Part 14

27 0 0
                                    

Jennie POV

“Patay!n mo siya!”

Napasingap ako ng gising, nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto ngunit wala na rito ang Hari.

Hiwakan ko ang dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakakapangilabot na panaginip na iyon. Sino ang taong yon? Sino kaya ang kausap ni Jen-Deuk nung gabing yon? Sino ang kailangan niyang patayin?

- - -

Habang naglilibot kami ni Hye-Na sa palasyo ay bigla na lang akong napatigil sa paglalakad nang may biglang may alaalang sumulpot sa aking isipan.

“ Bakit buhay pa din ang Hari? ”

“ Hindi ko kaya. ”

“ Nalilinlang kana ba ng Hari? ”

“ Mahal ko na siya! ”

“ Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa ng Hari? ”

A-Ano ba itong mga alaalang 'to? Bakit nakikita ko ang mga alaala ni Jen-Deuk? Ano bang nangyayari sakin?

"Kamahalan?" narinig ko ang boses ni Hye-Na na tumawag sa akin, "May problema po ba?"

"Anong nangyari sa Reyna?" biglang sulpot ni Jisoo, kasama ang servant niya.

“ Gusto mo ang Hari? ”

“ Matagal na, matagal ko na siyang hinahangaan. Pangarap ko na noon pa ang maging Reyna niya. ”

Ano ito? Alaala ba nila ni Jen-Deuk at Soo-Ya ito noong mga hindi pa sila nakatira sa palasyo ng Hari?

Napahawak ako sa aking ulo dahil sobrang sakit na. Ang daming alaalang nakikita ko. Napadaing pa ako sa sakit.

"Kamahalan!"

Nakakapanghilo. Parang umiikot ang paligid ko. Paglingon ko ay may naaninag akong isang taong nakatingin sa akin. Marangya ang kasuotan nito na tila may katungkulan rito sa palasyo.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari nang dumilim na ang paligid ko at naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa.

- - -

Nagising na lang akong nasa kwarto na ako. Nakita kong nandito si Jisoo na parang binabantayan ako.

"Gising kana pala, kamahalan. Ano ba ang nangyari sayo kanina? Parang wala ka sa sarili." sabi nito.

"Ano ba ang buhay ko noong hindi pa ako Reyna?" marahang tanong ko sa kaniya na halatang ikinabigla niya.

"Ang sabi ni Hye-Na, may mga alaala raw na hindi mo maalala. Totoo ba talaga?" tanong niya naman sakin.

Yumuko ako at tumango. Hindi ko maalala dahil hindi naman ako si Jen-Deuk, pero bakit ngayon may nakikita akong mga alaala niya?

"Isa kang anak ng Heneral ng Hari." nagitla ako sa panimula niya.

"Si Heneral Ji-Won ba?"

"Hindi siya."

Pero si Ji-Won ang Heneral ng Hari.

"Matagal nang namatay ang iyong Ama, siya ang dating Heneral ng Hari. Binata pa ang Hari noon nang namatay ang iyong Ama. Ang sabi nila ay namatay ang iyong Ama noong habang nasa digmaan siya pero..."

"Pero ano?"

"May ilang nagsasabing, pinapatay siya ng Hari."

N-Nagawa ng Hari yon?

"Subalit hindi ako naniniwalang magagawa iyon ng Hari. Lumaking mabuti at maginoo si Joon-Hyung, hindi niya magagawa iyon sa dating Heneral."

Naniniwala naman akong mabuti nga ang Hari pero ano itong bumabagabag sa akin?

"Kung nais mo talagang malaman ang katotohanan, bakit hindi mo tanungin ang Heneral? Ang iyong inaama na si Heneral Ji-Won, isa siya sa ang mga kasama noon ng iyong ama sa digmaan."

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tingin ko ay naaawa lang ako kay Jen-Deuk dahil sa nangyari sa Ama niya. Ang Hari ba? Siya ba ang dapat patay!n ni Jen-Deuk? Ito ba ang pinanghahawakan niyang dahilan para gawin iyon sa Hari?

"May tanong ako, Jen-Deuk."

Himala yata, tinawag niya ko sa pangalan ni Jen-Deuk.

"Ano bang tanong mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ano bang... Buhay ko sa hinaharap?"

Nabigla naman ako sa itinanong nito. Naniniwala na kaya siya sakin?

"Wag mong isipin na naniniwala ako sayo! N-Nais ko lamang malaman, kahit alam kong walang kabuluhan ang mga sasabihin mo."

Iniisip ko pa nga lang kanina pero tumanggi na agad siya.

"Fine! Ang buhay mo sa hinaharap, isa kang mang-aawit at mananayaw."

"I-Isa ba akong bayarang babae?" natawa naman ako sa itinanong niya. Naisip niya bang nagtatrabaho siya sa Bar?

Umiling iling ako habang natatawa pa din.

"Hindi ka isang bayarang babae, dahil kasama kita. May makikilala kang dalawang babaeng nagngangalang Lisa at Rose. Ang pangalan mo sa hinaharap ay Jisoo, at ako si Jennie sa hinaharap. Tayong apat, mga sikat na kpop idol tayo. Sa hinaharap, magandang buhay ang nag-aantay sa iyo."

Halos maiyak ako habang inaalala ang lahat ng mga alala namin noon sa hinaharap. Halos magkakapatid na ang turingan namin, mas matanda sa amin si Jisoo kaya tinatawag namin siyang Unnie.

"A-Aalis nako. Sa Heneral mo na lang tanungin ang ibang kasagutan na nais mong malaman. P-Paalam, kamahalan."

Pinanood ko lamang itong naglakad palabas ng kwarto. Pagkalabas nito ay pumasok si Hye-Na.

"Kamahalan! Ayos lamang po ba kayo?" tanong niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Hindi po ba kayo inaway ng Binibini?" tanong niyang muli na ang tinutukoy ay si Soo-Ya.

Umiling naman ako.

"Bakit hindi po kayo nagsasalita, kamahalan? Nawalan po ba kayo ng boses? Naputulan po ba kayo ng dila?" alalang tanong niya.

"Hindi ah! Ang oa neto!" napangiwi pa ko.

"A-Ano po ang oa?"

Sasabihin ko sana overacting pero wag na baka mabalik pa sakin.

"Over Attractive."

"Ano po yung O-Over Attractive, kamahalan?"

Dapat pala sinabi ko na lang yung totoong meaning nun, hindi nga din pala niya maiintindihan.

"Malalaman mo din yun balang araw."

"Kailan naman po yun, kamahalan?"

"Alam mo bang anger issue ko 'yang tanong ng tanong?"

"Kamahalan, ano po yung anger issue?"

Arghhhh!!!

Arghhhh!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon