(Epilogue)

46 1 0
                                    

Jennie POV

We are here at the arena for our fan signing event. Inaantay ko lang na matapos na kami rito para makapunta na ako sa airport. I have a flight kasi mamaya papuntang Paris.

Hindi nako makapaghintay makapunta ng Paris lalo na at may imemeet akong isang tao doon.

"Masaya ka yata?" napatingin ako sa katabi kong si Lisa na nangingiting nakatingin na pala sa akin.

"W-Wala 'to."

"Ingat mamaya sa flight ah!"

Nangingiting tumango naman ako sa kaniya.

Bumalik sa harapan ang tingin ko at nag aantay sa susunod na tagahanga kong magpapa album signing.

"Idol na idol ko po talaga kayo, Miss Kim Jennie!" sabi nito nang pagkalapag niya sa table ng album na pipirmahan ko.

"Ganon ba? Maraming salamat!" sabi ko habang pinipirmahan ang album.

"Ano palang pangalan mo?" tanong ko.

"Ako po si Lee Hye-Na!"

Saglit akong natigilan at napatingin sa babaeng ito.

"Lee... Hye-Na?" pang-uulit ko.

"Opo!" sabi nito na tumatango pa.

Hindi ko inakalang, magkikita tayo muli sa hinaharap. Lagi kang nariyan sa tabi ko noon at hanggang ngayon nandyan ka pa rin at sinusuportahan ako.

"Maraming salamat, Hye-Na." nakangiting ani ko.

"Para saan po?" pagtataka nito.

"Para sa suporta mo." sagot ko.

"Walang anuman po yun."

Nabaling naman ang tingin ko sa katabi kong si Jisoo. Masaya siyang nakikipag usap sa isa niyang tagahanga, si Chae-Hyun.

Masaya ako ngayon para sa kanila dahil nabuhay din sila sa hinaharap. Sayang lang dahil hindi na nila naaalala ang nakaraan pero sa tingin ko ay ayos na din iyon para hindi na nila maalala ang mga hindi magandang nangyari noon.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang fan signing event. Nagpaalam nako sa kanila Jisoo, Rose at Lisa. Kasama ko ang manager ko sa pagpunta sa airport.

Nasa Paris kasi siya ngayon kaya pupunta ako doon para makasama siya. Tamang tama dahil gusto ko din palang itanong sa kaniya kung paano niya naalala ang lahat.

Hindi ko sana maaalala ang nakaraan ko kung hindi dahil sa kaniya.

*Flashback*

Simula nang makita ko ang painting na iyon ay lagi ko nang napapanaginipan si Queen Jen-Deuk.

Simula nang makita ko ang lalaking iyon ay lagi na lang siya ang nakikita ko sa alaala ko na parang may nakaraan kami. Madalas ko na din siyang nakikita at malay ko ba kung paano niya nalaman ang number ko.

Nagising ako ng gabi dahil sa napanaginipan ko na naman. Siya na naman ang nakita ko sa panaginip ko habang kasama ang Queen Jen-Deuk na kamukha ko.

Kinuha ko ang phone ko at hindi nako nagdalawang isip na tawagan siya.

"Why? Namiss mo na agad ako?"

Ayan na naman siya sa pangangasar niya.

"Kidding, bakit ka napatawag? At bakit gising ka pa sa ganitong oras ha?"

"Magkita tayo."

"Sure! Kailan ba? Bukas? Anong ora--" I cut off his words.

"Ngayon." pangsasabat ko.

Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon