Jennie POV
"Sa tingin ko po, kamahalan, galit pa din po sa inyo si Binibining Soo-Ya."
"Hayaan mo na siya, hindi ko na kasalanan kung ganon siya mag-isip. Basta alam ko sa sarili kong hindi ko gusto ang Hari."
"Bakit naman po parang nagbago kayo, kamahalan? Dati naman po gustong gusto ninyong makita ang Hari pero ngayon ay iniiwasan niyo po siya. Mahal na mahal niyo po ang Hari pero sinasabi ninyong wala kayong pagtingin sa kaniya."
"Sinabi ko na sayo, hindi ako si Jen-Deuk."
Ilang ulit ko pa bang kailangan sabihing hindi ako siya. Halata namang magkaiba kami.
May napansin naman akong isang may-edad na lalaking nakasuot ng baluti na nakatingin sa akin. Ngumiti ito at bahagyang yumuko.
"S-Sino ang taong yun?" tanong ko kay Hye-Na.
"Siya po si Heneral Ji-Won. Ninong niyo po siya, kamahalan, kaya nakakapagtakang maging ang Heneral ay hindi mo po kilala." sagot niya.
Kaya pala pakiramdam ko may kakaiba sa taong yun.
"Nais niyo po bang maglibot muna? Baka sakaling may maalala na kayo."
Maglibot na muna kaya ako habang hindi pa ko nakakabalik?
"Sige!"
- - -
"Woah! Ang astig!" manghang sabi ko habang kasama si Hye-Na sa loob ng kalesa.
"Base sa reaksyon niyo, kamahalan, parang hindi pa kayo nakakasakay ng kalesa."
"Hindi pa talaga, ito ang unang beses na sumakay ako ng kalesa sa taong 1849. Diba ang astig?"
"P-Pero kamahalan, ilang beses na po kayo nakakasakay ng kalesa. Totoo po ba talagang wala kayong maalala?"
Paano ko maaalala ang alaalang hindi naman sa akin. Ni-isa sa mga alaala ni Jen-Deuk, wala ako.
Habang nakasakay sa kalesa at nakatanaw sa labas ay nakita ko ang mga babaeng servants na mahinang nagtitilian.
"Anong meron?"
"Marahil po ay hinahangaan nila ang Hari dahil sa angking kakisigan nito, kamahalan." sagot ni Hye-Na.
Umabot pa talaga sa panahong 'to ang pagiging sikat niya. Hanggang dito ba naman, habulin pa din siya ng mga babae.
"Itigil niyo!" utos ko na dahilan upang ihinto nila ang kalesa.
"Saan po kayo pupunta, kamahalan?" takang tanong ni Hye-Na nang biglang bumaba ako sa kalesa.
Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad papunta sa Hari, may kailangan lang kasi akong ikumpirma.
"V! Este, mahal na Hari." lumingon naman ito sa akin nang tinawag ko siya.
"Aking Reyna, maayos na ba ang iyong kalagayan?" tanong niya.
"Gusto sana kitang makausap... Nang tayong dalawa lang sana." sabay lumipat ang tingin ko sa mga servant at butler niya.
Sinenyasan naman sila ng Hari na umalis muna.
"Ano ba ang pag-uusapan natin, aking Reyna?"
"Totoo ba?"
"Paumanhin aking Reyna ngunit, anong totoo ang tinutukoy mo?"
"Totoo bang ikaw si V?"
"Ikaw na mismo ang nagsabi."
"Kilala mo ko?"
"Oo, kilala kita."
"Sino ako?"
"Ang aking mahal na Reyna."
Mukha ba kong nakikipagbiruan?
"Anong pangalan ko?"
"Jen-Deuk."
"I mean, yung real name ko. Yung totoong pangalan ko?"
"Jen..."
Nie?
"Deuk!"
Napatampal naman ako sa noo sa sinagot nito.
"Ako si Jennie! Pati ba naman ikaw? Hindi mo rin ako kilala katulad ni Jisoo. Ano bang nangyayari sa inyo?"
"Marahil ay napagod ka sa ginawa natin kagabi, magpahinga ka na lang muna, aking Reyna."
"Kagabi? A-Ano bang ginawa natin kagabi? Ay hindi! Ibig kong sabihin, ano bang ginawa niyo ni Jen-Deuk kagabi?"
"Hindi mo naaalala?"
"Sabihin mo na lang kung ano yun!"
"Ayoko nga, masyadong pribado ang mga detalye. Isipin mong mabuti kung ano ang ginawa natin kagabi." sabi nito bago ako dinaanan lang.
Ano kaya yung ginawa nila ni Jen-Deuk kagabi? Napasingap ako ng gulat dahil sa maruming naisip ko.
Nagtalik kaya sila kagabi?
- - -
Sumapit ang gabi at handa na kong matulog.
"Good bye, 1849! See you, 2024!" masayang sigaw ko bago humiga sa aking kama.
Sana talaga makabalik nako. Hindi ko kakayanin tumagal pa sa masamang bangungot na 'to.
A/N:| Makakabalik na kaya si Jen-Deuk?
BINABASA MO ANG
Time Travel in 1849 [COMPLETED]
FanfictionA Kpop Idol who traveled back in time as a Queen. [This story is just a work of fiction.] Date Started: June 4, 2024 Date Finished: June 16, 2024 ©All Rights Reserved