ko sa seryosong mukha nito.
"Ayos lang naman." seryosong sagot niya.
"Ang ganda ng kasuotan mo ngayon." pagpuri ko sa kaniya.
"Nais sana kitang makausap, kamahalan."
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumalikod na ito at naglakad. Sumunod naman ako sa kaniya.
Huminto ito sa lugar na walang ibang tao kundi kaming dalawa lang.
"Ano bang pag--" magtatanong pa nga lang ako pero siya ang mas naunang nagtanong.
"Kamusta ang tubig sa lawa?"
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Bakit ba ang hilig mong magkaila?" tanong na naman nito.
"Teka? Ano bang sinasabi mo?"
"Sinabi mong hindi mo gusto ang hari ngunit kasama mo siya kagabi."
Pa'no niya nalaman?
"H-Hindi ko naman talaga siya gusto."
"Kung ganon, bakit mo siya hinalikan?"
Hinalikan? Hindi ko siya hinalikan, siya ang humalik.
"Si V ang humalik sa akin, hindi ko siya hinalikan."
"V?"
"Oo, siya ang mahal na Hari. Hindi mo ba natatandaan? Ikaw, ako at ang Hari, tayong tatlo naglakbay tayo sa panahong 'to. Hindi ko alam noong una kung bakit nandito ako, pero nung gumising ako at sina Lisa at Rose lang ang nakita ko sa future ay alam ko na ang purpose ng pagpunta ko rito. Kailangan kitang iligtas para sabay tayong bumalik sa hinaharap."
"K-Kamahalan... Tuluyan ka na bang nawalan ng bait?"
"Jisoo, hindi ako nababaliw. Malinaw sa akin ang lahat."
"Tigilan mo ko sa kahibangan mo, kamahalan."
"Pero Jisoo--"
"Ako si Soo-Ya, hindi ako ang tinutukoy mong Jisoo. Kung gumagawa ka lang ng kwento para malayo ako sa Hari ay hindi ako maniniwala sa iyo, kamahalan. Kahit ikaw pa ang Reyna, hindi ako magpapatinag sa kapangyarihan mo. Ako pa din ang kalaguyo ng Hari, may karapatan din ako. Kung hindi mo mahal ang hari, lubayan mo na siya." pagkasabi nito sa akin ay binunggo niya ako sa balikat ko.
Ibang-iba na siya sa Jisoo na nakilala ko.
"Hindi mo rin ako mapapalayo sa Hari. Kung susubukan mo kong kalabanin, huwag mo nang subukan, kamahalan, dahil alam ko ang sikreto niyo ni Hwa-Jin."
S-Sikreto? Anong ibig niyang sabihin? At sino ang tinutukoy niya?
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved