Part 10

35 0 0
                                    

Joon-Hyung POV

"Sandali? Hindi ko maintindihan. Wala? Umalis? Tulog? Anong ibig mong sabihin?"

"M-Mabuti pa, mahal na Hari, m-matutulog na rin po a-ako. P-Paumanhin po!" nauutal na tugon ng tagalingkod ng Reyna at pagkatapos ay biglang sara naman nito ng pintuan.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Ang gulo naman. Wala ba siya dahil umalis siya sa kaniyang silid at nakatulog sa ibang lugar? O baka naman... Iniiwasan kaya ako ng Reyna?

- - -

"Mahal na Hari! Nakita niyo ba ang Reyna?" tanong sa akin ng tagapaglingkod ko.

"Nabigo akong makita ang Reyna, Won-Sik. Ngunit nakita ko naman si Soo-Ya."

"Nagpunta ka kay Binibining Soo-Ya?" tanong niya at umiling naman ako.

"Nagkasalubong kami habang papunta ako sa direksyon ng tahanan ng Reyna."

"Ngunit ano ang ginagawa niya sa labas?"

"Ang sabi niya ay para daw makita ako."

"Ibang klase talaga ang kagwapuhan ng mahal na Hari. Parang ako na din ay unti unting nahuhulog sa kagwapuhan niyo."

"Tumigil ka nga! Nakakapangilabot ang iyong mga iwinika."

"Biro lang po, mahal na Hari."

"Huwag mo nakong bibiruin ng ganon. Mas nanaisin ko pa din na ang mahal na Reyna ang magsabi ng ganoon sa akin, ngunit sa kasamaang palad ay parang iniiwasan ako ng aking Reyna."

"Alam ko na, mahal na Hari! May plano ako upang lalo kayong mapalapit sa isa't isa ng Reyna katulad noon."

"Anong klaseng plano naman?"

- - -

Jennie POV

"Hay! Hindi ako makatulog." bagot na sabi ko sa'king sarili.

"Kamahalan! Gising pa po ba kayo?" rinig kong boses ni Hye-Na mula sa labas ng kwarto ko.

Bumangon naman ako at pasigaw na sumagot.

"Oo, gising pa ko!"

Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwal nito si Hye-Na na nagmamadaling lumapit sa akin.

"Mahal na Reyna, may nagpapabigay po ng sulat." sabi nito habang iniaabot sa akin ang hawak niyang papel.

Tinanggap ko naman ito.

Ano na naman kaya 'to? Baka katulad 'to ng naunang sulat na natanggap. Napailing ako nang maisip ang laman ng mensaheng yon.

Binuksan ko na ang papel at binasa ang nakasulat rito.

"Magpunta ka sa lawa ng mag-isa, ngayon din." sabi sa sulat.

Sino naman kaya 'tong nagbigay ng sulat at nang-utos pa? Hindi niya ba alam kung anong oras na?

"Aalis lang ako saglit."

"Samahan ko na po kayo, kamahalan."

"Huwag na, kaya ko naman mag-isa. At saka sabi sa sulat, mag-isa lang raw ako magpunta."

"Mag-iingat po kayo, kamahalan." sabi ni Hye-Na na tinanguan ko na lamang bilang tugon.

Kahit may suot akong coat ay ramdam naman ng mukha ko ang lamig ng hangin ngayong gabi.

Pagkarating ko sa may lawa ay may naaninag akong lalaking nakaupo sa may damuhan. May kapareho siya ng kasuotan kaya mukhang kilala ko na kung sino ito. Lumapit ako at tama nga ang hinala ko, walang iba kundi ang mahal na Haring si V.

Na-weirduhan ako sa ginawa nitong pakindat sa akin at parang inaakit ako ng kaniyang mga mata pero mas weird yung nakita kong maliit na bulaklak sa bibig nito.

"Anong ginagawa mo? Gutom ka ba? Bakit ka kumakain ng bulaklak?" nang pagkatanong ko nito ay agad na dinura niya ang bulaklak na nasa gilid ng labi niya.

Natawa ako sa inasta nito kaya tinabihan ko siya.

"Hindi mo naman sinabing vegetarian ka pala." natatawang asar ko sa kaniya.

"Sinusubukan kitang akitin, aking Reyna, ngunit iba ang pagkakaintindi mo."

Mukhang alam ko na kung sino ang unang nakaisip ng ganong pang-aakit.

"Hindi mo naman kailangang gawin yon."

"Ngunit paano ko ba maaakit ang katulad mong perpektong Reyna?"

"Hindi ako perpekto, may mga bagay na kung saan hindi ko din kayang gawin at nagkakamali rin ako minsan. At isa pa, hindi mo ko kailangang akitin."

Mga mata mo pa lang, nakakaakit na.

"Pero perpekto ka para sa akin, mahal kong Reyna."

Nagtagpo na naman ang aming mga mata. Medyo naaawa ako sa Hari dahil hindi ako ang tinuturing niyang kaniyang Reyna. Hindi ako si Jen-Deuk pero kahit ilang beses ko pang sabihin iyon sa kaniya o maging sa kanila ay hindi sila naniniwala.

"Nagkakamali ka, mahal na Hari."

"Anong ibig mong sabihin, aking Reyna?"

Napayuko ako at hinawakan ang mga kamay niya. Nilakasan ko ang loob kong tumingin muli sa nakakaakit niyang mga mata.

"V, Tae-Hyung, mahal na Hari, o kung sino ka man. Paumanhin, pero hindi ako si Jen-Deuk. Ako si Jennie, hindi ko alam kung paano ako napunta sa katawan ni Jen-Deuk pero--"

"Pero mahal kita... Kahit ano pa ang sabihin mo, mahal kong Reyna, mamahalin pa din kita."

V...

“ Kung hindi mo mahal ang Hari, lubayan mo na siya. ”

Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Jisoo.

Ano ba 'tong kumakabog sa dibdib ko? Puso ko ba 'to? O puso ni Jen-Deuk? Pero kahit maging kanino man ang pusong tumitibok sa loob ko, hindi ko pa din pwedeng mahalin ang lalaking nasa harapan ko.

"Hindi mo ko pwedeng mahalin, mahal na Hari."

"Ngunit bakit?"

"Dahil magkaiba ang panahon nating dalawa."

"N-Ngunit hindi ko maintindihan, aking Reyna. Ano bang ibig mong sabihing magkaiba tayo ng panahon?"

Nasa nakaraan ka habang ako ay nasa hinaharap. Kaya hindi natin pwedeng mahalin ang isa't isa. Hindi nagtutugma ang panahon nating dalawa.

"Walang tamang panahon o maging tamang oras para sa ating dalawa. Iyon ang kapalaran ko sa panahong ito... Sa panahon mo, kung saan wala ako."

Pinunasan naman niya ang luhang tumulo mula sa mata ko na hindi ko man lang namalayan.

"Subalit nandito ka, mahal kong Reyna. Kung hindi ito ang panahon mo, bakit ka pa nandito? Ang ibig sabihin lamang ay, panahon mo din ito, panahon nating dalawa."

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Maraming salamat sa pagpapagaan ng loob ko, mahal kong Hari...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Time Travel in 1849 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon