Part 13

28 1 0
                                    

Jennie POV

Pagkarating namin sa palasyo ay agad kaming nagpunta sa bulwagan ng Hari.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang nag-slow motion ang paligid habang dahan-dahang napatingin sa akin si V.

Parang may party na nagaganap sa loob ko, parang gumagawa ng beat ang puso ko, parang kumikinang ang mga mata niya habang nag s-slow motion ang paligid ko.

Napailing naman ako upang makaalis ako sa ilusyon na yun. Lumapit ako sa hari at inilapag sa mesa ang dala kong perfume.

"Regalo ko iyan sayo, mahal kong Hari."

Napansin ko ang mga babaeng servant ng Hari sa nagkatinginan at nagbulungan.

Hinawakan ko ng dahan-dahan pababa ang Hari sa balikat ni parang inaakit.

"A-Aking R-Reyna..."

Nakita ko sa itsura ni V na parang kinakabahan siya sa susunod na gagawin ko. Hinawi ko naman ang buhok ko at sabay kindat sa kaniya na ikinangiwi naman niya.

May mali ba sa pang-aakit ko? Basta makita lang nilang sweet ako sa Hari, ok na siguro yun.

"A-Ano bang g-ginagawa mo, aking R-Reyna?" pabulong na tanong ni V sakin.

"Basta sumakay ka na lang." nakangiting bulong ko sa kaniya.

Narinig namin na bumukas ang pinto at dumating ang Heneral na kasama ang mga kawal nito. Naramdaman kong hinawakan ako ni V sa baywang ko at hinigit ito.

"Oh! Heneral? Nariyan ka pala." sabi ni V kay Heneral Ji-Won.

"Pagpaumanhin niyo po, mahal na Hari. Lalabas na lang po muna kami." sabi ng Heneral.

Sumunod sa kaniya ang mga kawal palabas. Tumingin naman ang Hari sa mga servants.

"Kayo? Ano pang ginagawa niyo rito?"

Yumuko ang mga servants at lumabas na din. Sumunod naman ang butler ng Hari at si Hye-Na na lumabas din.

"B-Bakit pati sila?"

"Nais kitang makasama, nang tayong dalawa lamang."

"T-Tumigil ka nga! Palabas lang naman 'to. Nagkukunwari lang ako sa pang-aakit ko sayo para mapaniwala silang hindi totoo ang kumakalat na tsismis sa'ting dalawa."

"Ngunit totoo iyon, hindi tayo nagtalik nung gabing natapos ang kasal natin."

Hindi sila nagtalik ni Jen-Deuk? Bakit?

"Sinabi mong hindi ka pa handa, at bilang iyong Hari ay nirerespeto ko iyon. Ngunit, mukhang handa kana ngayon."

"N-Nagkakamali ka--"

Bigla akong hinigit nito lalo palapit sa kaniya.

"Maaari ba tayong magtabi mamayang gabi?" tanong nito nang may pang-aakit na tono.

Ano ba kasi 'tong pinasok ko!?

"H-Hindi pwede!" pagtanggi ko.

"Subalit ikaw na din ang may sabi, na pagkukunwari lamang ito upang mapaniwala sila. Magtatabi lamang tayo, aking Reyna, walang ibang mangyayari. Pangako!"

Nakumbinsi naman niya ko kaya pumayag nako sa kaniya.

- - -

"Aking Reyna, bakit hindi ka pa tumatabi sa akin?" tanong ni V na nakahiga na sa kama. Nakapatong pa ang ulo niya sa kamay niya.

Pwede bang mag back out na lang?

May narinig naman kaming mga mahihinang ingay mula sa labas ng kwarto. Siguradong yung mga chismosang servants yun na nakikinig sa amin.

Lumapit nako sa Hari at laking gulat ko nang hilain ako nito pahiga sa kama. Ngayon ay nakatitig ako sa nakakaakit nitong mga mata.

"Napakaganda talaga ng iyong mga mata, aking Reyna, hindi ko mapigilang tingnan ito."

"Tumigil ka nga, kinikilabutan ako sayo." mahinang sabi ko.

Pasimple naman itong ngumiti. Narinig na naman namin yung mga mahihinang ingay sa labas ng kwarto na parang mga kinikilig na ewan.

"Aking Reyna! Masyado mong pinaiinit ang aking gabi!" malakas na sabi nito.

Sumenyas ito sa akin na parang gusto niyang sabayan ko ang trip niya.

"M-Mahal kong Hari, d-dahan dahan ka lamang!" malakas na sabi ko.

Mahina kaming natawa habang naririnig ang mga mahihinang tilian mula sa labas ng kwarto.

- - -

Jisoo POV

"Bakit mo ginawa yon?!" galit na tanong ko kay Chae-Hyun.

"Gusto ko lang naman pong sirain ang reputasyon ng Reyna." tugon nito.

"Ngunit dahil sa ginawa mo ay lalo silang napalapit sa isa't isa!" inis na sabi ko.

Magkasama na naman tuloy silang dalawa, at ngayon ay baka nga may nangyari na sa kanila.

Magkasama na naman tuloy silang dalawa, at ngayon ay baka nga may nangyari na sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon