Jennie POV
"Jennie! Jennie! Gumising kana! May rehearsal pa tayo."
"Sandali lang--" napasingap ako ng gulat at napabangon bigla nang marinig ang boses ni Lisa.
"Lisa!!" tumitili pa ko habang sinisigaw ang pangalan ni Lisa.
"Bakit kaba sumisigaw?"
"Nakabalik nako!"
"Anong ibig mong sabihin? Ang weird mo ngayon ah." sabi ni Rose na kalalabas lang ng kusina.
"Asan si Jisoo?"
"Jisoo?" sabay nilang tanong.
"Oo, nasan siya?"
"Sinong Jisoo?" tanong nila na ikinakunot ng noo ko.
"H-Hindi niyo kilala si Jisoo?"
"Sino ba siya?" tanong ni Rose.
"Wala kaming kilalang Jisoo." sabi naman ni Lisa.
Napansin ko ang mga picture frame namin na nasa table at nakita kong tatlo lang kami sa mga picture na yun. Ni-isa sa mga picture frame, wala akong nakitang pigura ni Jisoo.
Ano ba talagang nangyayari? Posible kayang na-trap si Jisoo sa taong 1849?
"Tara na nga!" biglang hila sakin ni Lisa.
Naguguluhan pa din ako hanggang ngayon, anong nangyari kay Jisoo? Nasilaw naman ako sa mga ilaw na bumungad sa amin nang paglabas namin sa condo. Mga ilaw na galing sa camera ng mga reporters na nagkakagulong makuhaan kami ng litrato.
Halos hindi nako makadilat dahil sunod sunod ang kislap ng ilaw ng mga camera nila.
"Kamahalan!!"
Bigla akong napadilat sa boses na narinig ko. Nagising akong nakahiga at nandito pa din pala sa kwarto ni Jen-Deuk.
"Anong nangyari?" tanong ko habang hinihimas ang ulo ko dahil sobrang sakit nito.
Nangiwi ako sa taong biglang yumakap sakin.
"V?" agad na tinulak ko ito, "Este, mahal na Hari. B-Bakit mo ko niyakap?"
"Nag-aalala ang mahal na Hari sa inyo, mahal na Reyna." sabi ng butler ng Hari.
"Akala ko ay hindi kana magigising pa." sabi ni V na halata sa tono nitong nag-aalala siya.
"B-Bakit nandito kayong lahat? Sino naman 'tong mga 'to, Hye-Na? Tatlo lang ang kilala ko rito nung una ah? Si Jisoo, si Hye-Na, at si V. Sino naman kayo?"
"Ano bang sinasabi ninyo, kamahalan?" tanong nung matandang lalaking nakaputing kasuotan na parang doktor.
"Hayaan na muna natin ang Reyna na magpahinga." sabi ni V, "Iwan niyo na muna kami, may gusto lang akong sabihin sa aking Reyna." utos naman niya na sinunod nila.
Lumabas na silang lahat at tanging kami na lang ni V ang naiwan sa kwarto.
Nailang naman ako sa ginawa ni V na biglaang paghawak sa ulo ko. Hinaplos-haplos niya ito habang nakatitig sakin na halatang may pag-aalala sa mga tingin nito.
"Akala ko ay iiwan mo nako aking Reyna. Huwag mo na ulit akong pag-aalalahanin ng ganon."
Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.
"Pakiramdaman mo ang puso ko, dito mo malalaman kung gaano ako kinabahan."
Binawi ko naman ang kamay ko dahil sa sobrang pagka-ilang.
"Ang oa niyo naman, natutulog lang naman ako."
"Anong natutulog? Halos wala ka na ngang pulso kanina. Kaya isang himala na nagising ka at nabuhay muli."
Anong pinagsasabi nito? Posible kayang namatay si Jen-Deuk nung nakabalik ako? Paano pala kung tuluyan nakong nakabalik? Mamamatay kaya si Jen-Deuk?
"Papasukin niyo ko!" sigaw na narinig namin sa labas ng kwarto. Sabay kaming napatingin ni V sa pintuan.
"Si Jisoo ba yun?" nabalik naman ang tingin sa akin ni V, "I-Ibig kong sabihin, si B-Binibining Soo-Ya."
"Lalabas na muna ako, aking Reyna. Magpahinga kana lang muna rito."
Hinaplos nito ang buhok ko bago siya lumabas.
Inalala ko naman ang nangyari kanina sakin. Bakit kaya nawala sa future si Jisoo? Masyadong, weird yon. Baka ang purpose ng pagpunta ko rito ay para iligtas si Jisoo? Kaya ba nakabalik ulit ako rito?
"Asan naba si Hye-Na?" tanong ko sa sarili ko.
Nakakabagot dito, wala naman akong sakit.
Sinubukan kong tumayo at medyo nahilo pa ko nung pagtayo ko. Binalanse ko ang pagtayo ko at huminga ng malalim. Naglakad ako papunta sa pinto, pagbukas ko nito ay wala nang ibang tao sa paligid maliban sa anim na servants na nakabantay sa labas ng kwarto ko.
Tinapunan lang ako ng tingin nung dalawang servants nang lumabas ako ng kwarto, habang yung apat na servants ay sinundan ako. Naglakad ako sa pasilyo at hinahanap si Hye-Na pero nabigo akong mahanap siya. Lumabas na lang ako para makalanghap ng sariwang hangin.
Pero mukhang nag iba ang ihip ng hangin nang may matanaw akong dalawang taong nag-uusap. Sina Jisoo at V. Bukod sa aming dalawa ni V, shiniship din ng mga fans sina Jisoo at V sa future. Sure naman akong mas bagay sila.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil umiwas lang ako ng tingin pero paglingon ko magkayakap na sila. Baka sila talaga ang end game dito, pero ang gulo din nito ni Jen-Deuk. Bakit kaya nagpakasal pa siya sa Haring yan?
"Kamahalan!" napalingon ako sa taong tumawag sakin.
Yung Heneral lang pala.
"Ninong! Kamusta?"
Ok lang naman siguro yung acting ko. Kailangan kong makisama muna sa kanila ngayon para iligtas si Jisoo at sabay kaming bumalik sa future.
"Ayos lang naman ako, kamahalan." nakangiting sabi nito.
Nabaling ang tingin niya dun sa dalawang langgam na nagyayakapan, este sina V at Jisoo. Kanina pa yan magkayakap, hindi ba sila aware na may single dito.
"Mukhang nagmamahalan talaga ang dalawang iyan." sabi ng Heneral.
"Oo nga po eh."
"Hindi ka ba naiinggit?"
"Naiinggit?"
"Magkayakap ang Kalaguyo at ang Hari. Nakakahanga ang iyong pagiging mahinahon. Maswerte ang Hari dahil mayroon siyang Reyna na hindi mapagdamot. Maski ang Hari ay nagagawa mong ipaubaya... Nakakapanibago... "
Napatingin naman ito sa akin at biglang nagseryoso ang kaninang nakangiti niyang mukha.
"Sino kaba talaga?"
Napalitan ng pag-aalala at takot ang emosyon ng mukha ko nang tanungin niya ako nito ng seryoso.
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved