Jennie POV
Mag-isa akong nagpunta sa bulwagan ng Heneral upang makausap siya. Gusto kong tapusin na ang mga bumabagabag sa akin.
"Ano ang iyong kailangan, kamahalan?" tanong ni Heneral Ji-Won.
"Ninong, may itatanong po sana ako. Sana po sagutin niyo ako ng totoo." tugon ko, "Ninong... Ano po ba talagang nangyari sa aking Ama?"
Nakita kong nabigla siya sa hindi inaasahang tanong ko.
"Bakit mo naman naitanong?"
"Ano po ba talaga ang totoo, Ninong? Namatay na talaga si Ama sa digmaan?"
"Ang iyong Ama..."
Yumuko ito habang ako ay inaantay ang susunod na sasabihin niya.
"Hindi totoong namatay siya dahil sa digmaan."
I-Ibig sabihin...
"Pinapatay siya ng Hari."
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ng Hari? Nagawa nga ba talaga niya iyon?
"Ang digmaan na napuntahan namin ay hindi totoo. Gawa-gawa lamang iyon ng Hari upang mapatay ang iyong Ama at ipalabas sa taong bayan na namatay ito sa digmaan. Binayaran kami ng Hari upang hindi magsalita, ngunit bilang iyong inaama ay ayoko nang itago pa sa iyo ito."
K-Kaya ba talagang gawin iyon ng Hari?
"Patawarin mo ako kung hindi ko man lang nailigtas ang iyong Ama!" nakita ko kung paano siya humagulgol ng iyak sa aking harapan.
Hindi siya hahagulgol ng ganiyan kung hindi totoo, tama bang maniwala ako?
Tama bang pagdudahan ko na rin ang Hari?
"Alam kong mahal mo ang Hari, ang kanang kamay niyang si Hwa-Jin ang isa pa sa mga nakakaalam ng totoo tungkol sa sinapit ng iyong Ama."
Hwa-Jin?
Naalala ko naman ang sinabi sa akin noon ni Jisoo.
“ Kung susubukan mo kong kalabanin, huwag mo nang subukan, kamahalan, dahil alam ko ang sikreto niyo ni Hwa-Jin. ”
Bumalik ako sa tahanan ko at nagpasama kay Hye-Na patungo sa bulwagan ng kanang kamay ng Hari.
"Nariyan ba si Hwa-Jin?" tanong ko sa mga servants na nasa labas ng kwarto ni Hwa-Jin.
"Wala po, mahal na Reyna. Magkasama po sila ng Hari." sagot naman ng isa sa kanila.
"Bakit niyo po ba siya hinahanap, kamahalan?" tanong naman ni Hye-Na.
"Gusto ko lang siyang makita, at may itatanong na rin sana ako."
"Ngunit nagkita na po kayo kanina."
"Nagkita na kami?" tanong ko at tumango naman si Hye-Na.
"Isa po siya sa mga kasama ng Hari nang puntahan po kayo ng mahal na Hari. Siya pa nga po ang nagsabi na kailangan na nilang umalis dahil may kailangan pa silang puntahan ng Hari."
Kung ganon, yung taong iyon na may pamilyar na mukha... Siya si Hwa-Jin?
Naguguluhan nako sa mga nangyayari. Kung may koneksyon sila sa isa't isa, bakit tinalikuran niya lang ako kanina? Hindi niya man lang ako sinagot kung sino ba siya.
S-Si Soo-Ya, may alam siya tungkol sa amin ni Hwa-Jin. Mabuti pang puntahan ko siya.
- - -
"Soo-Ya!"
"Kamahalan?"
"Pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang sana."
Sinenyasan naman niya ang servant niya at pinaalis ko muna si Hye-Na.
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved