Author POV
Sa gitna ng palasyo magsisimula ang pagbitay sa mahal na Reyna. Naroon ang lahat upang masaksihan ang mga huling araw ng Reyna. Pinagbabato nila ito ng kung ano habang galit na sinisigawan ng kung ano anong masasakit na salita.
Nakatali ang mga kamay ng Reyna at nataklob ng itim na tela ang ulo nito. Isinuot ng kawal ang tali sa leeg ng Reyna.
Inaabangan ng lahat ang susunod na mangyayari. Nagsalita muna ang Heneral ng isang talumpati tungkol sa pagtataksil ng Reyna, natigilan ang Heneral nang may mapansing kakaiba sa Reyna.
Lumapit siya at hinila ito. Tinanggal niya ang nakataklob na tela sa ulo nito at nakita nilang hindi ito ang mahal na Reyna. Ang nagpanggap na Reyna ay ang tagapaglingkod ni Jen-Deuk na si Hye-Na.
"Nakatakas ang Reyna!" sigaw ng Heneral.
Nagakagulo ang lahat, inutusan ng Heneral ang mga kawal na hanapin ang Reyna. Sinunod naman siya kaagad ng mga kawal.
Samantalang ang Reyna ay tinulungang makatakas ni Soo-Ya. Tinulungan silang makalabas ng palasyo ni Chae-Hyun. Magkasama ngayon na tumatakbo sa kagubatan sina Jen-Deuk at Soo-Ya palayo sa palasyo.
Hindi mapakali ang Heneral kaya hinanap na din niya ang Reyna. Sa kasamaang palad ay may nakahanap na kawal sa kanila Jen-Deuk, nagtawag ito ng ibang kawal at hinabol sila ng mga ito.
Hingal na hingal na tumatakbo ang dalawa. Huminto si Soo-Ya kaya huminto rin si Jen-Deuk. Nagkausap ang dalawa.
"Hindi natin sila matatakasan, masyado silang marami." sabi ni Soo-Ya.
"Pero magagawa mo silang matakasan, mahal na Reyna." dugtong niya.
"Ayoko! Sabay natin silang tatakasan, Soo-Ya!" pagtanggi ni Jen-Deuk at umilinh naman si Soo-Ya.
"Hanapin mo ang Hari. Hindi siya patay, Jen-Deuk. Umalis kana at hanapin mo siya, gawin mo ito para sakin. P-Pakiusap."
Napatingin sila sa mga kawal na malapit na sa direksyon nila.
"Umalis kana!" tinulak ni Soo-Ya si Jen-Deuk.
Kahit labag sa loob ni Jen-Deuk na iwan si Soo-Ya ay wala na siyang nagawa nang sumugod si Soo-Ya sa mga kawal.
Tumigil siya sa pagtakbo at naupo sa tabi ng isang malaking puno. Doon ay humagulgol siya ng iyak. Napakasakit para sa kaniya habang inaalalang nagsakripisyo si Soo-Ya para lang makaligtas siya.
Huminga siya ng malalim, inalala niya ang huling mga sinabi sa kaniya ni Soo-Ya. Tumayo na siya at naghanda na muling tumakbo subalit natigil na naman ito nang sumulpot ang Heneral sa kaniyang dinadaanan.
"Ako na lang muli ang tatapos sa iyo, kamahalan." sabi ng Heneral habang hawak ang espada nito.
Natatakot ang Reyna at hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
"Papatay!n kita katulad ng kung paano ko p!natay ang iyong Ama."
Halos mapako ang sarili nitong mga paa sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi ng Heneral.
Subalit hindi nito inaasahan ang pagdating ng kung sino upang tulungan siya. Lumingon ito sa Reyna at nagulat si Jen-Deuk nang makilala ang taong ito.
"V..." sambit ng Reyna.
"Hindi ko inakalang mabubuhay ka pa." sabi ng Heneral.
"At hindi ko rin inakalang, taksil ka rin." sabi ng Hari.
Sinugod ng Heneral ang Hari at nilabanan naman siya ng Hari. Nagkaron ng sugat sa pisngi ang Hari nang matamaan siya ng espada ng Heneral ngunit gumanti ang Hari at sinugatan naman ito sa braso.
Habang naglalaban ang dalawa ay may napansin si Jen-Deuk na isang kawal na may hawak na pana, nakatutok ito sa Hari. Nang kalabitin niya ang pana ay agad na tumakbo si Jen-Deuk sa likuran ng Hari upang siya ang matamaan ng palaso.
Nang matamaan ng palaso sa dibdib si Jen-Deuk ay natamaan naman ng Hari ang leeg ng Heneral na dahilan ng pagbagsak nito. Binato ng Hari ng maliit na kutsilyo ang kawal na may hawak na pana, natamaan ito sa leeg kaya bumagsak rin ang kawal.
Inalalayan ng Hari ang Reyna.
"V..."
"Aking Reyna, hindi mo dapat ginawa iyon."
"S-Sayang... K-Kasi hindi na tayo m-magkikita pa s-sa h-hinaharap."
"Huwag mong sabihin iyan, aking Reyna."
"I-Ibigay mo na lang a-ang p-pagmamahal mo kay J-Jisoo, m-makikilala mo rin s-siya sa h-hinaharap."
"Kung totoo man ang sinasabi mo, mas nanaisin ko pa din na ikaw ang makasama ko sa hinaharap. Ikaw lang ang pipiliin kong mahalin, aking Reyna."
"Minsan na tayo nagkita sa hinaharap, minsan na din nagtagpo ang ating mga mata, minsan na din tayo nakapag-usap, at isa lang ang sinasabi ng puso ko... Na may kakaiba sa iyo na hindi ko maintindihan." ang mga huling sinabi ng Reyna sa isipan nito dahil hindi na niya kaya pang magsalita.
Napahiyaw ang Hari habang may mga luhang pumapatak na mula sa kaniyang mga mata. Sinisigaw nito ang pangalan ng Reyna nang tuluyan na itong pumanaw...
Jennie POV
Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. Bumangon ako mula sa kama at saka nag unat unat.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sina Lisa, Rose, at Jisoo na kumakain na ng almusal.
"Hindi niyo man lang ako tinawag." nakangusong sabi ko.
"Pagod na pagod ka kahapon, hindi ka muna namin ginising." sabi ni Lisa.
"Pagtitimpla lang kita ng kape." ani ni Jisoo na naglakad na papunta sa kusina.
Ilang saglit ay bumalik na si Jisoo na may hawak na mug. Inabot niya sakin yung tinimpla niyang kape, "Ohh!"
"Salamat." walang ganang sabi ko pero nginitian ko naman pabalik si Jisoo.
Ewan ko ba pero parang pagod na pagod pa rin ako. May napanaginipan ako pero nakalimutan ko na kaagad. Ano kaya yun?
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved